Boyish09

6 0 0
                                    

Walang iiyak. Pogi tayo.

Kinabukasan, nagising ako sa ingay ng Alarm clock ko. Lintek na to. Mamaya pang 10am pasok ko! 6am palang ngayon!

Pagkaoff ko sa alarm clock ko sa side table. Kinuha ko yung phone ko. Tiningnan kung may text ba. Pero wala naman. Hindi ko alam bakit may inaabangan akong magtext. In-unlock ko phone ko. Natulala ako sa nakita ko. Wallpaper ko. Picture namin dalawa ni Dash. Kaisa isang picture naming dalawa. Hinawakan ko mukha ni dash na wallpaper ko. At nagflashback yung araw na nagselfie kaming dalawa.

*flashback*

"Ano ba! Ayoko nga sabi e!" Sigaw ni dash na sobra na ang inis.

Nasa bluehouse kami nun dalawa. Gusto ko siyang makita ngumiti kaya naisipan kong magselfie kami. Nakakatawa siya dahil ayaw niya magpicture kami. Ang lakas daw maka aning.

"Isa lang Dash. Ang damot mo naman!" Sigaw ko din sakanya.

"E sa ayoko e!" Sabay tulak niya sa dibdib ko na muntik na ko mahulog sa kinauupuan ko.

"Anak ng! Muntik na ko mahulog! Alam kong nasa likod lang natin yung clinic pero wag mo naman sana ako pilayin dahil lang sa ayaw mo magpapicture!" Sigaw ko na sakanya na sobrang inis.

Nanlaki mata niya. Kahit maliit pa rin kase singkit siya. Hays ang cute.

Nagpout siya. "Oo na nga. Sige na. Pero isang shot lang!" Sabi niya na ikanangiti ko ng sobra.

"Sus. Gusto mo pa ko magalit e noh?" Sabi ko sakanya.

Inirapan niya lang ako.

In-unlock ko na yung phone ko at click sa camera. Sinet sa front cam.

"Ayan na. Smile ha?" Tiningnan ko siya at nakangiti.

"Ayoko" sabi niya na inirapan ulit ako.

"Bakit? Dash naman. Magpipicture ka pa kung hindi ka magsmile." Inakbayan ko siya.

"E sa ayoko. Sige na bago pa magbago isip ko." Sabi niya.

Wala na kong magawa kaya sinet ko na yung camera.

"Ready? 1 2 3" ngumiti ako habang nakaakbay sakanya. Parang magsyota lang. Hahahaha. Tiningnan ko picture namin at natawa ng sobra sa mukha ni dash.

"Hahahahahahahahaha mukha kang natatae dash tingnan mo! Hahahaha" iniharap ko sakanya ang cp ko at pinakita ang picture namin.

Tinulak niya ako ng malakas at tuluyan na ko nahulog sa kinauupuan ko.

"Dash!" Tiningnan ko siya ng masama habang hawak hawak ang bandang pwetan ko. Hays masakit!

Nagpamewang siya at tumayo sa harap ko. "Masyado ka kaseng natutuwa kaya tinapos ko na kaligayahan mo. Dickhead!" Nagtaas siya ng kilay at tumalikod na para simulang maglakad at iwan ako.

Buti na lang dumating sila kenneth nun kaya hindi ko na siya sinundan pa. Yung babaeng talagang yun. Gustong gusto niya kong nasasaktan. :(

*end of flashback*

Nakangiti akong nakatitig sa phone ko. Inalala lahat hanggang sa maalala ko nangyare kagabe sa hospital. Bigla akong nalungkot na may halong inis.

Kailangan ko na siyang kalimutan. Hindi na niya ko kailangan. Buburahin ko na tong picture na to.

>Click sa gallery.
>Hanap sa picture naming dalawa.
>Click sa option.

Pipindutin ko na ba tong Delete na to? Hays. Hindi ko kaya. Lintek naman oh. Nilock ko yung phone ko at tumingin sa kisame.

BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon