17

88 3 4
                                    

ALLY'S P.O.V

Nandito kami ngayon ni Bentley sa condo at tinulungan akong maglipat. Bago magstart ang klase, which is dalawang araw na lang ay naglipat na ako sa napiling condo ni pops para sa akin.

Tapos na sina Aster at Mhika maglipat ng mga gamit nila sa condo, hindi nga lang kami pareho ng building. Si Bentley ay uuwi araw-araw sa bahay nila, ayaw kasi ni Tita na pinagd-dorm siya. Katulad na lang din ni Hia Benz, na uwianan ang buhay n'ya nuong college siya.

“ Let's eat lunch, Yenoh,” I whispered behind his ears while hugging his waist.

I felt his hands carelessly on my hands. “ Order na lang tayo sa Foodpanda, Ally.” Inikot ko siya paharap sa akin.

“ Ayaw mo kumain sa labas?” Nakangiting umiling siya.

“ Madami pa tayong dapat linisin, Ally. Saka, pagod na tayong dalawa para maglakad pa o magdrive papuntang mall.” Tumango ako sa rason niya. I intertwined our hands.

“ What do you like? Except me?” Natatawang hiniwalay ni Bentley ang kamay niya sa akin saka pabirong hinampas ako sa dibdib.

“ Anything is fine, Ally. ” Bahagya siyang umiling saka tumungo sa mga box na lilinisin na lang.

Malapit na kami mag-isang taon ni Bentley bilang mag-boyfriend, ang bilis talaga ng panahon. At sa mga buwan na magkarelasyon kami ni Bentley, mas lalo kaming naging close sa isa't-isa, yung parang mas lalong pinalalim namin ang tiwala at pagkilala sa isa't-isa.

Hindi lang nagbago kay Bentley ang pagiging ma-organize at stricto paminsan-minsan. Pero alam ko na mahal na mahal ako niyan.

Syempre ako rin, mahal na mahal ko si Yenoh. Walang makakahigit ang pagmamahal ko sa kanya.

Pagkarating ng order ko sa Foodpanda, inayos ko iyon sa kusina. Tinawag ko si Bentley para makakain na kami. Nag-order lang ako sa paborito kong restaurant.

“ Mabuti na lang yung mga plates and utensils ang una nating nilinis.” Tumango si Bentley pagkatapos sumubo.

“ Pupunta pala sina Mhika at Aster dito. Nasa byahe na sila.” Balita niya sabay inom ng tubig.

“ Bakit pa pupunta si Mhika. Hindi naman tutulong 'yon.” Bentley clicked his tongue and shook his head. He's not disappointed, ganyan lang talaga reaksyon niya kapag hindi ako sang-ayon kapag nakikita ko si Mhika.

Nagsasawa na kasi kami ni Mhika sa isa't-isa, pero siya yung kita nang kita sa amin. Hindi n'ya na lang aminin na mam-miss n'ya kami dahil malayo pa ang building niya sa building namin. Sinasamantalya n'ya lang ang pagkakataon na ito.

“ Ang panget ng condo, kapareha sa titira dito.” Panimula ni Mhika habang nililibot ang sarili sa condo ko.

“ Lumabas ka na lang kung ayaw mo makita yung condo ko. Ingit ka lang dahil nasa ladies dorm ka.” Salubong ang kilay ni Mhika pagkaharap sa akin.

“ Hindi ako inget! Ang pangit lang talaga ng taste mo.” Napataas ako ng kilay saka lumapit sa kanya.

“ Architect ka ba? o kaya Interior design? Paano mo nasabi na panget ang condo ko? opinion mo lang na sabihin na panget ang condo ko.”

“ Oo! Opinion ko lang naman talaga 'yon, ikaw kasi ang titira dito.” She stuck out her tongue. Sasabat na ako kay Mhika ng hinarang ni Aster ang nakatiklop na karton sa pagitan namin ni Mhika.

“ Dalawang araw na lang college na kayong dalawa. Hindi na ba kayo titigil sa asaran?” Sayaw niya sa amin saka bumalik sa pagkaka-upo.

Nag-cross arm si Mhika. “ Titigil lang ako kapag naging matamis na ang dagat.” Pilosopo niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A & BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon