5

56 4 0
                                    

BENTLEY'S P.O.V.

Nagising ako ng may kumatok sa kwarto namin ni Aster. Inaantok akong bumangon at nagbukas ng pinto. Kumunot ang noo ko na makita si Ally na nakasuot ng varsity jacket nito at beach short. 

“ Gisingin mo na si Aster at gigisingin ko narin yung iba.” May bahid na pagmamadali at masaya ang sabi ni Ally sa akin. humikab muna ako bago magsalita.

“ Anong meron? It's still Five in morning.” Umuuling-uling ito sa akin at pinaikot saka itinulak ako nito sa loob ng kwarto. Lumingon ako sa kanya.

“ Mag-ayos na kayo ni Aster. Manonood tayo ng pagpisat nang itlog ng mga pawikan sa shore namin.” Ally announced joyfully before he ran to the other door where the girls are staying. 

Sinarado ko na ang pinto at pumunta sa higaan ni Aster para gisingin ito. Mabilis naman s'yang gising kaya bumangon agad ito.

“ Manonood daw tayo pagpisat nang itlog ng mga pawikan.” Simpleng sabi ko para kumilos na si Aster at dumiresto sa banyo. Ako naman ay kumuha na ng jacket at nagtoothbrush pagkatapos ni Aster. 

Paglabas namin ni Aster sa kwarto ay saktong paglabas lang din ng mga babae. Mukhang hindi sila galit kay Ally sa paggising nila sa kanila, at excited pa dahil sa mga baby pawikan na makikita namin mamaya.

“ They're so cute!!” pabulong na tili ni Hailey habang kukuha ito ng litrato gamit ang digital camera n'ya. 

“ Gusto ko silang gawing keychain!! Kyut!” Rose na naka luhod at pilit hindi hawakan ang mga bagong pisat na pawikan. Marami ang mga nanood sa pagpisat ng mga pawikan ang iba ay galing sa resort nila Ally ang iba ay residente na malapit sa resort. 

May mga reporter din na dumating para ibalita ang minsang panonood ng mga bagong pisat na pawikan. Hindi mapigilan ng lahat na hindi kunan ng litrato o video ang mga baby pawikan. Kahit ako, kumuha ako ng magandang litrato para i-wallpaper ko. 

Habang kumukuha ng litrato, nasagip ng paningin ko sila Ally at Isabel na magkasama. Sobrang lapit nila sa isa't-isa kulang na lang ay i-untog ay maghahalikan na ito. Umiwas ako ng tingin sa dalawa at pasimpleng humawak sa dibdib ko.

“ Ayos ka lang ba, Bentley?” Lumingon ako kay Justine na katabi ko lang. Ngumiti at tumango ako sa kanya.

“ Tignan mo yung dalawa na yun. May sariling mundo.” Tukoy ni Justine kila Ally at Isabel na ngayon at nagtatakbuhan na sa tubig.

“ May nagbago pa ba?” sabi ko pagbalik ng tingin ko kay Justine. I frowned at him, kakaiba kasi ang tingin nito sa akin, yung tingin na nanghuhusga?

“ Bentley, may gusto ka ba kay Isabel?” He chuckle when he saw he frowning deeper. “ Lagi kasi kitang nahuhuli na naka tingin kila Ally at Isabel. Tapos parang ang lungkot ng mata kapag tinitignan mo silang dalawa.” Napalunok ako sa kaba dahil sa sinabi ni Justine.

“ Baka mali ka lang ng pagbasa sa mukha ko. Lagi naman malungkot yung expression ko.” Paglalayo ko sa usapan sana ay kumagat s'ya.

“ Okay sabi mo, e.” Sabi nito na tumatawa habang papunta sa mga kaibigan niyang sila Rose. I sighed in relief, since he didn't ask anymore question, hindi ko na'rin alam ang isasagot ko sa kanya. 

After watching the baby pawikan, we straight to eating our breakfast and fixed our baggage since this is our last day. Sobrang bilis talaga ng oras kapag nag-eenjoy, malungkot pero masaya. Masaya kaming magkakasama sa bakasyon at mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin dito. 

Ilang buwan din ay nag-umpisa na ang panibangong semestre at eight year na kami. Classmate ko parin si Aster, Isabel, at Justine, ang nagbago ng section ay si Hailey at Rose na classmate nila ngayon si Mhika, si Ally ay nag-iisang walang classmate sa amin. 

A & BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon