Kung nagtataka kayo sa pagkatao ni Dash. Sige ide-describe ko siya sa kung anong nakikita ko sakanya.Si dash yung babaeng lalaki pumorma.
Singkit mata niya.
Maputi.
Mahaba ang buhok at parang laging nire-rebund.
Laging may earphone na nakasabit sa balikat niya.
Sa ugali?
Hindi ko alam.
Basta ang alam ko mabait siguro pero umaapaw ang kasungitan.
Magaling pala siya sa volleyball. Nakikita ko siya dati sa computer shop at naglalaro ng Dota1. Hindi pa kase uso noon ang Dota 2.
Diba? Boyish na boyish.
Marami naman siyang kaibigan. Kaso kadalasan lalaki nakikita kong mga kasama niya. At bakit ko nalaman? Dahil nakikita ko siya sa court at nakaupo sa bench kasama ang mga lalaki niyang tropa. Tahimik na nanu-nood ng laro namin.
One of the boys ika nga nila.
O baka naman Tomboy siya? At di na sakop ng pakialam ko kung anong kasarian niya.
Wait papakilala ko naman sarili ko.
Ako si Charlie Rendo. BA ako. 3rd year na at next year ay graduating na.
Sabi nila pogi ako.
Pero hindi ako naniniwala kaya kampante na lang ako sa mukha na meron ako.
Magaling akong kumanta.
Minsan nagpe-perform ako.Nagugustuhan naman nila ang performance ko dahil kung anong kinapogi ko DAW e yun din daw kinapago ng boses ko.
Nagba-basketball din ako.
Mahilig ako manlandi ng girls. Hahaha.
Gentleman but seductive one ;)------
Tahimik ako sa hallway na naglalakad ng may tumulak sakin galing sa likod.
At muntik naman ako napasubsob. Shit sino ba to?!
"Hoy!" Sigaw niya.
Ng lumingon ako at handa na para sigawan yung tumulak sakin.
Napangiti ako.
Si Gemma.
Yung crush ko. Hehehe.
"Oh gems!" Smile ko sakanya.
"Kala mo kung sino na noh?" Tumawa siya ng nakakaloko.
Wag kang tumawa mahuhulog ako. Lol corny
"Oo. Ba't mo ba ko tinulak?" Tanong ko na nagkakamot ng ulo.
"Trip ko lang. Hehe" Ngiti niya.
Oh shit. Bawal ngumiti! Isa pang ngiti. Mamahalin na talaga kita! Shit corny
Tinawanan ko na lang siya at sabay kaming naglakad sa hallway. Kaklase ko si gems kaya sabay kaming pumasok ng room.
Umupo kami bandang likod at nakita kong nandoon si dash malapit sa bintana. Nakatingin sa amin ni Gemma.
"Hi Dash." Bati ni Gemma sakanya bago umupo at ako ay tiningnan lang siya at umupo na sa tabi ni gemma.
"May sinabi ba kong tumabi ka sakin gemma? Pumayag ba ako?" Sarkastrik niyang tanong.
Nagulat naman si gemma at bago pa siya makasagot ay-
"Umalis ka sa tabi ko o baka hilain pa kita palabas." Shit sungit mong tomboy ka!
Sasagot pa sana si gemma pero hinawakan ko ang kamay niya para sabihin na wag na.
"Dito ka na lang gems." Turo ko sa kanang upuan na katabi ko.
Tumango si gems at tumayo para umupo sa tabi ko. Nag irapan ang dalawa.
Tiningnan ko si Dash ng masama.
"What?" Taas niyang kilay sa akin.
Ang kapal ng kilay mo tomboy ka.
Iniwas ko na ang tingin ko sakanya.
"Sa susunod kase sa park maglandian. Wag sa school." Nakakaloko niyang sabi.
Tiningnan namin siya ni gems.
Nakapalumbaba at nakatingin na naman sa kawalan habang nakaearphone na naman.
"Bitter" Bulong ni gems na may halong inis.
Broken si tomboy. Hahahaha
"Hayaan mo na." Sabi ko kay gems at ngumiti.
Pumasok na ang prof namin at nagsimula ang klase.
Boring as usual. Fuck
BINABASA MO ANG
Boyish
RandomHoy babaeng lalaki pumorma! Tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.