9

78 6 1
                                    

BENTLEY'S P.O.V

Simula na nangyari sa valentine, was kung was ang ginawa ko kay Isabel kahit na gusto ako nito kausapin. Kusa na akong umiiwas para hindi na mag-isip pa ng ikakasama ng imahe ko kay Ally.

Okay na kami ni Ally at sumasama na s'ya sa amin. Ngayong bakasyon kaming apat lang ang nagbeach sa La Union, kasama sila Hia Benz, P' Cyrus,  at ang dalawa pa n'yang kaibigan na si P'Levi at P'Leigh na nakasama ko na dati.

The Vacation lasts for two weeks. Panay pa ang road trip naming walo sa La Union. Para sa akin ay sobrang bilis na ng two weeks na magkakasama kaming magbakasyon, maligo sa dagat at kumain sa iba't-ibang lugar.

Nalaman na nga pala ni Aster na may gusto ako kay Ally. Hindi naman n'ya ako iniwasan o pinandirian, he still treated me the same, na hindi n'ya pa alam ang gender identity ko.

" Nasaan si Ally?" I asked Mhika.

Pasukan na ulit namin ang bilis talaga ng panahon, isang taon na lang ay moving up ceremony na namin.

Tinanong ko si Mhika dahil magclassmate ulit silang dalawa. Second week na simula ng the first day of the school year. At madalas naming nahahalata na laging umaalis si Ally pagpatak ng uwian, kahit na may practice pa dapat sila sa laro, hindi pumupunta si Ally.

" Ewan ko ba d'yan kay Ally. Hindi ko nga s'ya mahuli-huli, lagi na lang s'yang nagmamadali umalis." Naiiritang kwento ni Mhika, she sipped her drink through a straw.

" Tatlong beses na ito na hindi sumipot si Ally sa study session natin." Aster flipped his book and he looked at Mhika in a serious stare.

" Malapit na ang monthly exam na'tin." Aster is right. Malapit na ang first monthly exam namin, kahit konti pa lang ang naituturo sa amin ay nag-eexam agad kami.

---

Rich but Poor

Aster: @Ally where have you been? Hinahanap ka ni Tito sa akin.

Ally: I'll be home at late night, Aster.

Aster: Say that to your father. At bakit pa kami nadamay? We didn't even know where you were?!

Ally: I'm sorry, Aster, Everyone. Sinabi ko lang yun para payagan ako ni Dad.

: Nasaan ka ba Ally? Nag-aalala kami sayo.

Mhika: Hindi ka naman ganto, Ally.

---

" Bakit hindi ka nakapag-take ng unang subject sa exam, Ally." Mhika confronts Ally.

Tahimik lang kami nanonood ni Aster sa nakatayong likod ni Mhika, habang hinaharap si Ally na nakaupo sa silya. We looked like a police officer and the suspect was Ally.

" I had an emergency that time," Ally said looking at his feet. Inagat ni Mhika ang baba ni Ally gamit ang hintuturo nito para makita ni Mhika ang mukha ni Ally.

Ibinaling ni Ally ang mata nito sa ibang direksyon.

" Look at me when I'm talking, Ally." Mhika in her strict low voice, is a hint that she's mad.

" Anong emergency naman iyon at bakit hindi namin alam?" Mhika continued.

Gusto ko na pigilan si Mhika sa ginagawang pag-amin niya kay Ally. But Aster is holding my shoulder to stop me. I watched how he tortured himself for not saying his reason.

A & BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon