Boyish17

9 0 0
                                    

Nangyare ang dapat mangyari. Nagising ako sa hospital. Pero wala akong nararamdamang sakit sa katawan ko. Nilibot ko ang mga mata ko sa kwarto kung nasaan ako. Puro puti ang paligid. Walang nagbabantay sakin. Alam na kaya nila mama? Sana wag umiyak si mama.

Tumayo ako at dumaretso sa pinto upang tingnan kung may tao sa labas. Pero bago ko pa mahawakan ang doorknob ay may niluwa ang pinto. Sila kenneth, napangiti ako dahil sa pagaakalang sila nagdala sakin.

"Tol salamat sa pagdala sakin dito ha. Nasaan mama ko?" Sabi ko sakanya.

Pero blanko ang mga mata nilang nakatingin sakin, nakita kong nagmumugto mga mata nila. Nilapitan ko sila ulit. "Mga pre?" Nagtataka na ko sa mga to.

"Hindi pa rin siya gising." Walang ganang sabi ni Kenneth.

Napakunot noo ako. "Ano? Gising na ko mga tol."

Wala pa rin siyang naririnig. Naglakad sila papunta sakin. "Ano bang trip niyo?" Pagtataka kong tanong sakanila.

Pero parang hangin lang ako sakanila. Literal na hangin, dahil tumagos sila sa katawan ko. Sa sobrang gulat ko, napako ako sa kinatatayuan ko.

Patay na ko? Hindi! Hindi pwede! Nilingon ko sila. Laking gulat ko dahil nakikita ko sarili ko na nakahiga. Maraming nakatusok sa katawan. Mahimbing ang tulog.

"Isang linggo na rin. Hindi pa rin siya gising." Si paolo na nakatayo sa paanan ko.

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig, hindi ako makapaniwala. Isang linggo? Isang linggo akong natutulog diyan? . Akala ko kahapon lang yun. Akala ko ligtas ako. Hindi pala. Hindi ko na makaya mga nakikita ko.

"Magigising pa ba si charlie?" Bigla akong napatingin kay topher. "Hindi ko alam. Sabi ng doktor hindi lumalaban si charlie. Kaya hindi siya gumigising." Rinig kong sagot ni Kenneth. "Sabi ng pulis, nagtangkang magsuicide si Charlie. Ang gago nila, si charlie magpapakamatay?" Rinding tanong ni Paolo. "Kasalanan ni Dash to." Walang ganang sagot ni Topher.

"Walang kasalanan si Dash!" Sigaw ko sakanila. Kahit alam kong hindi nila ko maririnig. Walang kasalanan si Dash. Ako may kasalanan. Dahil tanga ako.

"Buti hindi pa siya nakakabisita dito. Pinaalam ko sakanya na naaksidente si Charlie. Pero wala, wala siyang reaksyon." Paliwanag ni Kenneth.

"Kita mo. Walang pakialam kay Charlie. Kung di lang siya babae, baka nasapak ko na siya." Sabi ni topher.

Nakaramdam ako ng inis kaya lumabas ako ng kwarto. Tumagos ako sa pintuan. Naglakad ako sa hallway, dumaretso ako sa garden ng hospital.

Hindi ko na alam. Hindi ko alam kung kanino ako maiinis. Kay dash ba o sa mga tropa kong walang prenong pagsalitaan ng masakit si Dash. Pero yung narinig kong hindi pa siya bumisita. At wala siyang pakialam sa nangyare sakin ay sobrang sakit. Wala talaga siyang pakialam sakin at sa nararamdaman ko. May puso pa ba siya? Nakakainis.

Napatingin ako sa langit at bumulong. "Ayoko ng mabuhay."

"Dash, sabi na nga ba nandito ka lang." Rinig kong sabi ng lalake na may hingal na tono.

Napalingon ako sa kinaroroonan ng lalaki. Nagulat ako dahil nakita ko si dash. Nakaupo at nakatulala lang. May hawak na coke. "Dash uwi na tayo. Sige na." Umupo yung lalaki sa tabi niya.

Kung siniswerte ka nga naman, silang dalawa pa nakita ko. Isang walang puso at isang nangaagaw ng puso. Ano naman ginagawa nila dito? Makaalis na nga. Dito pa talaga maglalandian. Humakbang na ako para maglakad.

"Ayoko pa kuya. Mamaya na lang pwede? Gusto ko pa makita si charlie." Napahinto ako sa narinig ko.

Kuya? Ako? Kuya at ate ba tawagan ng mga to? Tsaka teka, gusto niya ko makita? Wait what?!

"Hindi pa din siya gising. Uwi na tayo Dash. May nagbabantay na sakanya. Hindi ka pa kumakain oh. Wag na matigas ulo please? Baka multohin ako nila mama niyan kase akala nila pinapabayaan kita." Mahabang paliwanag ng lalaki sa tabi niya.

"Kuya Iven pleaseeee." Pagpupumilit pa rin ni Dash.

Naguguluhan na ko. Kuya niya? So magkapatid sila? E boyfriend niya yan e! Ang gulo!

"Oo na. Pero 20 minutes na lang ha? Alam mo naman may trabaho pa si Kuya."

Nakita kong tumango si Dash at uminom ng coke.

Magkapatid pala sila. Bakit hindi niya sinabi? Nagmukha akong tanga. Ang tanga ko talaga! Bakit di ko naisip yun?

Now I know, tumingin ako sa langit at napangiti. "Gusto ko pa mabuhay." Mulimg tinignan ko si Dash, nagmumugto na rin mata niya. Ang cute ng mga mata niyang lalong lumiit.

"Cr lang ako ha." Paalam ng kuya niya.

Tumango nama si Dash at dali dali akong lumapit sakanya. Nakita kong blanko paningin niya na nakatingin sa mga bulaklak.

Lumuhod ako sa harap niya at tumingin sakanya.

"Hi dash. Kuya mo pala yun. Akala ko boyfriend mo yun. Hindi man lang kita natanong. Wala pala akong kaagaw sayo." Ngiti kong sabi sakanya at kahit alam kong hindi ko mahahawakan pisnge niya ay pinilit ko pa rin.

Nakita ko namang nagulat siya at napahawak sa pisnge niya. Natawa naman ako dahil natakot ko ata siya. "Wag ka matakot. Ako lang naman to e. Dash sorry ha? Akala tuloy ng lahat ikaw may kasalanan sa nangyare sakin. Akala ko tuloy wala kang puso. Ako pala may kasalanan ng lahat. Naiinis ako sa sarili ko." Hinawakan ko kamay niya. At kahit gustuhin ko mang iparinig sakanya mga sinasabi ko ngayon, hindi ko magawa.

"Dash sorry kung naging duwag ako. Duwag na saktan ka. Hindi ko naisip na kapag nagmahal tayo, masasaktan tayo. Ngayon na alam kong wala akong kaagaw sayo. Gagawa ako ng hakbang para maging akin ka na. Hindi ko masasabing hindi kita masasaktan, pero mapapangako ko na ipaparamdam ko sayo kung gano kita kamahal." Tinitigan ko siya. "I love you, Dash." At hinalikan ko siya sa noo. Nakita kong nagulat na naman sjya at hinawakan ang noo niya. Natatawa ako sa mga nagiging reaksyon niya. "Hindi ka pala manhid e." Pinitik ko ang noo niya.

Natawa na naman ako dahil nagulat na naman siya. Ang cute cute niya kahit hindi nakangiti.

Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya. Cellphone niya, binuksan niya iyon at tinitigan lang ang nasa cp niya. Nagtaka naman ako kaya nakitingin na din ako. "I miss you." Rinig kong sabi niya at tiningnan ang sinabihan niya ng i miss you. "Wtf!" Ako! Ako yung wallpaper niya. Napangiti ako sa nakita ko. "Ikaw ah. I miss you too." Hinalikan ko siya sa pisnge at katulad ng reaksyon niya kanina, ay ganun din naging reaksyon niya ngayon.

"Dash uwi na tayo?" Biglang dating naman ng Kuya niya.

Nakita kong lumingon si Dash sa kuya niya at tinago ang phone. Tumayo na siya at naglakad kasabay ng kuya niya.

Nawala na sila sa paningin ko at ako ay nakangiti pa din. Ang sarap sa pakiramdam. Namimiss na niya ko. Kailangan ko ng magising, para asarin siya. Biro lang. Para maging akin na siya.

Wait for me Dash.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon