Chapter One
Yo! My name is Maria Angelina Jolie. Joke lang. Maria Angelina Diaz. Ang pangit talaga ng pangalan ko hindi bagay sa personality ko. Ako nga ang anak ng Diaz Shipping lines and Trasporatation. Hindi ako mayaman. Parents ko ang mayaman.. Reason I wrote those? They say life is so short. Tama nga naman you wouldn't know when God will take you. In my case, I know God will take me soon but I never stop hoping because I trust HIM.. Joke ulit. Joke lang ang part na God will take me soon. The rest of the sentence, are true. I Trust GOD. Hindi pa naman siguro ako mamamatay.. Ang lakas ko kaya. And I dont care as long as I am enjoying my life to the fullest.
Dahil natalo ako sa laro namin ng underling ko, I mean bestfriend ko pala. Nag-update ako ng thing's to do before I die.
Things to do before I die. -Updated
Bungee jumping
Cliff diving
Go to Iraq
Makipag-usap sa Abu sayyaf
mag-laslas
Lalaban sa Giyera
Magpa-member sa MILF
Mangingidnap at magpakidnap
Mang-hostage
Fall in love and be loved by someone
Save changes? Then I clicked yes.
"I hate hospitals!" sabi ko habang ang mom ko nasa tabi ko naglalakad.
"Don't be. You wouldn't know hospitals will be our second home.. "
"Stop saying that mom! Creepy!"
Ang alam ko pag-aari ng mga Sevilla ang hospital na'to which happened to by my parents' friends. Nagtataka ako nang nasa tapat kami ng isang familiar na room.
"Mom, what are we doing here?" this is the same room na lagi kong pinupuntahan when I was a kid.. Before my mom answered tumakbo na ako.
Ayoko nga dun. Ang sakit ng mga tinusok-tusok nila sa akin. Matapang ako pero may kinakatakutan din kaya ako..
Nagtago ako sa likod ng building.
Ouch! Ang sakit ng ulo ko.
May tumama kasi sa ulo ko. Tiningnan ko kung ano yun. Cellphone? Hulog ng langit! hahaha.. Ang ganda tsaka bago pa yata buti na lang hindi masyadong nagasgasan. Ang lambot ng ulo ko. I pressed the button then an open application displayed. Binasa ko kung ano yun. Actually memo siya sa cellphone then ang title my diary. I opened and read the first entry..
There are only few things I wanna do before I die.Kahit mapansin lang niya ako, okay na ako.. Pero hirap naman kasi if you don't have the courage to speak to the person you like. Mahal ko siya kaya lang baka hindi niya naman ako gusto. Tomorrow before I die, sasabihin ko na sa kanya.
Hindi ko natapos ang pagbabasa dahil may umagaw ng cellphone.
"Wag mong pakialaman ang hindi mo gamit.." Hala ang sungit ng lalaking to. Ganito siguro pag may gusto kang gawin pero hindi mo magawa dahil nga mamamatay ka na.
"Tss. Akala mo naman kung sino ka! Tiningnan ko lang naman baka may makuha akong information ng may-ari.." Nakita ko naman ang mom ko na kausap ang isang nurse yata. I hugged the guy immediately para hindi niya ako makita. Nagpupumiglas siya.. Pero weak siya kaya hindi siya nakawala.
"What are you doing?! Let go!" Ang KJ naman oh..
"Sandali lang! Mamamatay ka na nga ang arte mo pa.. Don't worry first hug kita yan ang gift ko sayo before you die. Mapupunta ka sa langit dahil isa akong angel na nag-ppure ng mga kasalanan.." Feel ko lang sabihin yun kesa makita ako ng mom ko.. Hehee
BINABASA MO ANG
The Gangster's Wish List
Teen FictionThey say, Life is so short. True enough. But who would've thought that a gangster who only knows how to fight decided to fall in love? From a lady who once was in love became a gangster. Then love eventually comes around. Let's find out how she'll...