Boyish16

2 0 0
                                    

Pagkatapos ng exam, umalis na ko agad. Kahit hinang hina at walang gana pa ring kumilos ay pinuntahan ko ang motor ko sa parking lot.

Gusto ko na umuwi, dahil sa nangyare kanina parang nagkaroon ako ng napakalubhang sakit para ikahina ng katawan at puso ko at para na rin umiwas sa mga tao.

Hindi ko akalain na ganito maglaro ang tadhana. Hindi ko alam kung paano nasakop ng isang kilos lalake at mas lalake pa sa akin ang puso at isip ko. Kung pano niya madaling gawing tubig na iniinom ko ang sarili niya.

Si Dash ay naging tubig na iniinom ko. Hangin na hinihinga ko. Dugo na dumadaloy sa buong katawan ko. Ilaw sa paligid ko. Pera na kailangan ko. Pagkain na bumumuhay sakin. Mundo na kinatatayuan ko. Araw na umiikot sa mundo ko. Musika na kaligayahan ko.

Sa isang iglap, siya ang lahat ko.

May bahagi sa akin na kalimutan na siya. May bahagi din na sumuko na.

Hindi ko na alam ulit gagawin ko. Nakabangon na ko noon, pero sa isang iglap lang ay naglaho ang mga lakas na inipon ko.

Sa sandaling ito, napatingin ako sa langit. Pinikit ang mga mata. Ninamnam ang hangin at init na humahalik sa balat ko habang nagtatalo ang puso't isip ko.

Ano nga ba gagawin ko? Hahayaan ko na lang ba na ang panahon na ang makalimot? O hayaan ang puso kong ipadurog pa?

Sana nagkaka-amnesia din ang puso.

Sandali akong nag isip, at napabuntong hininga dahil hindi ko alam ang sagot.

Napakamot ako sa batok ko at napangisi. Kinuha ko ang susi ko at sinuot ang helmet. Sumakay sa motor ko at pinaandar ito.

Hindi maalis sa utak ko ang mga nangyare kanina. Parang mga paro paro ang mga salitang binitiwan niya kanina, mga paru-parong nagsasayang lumipad sa utak ko.

Nawawala ang pagfocus ko sa pagmamaneho. Weird man pero parang nakikita ko si Dash sa mga dinadaanan ko. Napapalingon ako ng di oras at napapabuntong hininga dahil sa pag iisip na nahihibang na ako.

"Kalma charlie, kalma." Bulong ko sa sarili ko.

Pagtingin ko sa dinadaanan ko, hindi ko alam na naka-stop light. Nataranta ako dahil masesemplang na ako. Sobrang kabado ko. Buong lakas kong pinreno ang motor ko. Pero hindi sapat iyon, napapikit na lang ako at hinayaan ang sarili ko sa susunod na mangyayare.

'Diyos ko, kayo na po bahala sa akin.' Sabi ko sa isip ko at nakaramdam na ko ng sakit sa katawan hanggang sa mawalan na ko ng malay.

BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon