Dumaan ang isang buwan.
Nagiging malapit na ko kay Dash. Nagkwe-kwentuhan kami madalas. Lumabas. Lagi kaming sabay kumain pag lunch. Unti unti ko na siyang nakikilala.
Hindi pa rin siya ngumingiti. Hindi pa rin niya ko nginingitian.
Ano bang meron ang mga tropa niyang lalaki na wala ako? Hindi naman siguro ako boring na tao. Kinakantahan ko pa nga siya e. Kung anong ginagawa ng mga tropa niya ginagawa ko rin sakanya. Hindi ko talaga siya maintindihan. Ayaw niya ba sakin? Haaaaay
Sa unti unting pagkakakakilala sa pagkatao niya. Unti unti din akong nahuhulog sakanya. Ang hirap pigalan ng puso. Hindi pwede to. Hindi ko siya kayang saktan. Pagod na siyang masaktan kaya hindi ko na dapat to ituloy. Itong nararamdaman ko sakanya.
Ayokong mahulog sa taong iniingitan ang puso niya. Ayokong mabasag yun. Gago akong lalaki. Hindi ako matino. Hindi ako perpektong lalaki. Hindi ko mapapangakong hindi ko siya kayang saktan.
Waaahh ano ba tong naiisip ko. Hindi ko to dapat iniisip. .__.
Hays dash bat kase ang cool mo? Bakit konting tabi ko lang sayo nakukuryente ako? Is this pag------
Napatigil ako sa pag iisip ng biglang nagring ang cellphone ko.
Dali dali kong kinuha sa tabi ko at tiningnan kung sino tumatawag.
Si kenneth lang pala.
Hindi ko na sana sasagutin pero napansin kong nakailang missed call na pala siya sakin. Hindi ko man lang napansin yun kakaisip kay Dash. Pero bakit ang daming missed call ni kenneth? Bigla akong nagtaka. Anong meron?
Sinagot ko ang phone.
"Oh bakit?" Bungad ko sakanya.
"Pre nasaan ka? Nabalitaan mo na ba?" Tanong niya sakin na parang hinihingal.
"Nasa bahay bakit? Anong meron?" Napakunot noo ako.
"Si dash pre! Kanina pa kita tinatawagan!" Sigaw na niya na parang nag aalala.
Nilayo ko ng kaunti ang phone ko sa tainga ko. Ang sakit sa tenga! Parang babae kung sumigaw.
"Gago wag ka ngang sumigaw. Ano meron kay Dash?" Mahinahon kong tanong.
"Tanginamo pre wag kang kumalma diyan! Si Dash dinala sa hospital!"sigaw niya ulit na may halong inis.
Imbis na mainis sa pagsigaw ni kenneth. Sa narinig ko parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Parang tinusok ang puso ko. Pinatay ko ang call.
Kinuha ang jacket ko at wallet para puntahan na si Dash sa hospital. Palabas na sana ako ng bigla kong naalala na hindi ko alam kung saang hospital dinala si dash.
Ang tanga mo Charlie! Feeling superman ka e!
Oo alam ko!
Kinuha ko ang cp ko sa bulsa ko. Dinial number ni Kenneth.
"Kenneth! Saang hospital dinala si Dash?!"
Narining kong tumawa si Kenneth sa kabilang linya. Tangina neto tatawanan pa ko e alalang alala na ko!
"Hoy pre!" Bulyaw ko sakanya para tumigil si gago kakatawa.
"Hindi ko alam kung anong pangalan ng hospital na yun. Basta sa pagkakarinig ko. Malapit lang sa school natin yun." Sabi niya na walang kasiguraduhan.
Hays chismoso nga.
Inoff ko na yung call. May pumasok sa utak ko. Alam ko na kung nasan si dash.
Lumabas na ko ng pinto. Dinrive si Babe ng sobrang bilis.
----
Sa hospital.
Dali dali akong pumasok at dumaretso sa front desk ng hospital.
"Nurse saan si Ardashkin Villareal?" Tanong ko sa nurse na nasa loobng frontdesk.
"Teka sir. " May kinuha siyang libro. May tiningnan siya duon.
"Nasa room 201. Nasa 2nd floor lang yun sir." Sabi ng nurse.
"Thankyou!" Sabi ko at dali dali akong umakyat ng hagdan. Hindi na ko nag elevator. Mas lalo akong matatagalan kung mag eelevator pa ko. Nasa 2nd floor lang naman pakay ko.
Habang patakbo paakyat. Bumibilis tibok ng puso ko. Sobrang nag aalala na ako. Ang daming tanong sa isip ko.
Anong nangyare kay Dash? Okay na kaya siya? May kasama kaya siya?
Nasa 2nd floor na ko. Tiningnan ko mga nasa pintuan. Hanggang sa makarating ako sa Room 201.
Sumilip ako sa bintana ng pintuan. May pamilyar na babae akong nakita. Isang babae na tahimik na nakahiga at nagpapahinga. Tinitingnan ko lang siya mula sa labas ng pinto. Nakapikit mga mata niya na parang ang himbing ng tulog niya. May napasok sa ilong niya na. May mga nakaturok sakanya.
Wala akong galos na nakikita sakanya. Napabuntong hininga ako at nagpasalamat dahil mali ang kutob ko na naaksidente siya.
Papasok na sana ako ng may lumapit sakanya galing sa isa pang pintuan mula sa loob ng kwarto. Ang hinala ko cr iyon. Nilapitan siya ng lalaki at hinalikan sa noo. Umupo ang lalaki sa gilid ni Dash. Hindi ko alam bakit may bigla akong nakaramdam ng malakas na kirot sa gitna ng dibdib ko. Nasasaktan ako? Pero bakit? Wala naman akong karapatan masaktan. Dahil isa lang akong kaibigan ni Dash. Isa lang ako sa mga nagpapasaya sakanya. At hindi ako yung lalaking mahal niya. Yung lalaking dahilan ng kaligayahan niya. Hindi niya ko kailangan. Dahil ang lalaki sa loob at katabi niya ngayon ay iyon ang lalaking kailangan niya. Ang mahal niya.
Hindi na ko pumasok sa kwarto kung saan naka confine si Dash. Alam ko na kung saan ako lulugar. Hindi ko na kailangan itanong pa kay dash kung sino ang lalaki. Malinaw na sa akin na sa kilos pa lang ng lalaki ay boyfriend niya na iyon. Sinasampal na sakin ang katotohanan. Sinasampal ako ng paulit ulit na hindi ako kailangan ni Dash.
Nagsimula ako maglakad papunta sa hagdan. Habang pababa hindi ko alam bakit ang hina ko. Kanina ang lakas lakas ko pa lang. Ngayon, parang naiwan lahat ng lakas ko sa kinakatayuan ko kanina. Napalitan ng sakit yung pag aalala ko kay Dash.
Sana hindi na lang ako pumunta. Edi sana hanggang ngayon buo pa rin ako. Sana hindi ko na lang siya kinulit. Edi sana wala akong pakialam sakanya ngayon. Lintek na tadhana. Lintek na puso. Lintek na buhay to.
Sabi ko hindi ako mahuhulog e. Sabi ko di ko siya mamahalin. Pero bakit ganito? Nasasaktan ako sa pagmamahal ko sakanya. Nasasaktan ako na may mahal na siya. At ang sakit tanggapin na hindi na ako yung kailangan niya.
Sana bukas magising ako ng may amnesia.
BINABASA MO ANG
Boyish
RandomHoy babaeng lalaki pumorma! Tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.