Chapter Fourteen - Battle of the Band

72 3 0
                                    

Maa's POV

Hindi agad ako nakapagsalita sa ginawa ng bwesit na lalaki. That was my first kiss.

"Nagustuhan mo no? Hindi ka nga makapagsalita jan e!"

**Boogsh!** Knock down! Buti nga sa kanya! Tiningnan ko silang lahat ng masama! 

"Bukas kayo naman! Dalhin niyo nga tong isang to sa mini cooper ko! Hindi na yata makakatayo ng maayos yan!! "

Nasa loob na kami ng mini cooper sana lang hindi susuka to! Hindi ko alam kung makakausap ko pa 'to ng matino.

"Oy, saan ang bahay niyo? Ihahatid na kita. Pasalamat ka at mabait ako ngayon."

"Sorry dun sa ano.. "

"Wag na wag mong ma-- ay! Bwesit talaga! Saan kita ihahatid?!"

"Kina Nate na lang baka kasi mahuli akong ganito!"

"Tss. Buti nga sayo! Sabihin mo sa akin which way.."

Tinuro niya sa akin kung saan ang daan. Malapit lang pala sa bahay namin. May nakita akong tatlong lalaki. Teka, parang kilala ko ang isa sa kanila.

"Oy, si Peter ba yan?"

"Ha? Hindi ko alam." Wala talagang silbi to.. Malamang makakalimutan rin niya ang mga pinagagawa niya ngayon. Tss.

"Anong house number nila Nate?"

"Hindi ko rin alam. Basta color red ang gate nila." Halos color red naman ang gate dito. Tawagan ko na nga lang. Bago ko pa nailabas ang cellphone ko, nakita ko agad si Nate papindot ang door bell nila. Teka lang, bat sugatan naman to?

Hininto ko agad ang mini cooper ko at lumabas.

"Oy, anong nangyari sa yo?"

"Wala."

"Anong wala? Sasabihin mo ba sa akin o kailangan pang bugbugin kita?!?"

"Hindi yata ako makakasama sa inyo bukas. Injured kasi yata ang kamay ko." Tiningnan ko ang kamay niya. Sh*t! Parang alam ko na ang nangyari dito.

"Si Peter ba ang may gawa niyan?" Kinakalaban talaga ako ng gagong yun!

"Hindi. Ano....."

"Anong hindi? Nakita ko siya kanina.. Magtawag ka nga ng katulong o guard. Tulungan mo ako sa isang yun!" Sabay turo ko kay Uaua.

"Hindi ko kasi mapindot ang doorbell. Ang sakit kasi ng mga kamay ko.. "

"Tss. Lagot sa akin ang Peter na yun!" Dalawang kamay talaga ang pinilayan nila.

Buhat ng guard nila si Uaua. Samantala, si Nate naman ay ginagamot ang sarili niya. Wala ba siyang parents? Parang siya lang yata ang tao dito bukod sa mga katulong nila.

"Oy, pumunta ka sa ospital bukas at ipatingin mo yan. Ako na ang mag-e-explain kay Toni."

"Sorry talaga Maa. Hindi ko alam na mangyayari to.."

"May kasalanan ka ba kay Peter?"

"Ha? Wala. Bago pa man ako inimbitahan ni Joshua na sumali sa banda ni Toni, kinausap na ako ni Peter na sumali sa kanila dahil gusto niya mag-vocals pero hindi ako pumayag."

"Umatend ka pa rin baka magtampo sila. Sige, alis na ako. Gisingin mo rin ng maaga si Uaua."

Kinabukasan, sinundo ko si Toni sa bahay nila. 6PM ang battle of the band. 

"Bat hindi ka naka-costume ngayon?" Ang tinutukoy ni Toni ay ang pag-susuot ng panlalaking damit. Gusto ko kasi pag-ti-tripan si Tito pag pumupunta ako sa bahay nila kaya ako naka-costume lagi. Pero seryoso ako ngayon kaya nawala sa isip ko ang pag-ko-costume.

The Gangster's Wish ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon