Boyish13

13 0 0
                                    

Ang dilim. Sobrang dilim. Nasa kwarto ako ngayon at nasa labas si mama.

"Anak kumain ka na. Isang linggo ka ng hindi lumalabas sa kwarto mo. Ano bang nangyayare sa'yo?" Sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko. Sunod na sunod na din katok niya.

Oo, isang linggo na ko dito. Buti na lang may cr ako sa loob ng kwarto ko kaya nakakaligo din naman ako.

Isang linggo na rin kase nakakalipas ng iwan ko si Dash.

Ako nang iwan pero ako tong nagmumukmok. Ako pa sobrang nasasaktan. Hindi ko alam kung nasaktan ba siya sa ginawa ko. Siguro naman hindi? May boyfriend siya kaya okay lang na lumayo ako.

"Anak iiwan ko tong pagkain sa labas ng kwarto mo ha? Naiintindihan kita. Sana maging okay ka na. Nag aalala na si mama." Sigaw ulit ng mama ko.

Hindi ako kumibo. Narinig ko mga yabag ni mama pababa ng hagdan. Sinayales na yun na wala na siya.

Binuksan ko ang pinto at kinuha ang pagkain. Kumakain naman ako. Konti nga lang. Hindi ko nauubos.

Habang kumakain nakita ko yung cellphone ko na umilaw. Nakita ko yung screen. Imbis na isusubo na ang pagkain ko. Nawalan ako ng gana. Si dash nakita ko. Nakita ko yung lockscreen ng phone ko. Nakita ko yung babaeng rason kung bakit ako nagkakaganito.

Kinuha ko phone ko at humiga sa kama. Habang nakatitig sa ichura niya. Naisip ko bigla kung saan ba lahat nagsimula to.

Kung san nagsimula tong pagmamahal ko sakanya.

Kung tutuusin matagal ko ng kilala si Dash. Schoolmate ko siya. Naging classmate dahil sa economics subject ko.

BA ako at HRM siya. Third year ako at Second year siya. Binalikan ko yung subject na yun dahil sa hindi ko nakuha nung last year.

Doon ko siya nakilala ng lubusan. Noong una wala akong pakialam sakanya dahil tahimik lang talaga siya. Pero nakikita ko siya dati kasama mga tropa niya na nakikipagkwentuhan at nakikipagtawanan. Parang may dalawang dash akong nakikita. Isang dash na tahimik at isang dash na masiyahin. Hindi mo ma identify kung anong ugali niya. Minsan chatty minsan naman tahimik.

Nagsimula lang naman to noong kinukulit ko siya. I dare myself not to fall inlove with her. Pero ang hirap pala pigilan. Ang hirap mahulog sa babaeng hindi madaling mahalin.

Hindi perfect si dash. She show her flaws to me. But i love her the same. She's a beautiful girl with a sad face.

Nakakatawang isipin na, kapag gusto mo ang isang tao gagawin mo lahat mapansin ka lang niya. Pero ngayon, ayaw mo na siyang makita. Masyado akong duwag.

Masyado akong duwag tanggapin na hindi niya kayang sukliin ang pagmamahal ko sakanya. Duwag tanggapin na may mahal na siyang iba.

Madali lang naman magparaya. Masakit nga lang.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit. Hindi ko matulungan sarili ko para makalimutan siya.

Trying to forget someone you love is like trying to remember someone you never met.

Lagi siyang nasa isip ko. Lahat ng galaw ko siya nasa isip ko. Tangina naman. Bakit ikaw lagi nasa isip ko? Sinakop mo na pagkatao ko.

Napabuntong hininga ako at nilock ang phone ko. Dumapa ako sa kama ko. Naiisip ko na naman siya. Pumikit na lang ako. At siya pa din.

"Anak may bisita ka." Sabay katok ni mama.

Bigla akong napadilat sa mata ko. Sa isang linggong pagkukulong ko dito sa kwarto. Kahit sila kenneth hindi pumunta dito. Tinetext lang nila ko para icheck kung okay lang ba ako.

BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon