Chapter Seventeen - Second KISS?

74 2 0
                                    

Maa's POV

Binuksan ko ang mini cooper ko habang siya nakatayo pa din sa kabilang side ng sasakyan.

"Anong kailangan mo?"

"Pa-hitch naman ako nakatulog na kasi ang driver namin. Hindi na ako masusundo."

"Tss! Kapal ng mukha mo. Akala mo siguro hindi ko nahahalata na ginagawa mo akong driver lagi?" Dahil hindi ko pa nabubuksan ang mini cooper ko nasa labas pa rin kami pero bigla naman akong nagulat nang bigla na lang niyang kunin ang susi sa kamay ko. Shit! Bakit kinakabahan na naman ako ng ganito?

"Eh, di ako mag-dadrive. May problema ka ba sa mata?"

"Ha? Bakit?"

"Ang layo kasi ng pinagpasukan mo ng susi."

"Wala. Masakit lang ang ulo ko."

"Tss. Talaga lang ha! Pasok ka na dun." Dahil totoo naman talagang masakit ang ulo ko sinunod ko na lang siya.

"Boyfriend mo?"

"Ha?"

"Yung kausap mo kanina."

"Di porket pinagdrive mo na ako may karapatan ka ng mag-tanong."

"Oi, galing mo pala mag-drums. Congrats!"

"Tss! Tsamba lang yon!"

"Humble effect lang!"

"Whatever. Hoy Uaua! Dito ka na bumaba dahil pupunta pa ako ng bar."

"Uaua? Pangalan ng boyfriend mo?" oops. Nakalimutan ko. "Kaya siguro sumasakit ang ulo mo dahil isip ka ng isip sa kanya. Pati ako tinatawag mo na ding Uaua."

"Gago! Kaw yun!"

"Ako?"

"Sapakin kaya kita? "

"Bakit?"

"Ihinto mo nga!"

"Ayoko nga! Ihahatid na kita sa inyo tapos hiramin ko muna ang sasakyan mo. Ibalik ko na lang bukas. Hihi."

"Kapal talaga ng mukha nito. Ihinto mo na kasi. Bibili ako ng gamot."

"Oops. Sorry. M.A, ako na bababa. Anong gamot bibilhin mo?"

"Biogesic na lang." Lumabas na siya ng sasakyan. Bobo talaga yun kahit kailan. Kala niya siguro hindi ko siya iiwan dito. Bleeh! Umupo ako sa driver seat at tinawag siya.

"Uaua! Ba-by--". Shit. Bakit ba kinakabahan na naman ako? Kanina naman wala to ha.

"Ano?" Uaua.

"Ahm, bili ka ng ice cream!" Nakonsensiya kasi ako. Ang bait niya kasi yata ngayon.

"Sure. Yon lang pala eh!" Bumalik na ako sa upuan ko at hinihintay siya.

"Nasaan na ang ice cream?"

"Diba masakit ulo mo? Hindi ako bumili. Ito na lang o. Snickers. Matamis din naman yan."

"Tsk. Akin na nga."

"O nga pala, bakit Uaua ka ng Uaua sino ba yan?"

"Ikaw nga! Joshua, uaua.. Di ba? Bobo mo talaga!"

"Ha? Para naman akong kawawa."

"Oi, sabihin mo nga, bat ang bait mo ngayon?"

"Anong mabait? May kapalit to no?"

"Mag-drive ka na nga. Ihatid mo na lang ako sa bar nandun kasi sina Will. Ibalik mo sa akin ang mini cooper ko bukas ha. Teka lang, wala ka bang sasakyan?"

The Gangster's Wish ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon