10

82 6 2
                                    

BENTLEY'S P.O.V

" Anak, Bentley! Ano ba ang problema? bakit ka na lang nagkulong d'yan?" Nangingiyak na sigaw ni Mom sa labas ng kwarto ko.

Pagka-uwi ko galing sa condo ni Ally, umakyat kaagad ako sa taas at nagkulong sa sarili kong kwarto. Dito sa kwarto, umiyak at naglabas ako ng galit. Hindi ko pinapansin ang mga taong tumatawag sa labas ng kwarto ko.

Malinaw na malinaw pa'rin sa akin ang nasaksihan kong pangloloko sa akin ni Ally at ang pag-amin nito sa sariling kasalanan.

" Bakit hindi ako pinanganak na babae?!!"

Hinagis ko ang mga bagay na maabot ko. Tumatama ito sa pader, yung mga babasagin ay nababasag at nadudurog sa pagbato ko.

" Bentley!! Anak! ayos ka lang ba d'yan! Ano ba kasi ang nagyayari sayo." Rinig kong pag-aalalang sigaw ni Mom.

Alam kong rinig nila ang mga sigaw ko at mga pagbabato ko dito sa loob ng kwarto, ganun na lang mag-alala sa akin si Mom. Pero, I thank her for not forcing me to open the door.

" Arghhh!!" Sigaw ko hanggang sa mapaluhod ako habang umiiyak.

" Bakit ba kita minahal?!! Bakit ba kita mahal?!! Ano ba ang kasalanan ko bakit kailangan mo pa ako lokohin!"

Umiiyak lang ako nang umiiyak. Nilalabas ko ang sama at sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Ni hindi ko nga kayang sagutin o labasin ang mga magulang ko na nag-aalala at panay ang tawag sa akin sa labas.

Tinawagan din ako nila Aster at Mhika sa cellphone, binato ko iyon hanggang sa masira at mahati ito. Hindi ko kayang kumausap isa sa kanila ngayon, lalu na tungkol kay Ally.

Ayokong pag-usapan ang nangyayari sa akin.

" Bentley, nandito ang almusal mo sa pinto." Hindi ko sinagot si Mom.

Nakatulala lang ako sa pinto at walang maayos o wala talaga akong tulog. I can't sleep properly, I try to sleep no matter how exhausted I am mentally, but the scenes are repeating in my head.

Kaya mas pinili ko na lang maging gising kesa paulit-ulit kong inaalala ang mga ginawa niya, pero masakit at mahirap kalimutan iyon.

Inalala ko rin ang tatlong buwan na hindi ko siya nakasama o bihira lang kami magsama. Inisip ko kung kelan s'ya nagtago at paano niya ako naharap sa tatlong buwan na nagloko s'ya.

Ako lang ba ang nagmahal sa relasyon namin ni Ally? Wala ba sa kanya yung naging relasyon namin?

Nakuha ko na ang pagkain sa labas ng pinto. Habang kumakain ako may kumatok sa pinto pero hindi iyon hadalang para mapatigil ako sa ginagawa ko.

" Bentley. Kami ito ni Aster at Mhika." Mabagal kong nilingon ang pinto.

" Sabi ni Tita, hindi ka raw lumalabas sa kwarto mo?" It was Mhika speaking outside my room.

" Hindi ka rin sumasagot sa mga tawag namin. We tried to ask Ally-"

" Don't ever bring out his name." Pinigilan kong ituloy ang sasabihin ni Mhika.

Hearing his name makes me angry, but my heart is beating in the wrong way.

Sa isip ko galit ako kay Ally dahil sa ginawa niyang pagloko sa akin, pero itong tanga kong puso ay gusto siyang makita.

" Did something happen, Bentley?" It was Aster asking.

I clenched my hands to gather strength. Sinabi kong ayoko pang ikwento ang nararamdaman at ang nangyari kagabi. Pero gusto ko rin na malaman nila ang nangyari dahil kaibigan ko sila.

Hindi ngayon.

" Just leave Aster and Mhika. I'll talk to you guys if I'm ready." The only thing I can say to them.

A & BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon