Kapag nakikita ko siya nasasaktan ako pero mas masaya ako pag nakikita ko siya.
Tulad ngayon, nakahiga siya rooftop.
Tinititigan ko yung babaeng walang ginagawa pero napapangiti ako.
Siya ang nakakapagsaya at nakakapaghina din sakin.
Ang saya niyang tingnan habang tumititig sa mga bituin.
"Dash you're my star." Bulong ko habang nakatitig pa rin sakanya.
"Aahhh! I hate you!" Sigaw niya.
Wtf? Nagulat ako. Gusto ko siyang lapitan para tanungin kung okag lang na siya. O kung anong problema niya.
Pero sadyang duwag ako e. Kaya tinitigan ko na lang siya.
"Pati ba naman dito andito ka?! Leche kang lalake ka! Kala ko ba iniiwasan mo ko?! Pabor nga ko dun tapos makikita na naman kita?!" Sunod sunod na sigaw niya.
Ako ba yun? Ako ba yung binabanggit niya? Pero bakit?
"Lalo kitang namimiss e! Nakakainis..." garalgal na sabi niya.
Tinakpan niya nga mata niya.
Umiiyak ba siya?
Ang cute. Miss niya ko. :> Oo na kinikilig na ko. Kaya nga nakangiti ako dito e. Oo na ang gay tingnan pero yung pakiramdam na miss ka din ng mahal mo? Shit heaven.
Lumapit ako sakanya. Pumwesto ako sa uluhan niya. Umupo at tinitigan siya.
"Namimiss din kita." Ngiti kong sabi sakanya.
Tinanggal niya mga kamay na nasa mukha niya ng dahan dahan. Nang makita ako. Nanlaki mata niya. Tinakpan ulit mukha niya.
"What the fuck ive done?" Bulong niya.
"Hahaha ang cute mo." Nakatitig pa din ako sakanya.
Bumangon siya at nagindian sit na nakatalikod sakin.
"Bakit nandito ka?" Malamya niyang tanong.
Imbis na sagutin. Niyakap ko siya mula sa likod. "I miss you so much." Bulong ko sa tenga niya.
Hindi siya nakakakilos. Alam kong gulat siya.
"I feel so incomplete." Bulong ko sa kanya habang nakapikit.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko at tumayo.
Tumayo din ako at humarap siya sakin.
"Charlie ano sinasabi mo?" Tanong niya na may seryosong boses.
Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya. Tumingin ako ng deretso sakanya.
"Sorry kung iniwasan kita. Ayaw lang kitang masaktan. Hindi ko kayang masaktan ka sa pagmamahal ko. Kaya iniwasan na lang kita. Pero dash kahit anong iwas ko mas lalo akong nahuhulog. Mas lalo kang pumapasok dito." Nilagay ko kanang kamay niya sa kaliwang dibdib ko.
"Dito sa puso ko." Pagpapatuloy ko.
Nakatitig lang siya sakin at nakita kong may gustong kumawalang luha sa mga mata niya.
"But i'm too late. May boyfriend ka na at nagmamahalan kayo." Sabi ko na kinayuko ko.
"Charlie wa-" i cut her sentence.
Tiningnan ko mga kamay niya. "Dash alam ko. Wala akong karapatan masaktan. Pero nasasaktan ako dash. Kaya hinayaan na lang kita. Nakikita ko naman na inaalagaan ka niya mahal ka niya at mahal mo siya." Sabi ko na ikanaluha ko na.
"Charlie sa-" i cut it again.
Tinitigan ko siya sa mga mata. "Siguro hanggang dito na lang talaga tayo. Hanggang magkaibigan na lang. Hindi ko kayo guguluhin." Bumuntong hininga ako.
"I love you dash." I kissed her.
Yung halik na nagsasabing sincere ako na mahal siya. Hindi siya tumutugon sa halik ko. Kaya mas lalo akong naiyak.
Siguro hindi niya talaga ko kayang mahalin.
Hinalikan ko pa rin siya. Natuwa ako dahil hinahalikan na din niya ako.
Mahal niya din ba ko? Kaya hinahalikan na niya ko?
Hinawakan ko mga kamay niya. Diniinan ko ang paghahawak dun na nagsasabing "Akin ka na lang."
Kailan mo din ba ko mamahalin?
We kissed. I love the feeling. Ang sarap sa pakiramdam. Pero may sakit pa rin na eto ang una at huling mahahalikan ko siya.
I love you dash.
Ako na kumalas sa halikan namin. Tumalikod ako. "Im sorry..."
Tumingin sa mga bituin at bumuntong hininga. "I love you dash." At nagsimulang magalakad.
"Charlie..." tawag niya sakin.
Huminto ako at nagsalita.
"Goodbye."
At naglakad ulit na luhaan.
Walang pumigil sakin. Walang dash na pumigil. Hindi niya talaga ko kayang mahalin.
Ang sakit sakit.
Ano ba charlie. Eto gusto mo diba? Eto gusto mong mangyare. Ayaw ko siyang mawala pero eto yung way para di ko siya masaktan. Para walang masira.
Pero ang sarap sa pakiramdam na nasabi ko sakanya lahat ng gusto kong sabihin.
Hindi ko alam kung nasaktan siya. Basta ang alam ko lang mahal na mahal ko siya.
Mahal na mahal.
Pero kailangan ko na siyang kalimutan. Kailangan.......
I love you dash. Makakalimutan din kita.
BINABASA MO ANG
Boyish
RandomHoy babaeng lalaki pumorma! Tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.