36
"Happy second anniversary!" Sabay yakap ko kay Agon. Kagigising lang niya pero ito ang ibinungad ko sa kaniya. Iyong first anniversary namin, hindi kami nakapag-celebrate kaya dapat mag-celebrate kami ngayon kahit simple lang. Nagluto lang ako ng spaghetti na paborito raw iluto ni Mama, ng mama nila, kaya iyon ang paborito niyang kainin kahit pa wala siyang panlasa.
"Wala akong maibibigay na bulaklak sa'yo kaya kakantahan na lang kita." Ngiti niya pagkatapos naming kumain. Pumunta kami sa mini-studio niya rito sa bahay na binili ko para kahit papaano ay may libangan siya.
Napangiti ako nang nagsimula na siyang maggitara. Gaya ng pangako niya sa video niya year ago, may katuloy na nga ngayon ang kantang ginawa raw niya para sa akin. "Ano nga palang title niyan?" hindi ko naiwasang maitanong. Pang-ilang beses na niya kasing naikanta pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang title.
"You."
"You?" Wala kasing nabanggit na you.
"Hindi." Iling niya. "Your name, Ara. Iyon ang title." Tumugtog ulit siya. "Gusto ko nga palang i-public ito."
"Talaga? " Ngiti ko at hindi ko pa naiwasang mapapalakpak.
Ngumiti rin siya saka huminto muna sa paggitara. "Gusto kong i-upload sa YouTube tapos official video niya ang kasal natin," dagdag niyang mas nagpangiti sa akin.
Biglang nawala ang ngiti ko nang napansin kong nakatingin siya sa daliri ko. Pasimple kong ibinulsa ang kanan kong kamay para itago ang daliri kong wala nang suot na singsing dahil hindi pa ako handang sabihing naisangla ko ito. Sobrang parang tubig lang kasi ang cash outflows namin. Mas malaki kasi ang gastusin dito sa Rizal kaysa sa Baguio, idagdag mo pang pareho kaming walang trabaho at panay lang asa sa mga kamag-anak namin.
Gusto ko mang magtrabaho, pero sa restaurant lang talaga ako maaasahan. Hindi ko naman puwedeng pilitin si Agon na tumira na lang kami sa Baguio para mas malapit kami sa pagtatrabahuan ko dahil alam kong matao roon, baka maraming tsismosong makikiusisa tungkol sa nangyari sa kaniya. Medyo nagre-recover na siya, I don't want to take the risk. "Bakit?" tanong ko nang napansin kong hindi niya tinatanggal ang tingin niya sa banda ng kamay kong nakabulsa.
"Saan ang singsing mo? Noon ko pa napapansing hindi mo iyon suot." Lumapit pa siya sa akin at ngayon ay hawak na niya ang kanang kamay ko.
"N—naiwala ko, sorry. Hahanapin ko naman." I mean, maghahanap ako ng pagkakakitaan para makaipon at para mabili ko ulit iyon.
"Baka naiwalis ko na iyon, sana sinabi mo agad para natulungan kita sa paghahanap." Umupo siya sa tabi ko saka ako niyakap.
"Hindi ka... galit?"
Umiling siya. "Bakit naman?"
"Kasi pabaya ako't naiwala ko iyon?" Kasi naisangla ko iyon?
"Hindi. Hindi naman ikaw ang nawala kaya okay lang."
Mas nakonsensiya naman ako sa sinabi niya. Niyakap ko siya pabalik. "Tirintasin mo nga buhok ko." Nguso ko. Sobrang galing kasi niya mangtirintas. Noong tinanong ko siya kung sino nagturo sa kaniya, ang sabi niya, nilaro lang daw niya noon ang buhok ng Barbie doll ko, natuto na raw siya. Sobrang daya talaga ng mundo. Mula pagkabata ko, naglalaro na ako ng manika pero hindi pa rin ako natututo.
"Patingin nga ng mukha ng asawa ko," saad niya pagkatapos niyang ayusin ang buhok ko.
Tumayo naman ako saka siya hinarap. Hinawakan ko pa ang dulo ng buhok kong natirintas niya. Minsan talaga, hindi ko maiwasang mainggit sa kaniya dahil ang dami niyang alam. Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa lips. Mga isang segundo lang pero nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. After a year din kasi. Hanggang noo at pisngi lang ako sa pag-kiss sa kaniya. Siya naman, hanggang buhok ko lang. Parang inaamoy lang pa niya ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...