13

67 4 1
                                    

ALLY'S P.O.V

" Finally!! Nandito na tayo!!!" Sigaw ni Mhika ng makababa siya sa van.

Kila Bentley ang van at same driver pa'rin tuwing may outing kami. Lumabas narin kami nila Aster, Bentley, at Kyle sa kotse. 

It was a last-minute ng sumama sa amin si Kyle kahapon lang. Nagtipon kami sa bahay nila Bentley bago umalis, and then, dumating si Kyle dala ang camp bag nito.

Wala naman sa amin na tutol sa pag-sama ni Kyle, pero sa'kin lang akala ko ay kaming apat lang ang magsasama-sama.

Sabi nga ni Mhika ' the more, the merrier.'

" Kunin muna natin yung mga gamit sa likod." Tumango ako sa sinabi ni Aster at sabay kaming naglakad sa likod ng kotse para kunin ang mga gagamitn namin sa pagtayo ng tent at sa pagluto. 

Huling bag na lang nang biglang may ibang kamay ang kumuha nito. Nang lumingon ako si Kyle pala ang kumuha ng last bag. Tinapik muna niya ang balikat ko saka naglakad kung nasaan si Bentley at Mhika na hinihintay kami matapos sa pagkuha ng mga gamit. 

" Tssk" 

" May problema ba, Ally?" Naglabas ako ng mahinang tawa at umiling sa tanong ni Aster.

" Naalala ko lang yung panaginip ko kanina sa byahe." Palusot ko. Kumunot si Aster.

" May pinatay kasi akong malaking lamok, tas kanina may napatay ako." Peke akong natatawa habang kinekwento ang walang kwentang palusot ko.

" Ally! Aster! bilisan n'yo magsunset na!!" Sigaw sa amin ni Mhika. Nagkatinginan kami ni Aster saka nagtaas balikat.

Hindi kami tumakbo papalapit sa kanilang tatlo, kalmado lang kami naglakad ni Aster para mainis lalo sa amin si Mhika. 

As we got to the cliff, though may fence naman na gawa sa mga kawayan. Tanaw na tanaw ang lawak ng kagubatan sa ibaba at malalaking bundok. Ang sabi sa site ay tanaw daw dito ang border ng the Sierra Madre range. It was a breathtaking nature getaway, I'm glad that we planned this camping. It felt so warm even though the wind was cold. 

Sinilip ko si Mhika na panay ang kuha ng litrato sa paligid at panay selfie. Si Aster naman ay nakapikit lang, mukhang fini-feel ang nature to ease his problems, And then I saw Bentley. The sunlight hitting his face makes him shine through the darkness of night. He shines like gold and a star I can't take my eyes off him. 

Para akong nabingi sa katahimikan at hangin lang ang naririnig ko ng tignan ko si Bentley. Para bang bumagal yung oras at kaming dalawa lang ngayon ang magkasama sa bundok.

Not knowingly a tear dropped on my cheek.

" Huy! Grabe ka na, Ally. Super stress mo ba kaya need mo pang umiyak?" Nabalik ako sa pagkatao ko ng marinig ang boses ni Mhika, Inalis ko na'rin ang tingin ko kay Bentley ng lumingon siya sa pwesto ko. 

Palihim kong pinunasan ang naluluha kong mata.

Mahina kong tinawaan ang sinabi ni Mhika sa akin. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit, bakit ako naluha, hindi naman kaiyak-iyak tignan si Bentley. 

"Breathtaking lang talaga itong campsite natin kaya napapaluha ako. Hindi mo siguro feel yung nature kaya hindi ka naiiyak." Biro ko sa kanya upang makatanggap ako ng hampas sa balikat. 

" Magbayad muna tayo para makapagtayo na ng tent." Pumayag kaming lahat sa sinabi ni Bentley. Naglakad kami sa front desk para makapagbayad. 

Kaming mga lalake ang nag-ayos ng tent at mabibigat na bagay, habang si Mhika naman kinukuhaan kami ng video, for memories daw kasi. Tatlong tent ang tinayo namin, isa para kay Mhika, at dalawang tao naman kada isang tent. 

A & BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon