14

50 5 1
                                    

ALLY'S P.O.V

something doesn't quite right.

Ang tagal na'rin simula ng matapos ang semester break, and now exam na ulit at Christmas break. Sa bilis ng araw, ganun na'rin kabilis magbago ang mga tao nasa paligid ko.

Bentley and Kyle are showing their affection boldly, but they never admit what's their status. Kahit hindi pasok sa taste ko si Kyle para sa kaibigan ko, I tried to be friendly, sabi kasi ni Mhika.

Since I'm so considerate friend, sununod ko ang payo ni Mhika. It's also for Bentley, my way to tell him that I supported whatever his decision.

And lately, napapansin ko tuwing magkasama kami ni Isabel ay umiiwas na naman siya.

I tried to confront her, but it led to fighting between us, repeating, again, and again. Kaya ako na ang nagparaya at hindi na siya pinilit tanungin ulit. Ang sasabihin lang naman niya ay 'pagod at stress galing school.'

Paano naman ako?

Varsity and student ako. Napapagod galing training, laban, at mga school works, lalo na exam. Mas pinili ko na lang intindihin si Isabel siguro ay may pinagdadaanan lang yung tao.

Nag-unat ako ng kamay pagtapos kong ipasa ang test paper sa teacher na umiikot isa-isa sa amin para ipunin ang mga papel bago kami pauwiin. Nag-ayos na ako ng gamit katulad ng iba at excited na'rin umuwi.

“ Ally!” Tumingin ako sa pinto ng may tumawag sa'kin. Nakatayo sa labas ang isa sa teammates ko.

“ Laro? wala naman tayong practice. Nasa meeting si coach para sa susunod na laban.” sabi nito ng makalapit ako sa kanya.

“ Pass, pars. Puntahan ko girlfriend ko.” Sabi ko saka timapik ang bilikat niya bago patakbo akong umalis.

“ O! Ally!!” napahinto ako sa pagtakbo. Kumakaway si Bentley papunta sa pwesto ko. “ Saan punta mo? nag-aya si Mhika na mag-celebrate ng exam.”

Napakamot batok ako sa sinabi ni Bentley.

“ Sunod ako. Chat n'yo na lang sa akin kung saan. Bye!” Ginulo ko muna ang buhok ni Bentley saka tumakbo ulit para mabilis akong makapunta sa bahay nila Isabel.

Nagbook kaagad ako ng joyride habang tumatakbo. Para hindi sayang sa oras. Mabilis din naman dumating ang nabook ko at wala gaanong traffic ang daan kaya mabilis akong nakarating sa bahay ng girlfriend ko.

“ Thank you, sir.” Sabi ng driver pagkatapos kong iabot ang bayad at helmet nito.

Nagpindot ako ng doorbell. Hindi nagtagal ng segundo ay pinagbuksan ako ng katulong.

“ Salamat. Manang, si Isabel po ba nasa kwarto n'ya?” Tanong ko agad pagkatapos niya isara ang gate.

“ N-naku, ijo. Kasama ni Isabel yung classmate n'ya, nasa garden sila ngayon.” nagpasalamat ulit ako kay manang bago pumasok sa loob ng bahay para makapunta sa garden na sinasabi nito.

Hindi ko pinaalam kay Isabel na pupunta ako sa kanya dahil gusto ko siyang supresahin. Gusto kong bumawi sa isang linggo kong hindi pagpunta sa bahay nila dahil nga may exam at laban akong dapat gawin sa school.

Lahat ng excitement ko kanina bago pumunta dito ay biglang nabawi. Parang nastatwa ako sa kinakatayuan ko at nagblanko yung utak ko.

“ Babe.” tawag ko upang lumingon silang dalawa sa akin.

Napatayo at kita sa mukha ni Isabel na parang nakakita siya ng multo sa harapan niya, sa kinakatayuan ko pala. Ganun din ang kasama nitong lalake ni Isabel na kanina ay magkapatong ang ulo nila sa isa't-isa habang nanonood ng pelikula sa tablet.

A & BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon