3

52 4 1
                                    

BENTLEY'S P.O.V

After the celebration of Pride's month. Pakiramdam ko na isa ako sa ka nila. But, still I denied, you may call me coward, pero naguguluhan pa'rin ako.

Three months has been passed. Sa tatlong buwan ang nakalipas ay pinag-aralan ko ang nararamdaman ko. And now, I am hugging the most important part of my life, myself. I am finally out of my closet. Dalawang buwan bago ko tanggapin ang sarili.

It was hard for me at first. Na mumuo ang mga palaisipan kung sasabihin ko ba ito sa pamilya ko, paano kung hindi nila ako tanggap? Saan ako titira ngayon n'yan.

///

Kami lang ni hia Benz sa bahay at nasa sala kami naka upong dalawa. Tinanggap ko na ang nararamdaman ko kay Ally, at ang sarili ko. Ngayon ay kinakabahan ako at natatakot kung dapat bang sabihin ko ito kay hia Benz.

Lihim akong sumilip kay hia Benz na tahimik na naka harap sa laptop at mabilis ang mga daliri kung mag type. Linaro ko ang mga daliri habang nagdadalawang isip kung kakausapin si hia Benz. Siguro dahil na-iirita na si hia Benz sa akin na panay ang silip ko sa kanya ay huminto ito at matalim akong tinitigan.

" Ano ba ang kailangan mo at panay ang sulyap mo sa akin na walang sinasabi?" May bahid na inis nitong sabi sa akin na nakataas ang kilay na lagi n'yang ginagawa. " May ginawa kang kasalanan no? Nagdrive ka ba ng kotse ko na patago?" umiling kaagad ako sa sinabi ni Hia Benz.

" Hindi Hia. Ano kase may sasabihin ako." napakamot ako sa braso at may takot na tumingin sa mata ni Hia. " I think I'm gay." kaninang nakataas nitong kilay ay ngayon naka kunot nuo na at hindi mawari ang sinabi ko sa kanya.

" Bakit may ' I think ' hindi ka pa sure?" mabilis na umiling ako kay Hia at matapang na humarap sa kanya kahit kinakabahan.

" I'm gay, Hia. at may gusto ako sa school." direkta kong sabi. Paiba-iba ang tingin ko sa mata ni hia Benz at hinihintay ang sasabihin nito. Mas lalo akong kinabahan ng wala itong sinabi at bumalik lang sa ginagawa nito kanina bago ako kausapin. " wala ka bang sasabihin sa akin, hia?"

Lumingon sa akin si Hia Benz na ikinabikis ng tibok ng puso ko. " Necessary ba ang opinion ko tungkol sa gender mo?" umiling ako sa kanya. " Then it's good." bumalik ulit ito sa pagtipa sa laptop.

" P-pero wala ka bang sasabihin talaga sa akin?" kinakabahan kong tanong ulit. Narinig kong huminga ng malalim si Hia.

" Bentley, kapatid pa'rin kita kahit anong gender mo pa o kaya maging trans ka pa. Ano naman ang magbabago? Sa huli kapatid talaga kita. Pero tungkol sa gusto mo sa school ninyo, madami ba sila?" may matuksong ngiti si hia Benz sa huling sinabi nito. Ibinato ko sa kanya ang throw pillow sa katabi ko.

" Hia naman, e." Reklamo ko. " P-pero isa lang ang gusto ko sa school, pangit na ang iba. Lalu na ikaw." sabi ko saka umalis sa sala. Mabibigat ang hakbang ng paa ko papuntang kwarto dahil sa lakas ng tawa ni Hia.

///

Nung araw na umamin ako kay Hia Benz, umamin na'rin ako sa magulang namin. Emosyonal na niyakap ako ni Mommy at ginulo lang ni Dad ang buhok ko.

Midterm week namin ngayon. Pinaghiwalay ang babae at lalake ng mga classroom during exam. ang mga babae ay nasa itaas naming floor at kami naman ay naiwan sa classroom talaga namin. two seat apart ang agwat namin habang nage-exam para iwas kopya at daya.

Last day na ng exam at masaya akong natapos na'rin. Papalabas na ako ng biglang humarang si Isabel sa harap ko at mukhang hingal na hingal. Nagmamadaling sigurong bumaba para makaabot.

A & BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon