11

83 7 4
                                    

ALLY'S P.O.V

Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan ni Bentley sa sariling kwarto. Habang hawak ang labi ko na parang namanhid dahil sa nangyari.

Bentley kissed my lips and acted like nothing happened.

I was shocked and confused, sa biglang paghalik ni Bentley sa akin. Pero dapat may ginawa ako tulad ng pagtulak sa kanya o kaya suntukin s'ya ng papalapit na ang mukha ni Bentley sa akin.

Mas pinili ko na lang na panoorin at hintayin ang mga susunod na kilos ni Bentley sa akin, nagising na lang ako sa katotohanan na magkadikit na pala ang labi namain.

Pero bakit hindi pa'rin ako nag-react ng humiwalay na s'ya ng halik.

Ano ba ang nangyayari?!!

Kanina lang nakita ko ang girlfriend ko at nahuli ko siyang may kasama na iba. And worse hindi rin alam ng lalake na nasa relasyon na talaga si Isabel.

Binaboy n'ya kami.

I love Isabel, she's my first love and girlfriend. At hindi ko kaya ang ginawa niyang pangloloko sa akin. Is this why she's always saying sorry to me this past week when we're together in one room? She's feeling guilty.

At least it makes her a human, she knows how to feel guilty and conscience. Isabel fooled me and the other guy.

Kay Isabel pa lang ay gumugulo na ang isip ko. Dinagdagan pa ng paghalik ni Bentley sa akin.

And here I thought this was the first time, but no. I dreamed that Bentley also kissed me on Aster's birthday.

Akala ko panaginip talaga iyon, kaya binaliwala ko lang. Not until today, I confirmed that it wasn't a vivid dream.

How did this happen? Bentley had feelings for me.

Bentley is my friend. My closest friend. My buddy. Siya na nga ang ginawa kong best man, kapag ikakasal ako in the future.

Nasaksihan ko ng malinaw ang nangyari ang paghalik ni Bentley sa akin sa ikalawang beses, Paano ko na siya haharapin ngayon.

Pareho kami ni Bentley na malinaw sa amin ang nangyari.

I woke up with a bang in my head. Naalala kong naubos ko pala ang isang bote ng alfonso sa bahay ni Bentley at dito na'rin ako nakatulog.

Hinahanap ko si Bentley sa bahay nila, pero ang sabi ng kasambahay nila ay sinama siya ni Hia Benz sa opisina nila. Wala akong nagawa kundi nagpahatid kay Aster pauuwi sa bahay namin.

As I got home, my father was waiting for me in the living room, crossing his arm in his chest. His aura was screaming an authority, even silence can make you deaf.

" Bakit hindi ka umuwi kagabi, Ally?" Umiwas ako ng tingin.

" It was Mhika's birthday, Pops. Nagkasiyahan kami sa bahay nila Bentley."

Father is familiar with my friends, mostly Bentley's family he trusted more than his son.

Kung may anak lang na babae si Tita Beatrice baka ipinagkasundo na ako ni Pops sa kanila.

Sadly Tita has two sons.

" Okay. Fixed yourself, Isabel is waiting for you in the garden."

Napatingin ako sa pinto papunta sa garden namin. Hindi ko makikita si Isabel dito sa pwesto ko, kailangan mo pa lumabas para talaga makita ang garden.

Habang nag-aayos ng sarili. Napapaisip ako kung ano ang ginagawa ni Isabel dito. But at the same time, okay na nandito siya para makausap at matanong ko ang mga gumugulong tanong sa panloloko niya sa akin.

A & BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon