Nagising ako ng maaga. Syempre may pasok.
Kumain naligo at nag ayos ng sarili.
Hinahanap ko susi ni Babe ko. Nakita ko sa lamesa. Dinampot ko iyon at lumabas.
"Hi babe" bati ko sa motor ko. Mio.
Sumakay ako doon at dinrive.
"Masarap to babe. Ugh" Ahahaha yes im pervert.
Dali dali kong dinrive ang Babe ko.
At mabilis akong nakarating sa school.
Pumasok agad ako.
Habang naglalakad sa hallway, hinahanap ko sila kenneth.
Asan na kaya yung mga yun? Hays 10:30am pa naman pasok ko. Kaya tumambay muna ako sa bluehouse.
Ako lang maisa ang nakaupo doon.
Pero sobrang bored talaga.
Napagdesisyonan kong hanapin yung tatlo sa mga vacant rooms. Sa main building.Mb201,MB210 ampota wala. Tas umakyat ako sa 3rd floor.
Mb303 Mb301. Shit wala din.
Tumingin ako sa mb302.
May naaninag akong tao.
Dito na nga muna ako.
Nakita ko siya lang mag isa. Natutulog. Nakasubsob mukha sa desk niya.
Puyat ata to. ._. Sa bandang likuran ako umupo. Sumandal ako at tumingin sa kisame.
Ugh. Boring baby.
30 mins ang lumipas ng nagising yung babaeng natutulog.
Nagulat ako napangiti ng si Dash yung nakita ko.
Kinukusot niya mata niya habang lumilinga linga kung may tao.
Nakita niya ko. Nginitian ko siya.
Inirapan niya lang ako.Naalala ko tuloy yung convo namin nung january. Masaya siya nun.
Siguro kung masaya siya ngayon nginitian din niya ko.
Pero sadyang gago mga ibang lalaki kaya ayan, nagbago na si Dash.
Naalala ko na kinuha ko pala number niya.
Nakita ko siya na hawak cp niya at namimili ng playlist.
Kinuha ko ng dali dali yung cp ko.
Hinanap number niya at tinext.
"Goodmorning Dash :)" text ko.
Narinig ko naman agad yung ringtone ng phone niya. Tiningnan niya. Siguro binabasa na niya text ko :">
Asa pa more and most.
Pakyu brain :-))))
"Hoy!" Sigaw niya sakin.
"Hi baby! Goodmorning!" Big smile :D
Imbis na matuwa. Lumapit siya sakin. Binato niya sakin yung blazer niya.
"Baby your face! Wala akong load!" Sobrang inis na niya.
"Ano ka ba naman baby. Di mo na kailangan sumigaw. Atleast nagpaalam ka pa wala kang load. Sus :)" Nakakalokong ngiti.
Inis na inis na mukha niya. Hahahaha ang cute e. Yung kilay niya nakasalubong na nakatingin sakin. Hahaha.
Lumapit pa siya sakin ata akala ko hahalikan niya ko.
Sobrabg lapit na ng mukha niya sakin. Sobrang lapit. Yung puso ko tumutugstugs!
"O-Oh wag naman dito baby nasa school tayo." Sabi ko sakanya na pipigilan na sana siya-
Kinuha lang pala niya yung blazee niya na nasakasabit sa likod ko.
"Ang feeling mo naman para halikan ko. Wag kang papogi. Hindi ka pogi." Sabay irap at inayos ang mga gamit niya at umalis na.
At ako nakangiti na parang tanga. Hahahaha
Interesting...
BINABASA MO ANG
Boyish
RandomHoy babaeng lalaki pumorma! Tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.