Maa's POV
Nalate na naman ako ng gising kaya late na din ako nakapasok. Sa main door ako dumaan dahil nandun ang teacher's table. Dahil tinamad akong maglakad papuntang likod kahit saan na lang ako umupo.
Madali akong natapos kaya umalis agad ako at pumuntang canteen para kumain. Naalala ko na may kailangan pala sa akin si Maam Bakulaw kaya bumalik ako sa room namin pero iba ang nadatnan ko. Narinig ko na lang may utang daw ako sa kanya? Ano naman kaya yun?
Tss. Yung undershirt lang pala.. Hindi naman mahal yun.
Lumabas ako agad dahil kailangan kong makita si Maam Bakulaw.
Ano na naman kaya ang kailangan niya this time?
Papunta akong faculty pero bigla kong naalala na hindi ko pala alam kung saan yun. Kahit 2 months na ako sa school nato hindi pa rin ako familiar dito. Ang alam ko lang puntahan ay ang room ko, canteen at roof top. Kaya bumalik na naman ako sa room namin para magpasama kay Toni.
"Toni, samahan mo nga ako kay Maam Bakulaw.." Nagulat naman yata siya kung bakit ako pupunta kay Maam Bakulaw.
"Bakit? Hindi ba mortal enemy mo yun?"
"May kailangan daw siya sa akin.."
"Sige na nga. Tutal, may sasabihin din naman ako sayo."
"Ano yun? " Papunta na kami ngayon sa faculty room
"May girlfriend na pala si Joshua." Tss. Yun lang pala. Akala ko pa naman kung ano na..
"So? Ano naman ngayon kung meron nga?"
"Hindi ka ba galit Maa? Pagkatapos ng mga nangyayari sa inyo?" ano daw? Ano ba ang nangyayari sa amin?
"Bat naman ako magagalit? Tapos, ano bang nangyayari sa amin?"
"Di ba nga nag-yakapan na kayo? Magkatabi kayong natulog tapos na sayo pa ang undershirt niya.. tapos ano.."
"Bago mo pa tapusin ang gusto mong sabihin. Pag-isipan mo muna kung gusto mo talagang sabihin sa akin yan.." Nasa harap na ako ngayon ng faculty room "Ano? May gusto ka pa bang sasabihin?" Nakita ko naman siyang tumitingin sa bulletin board.
"Anong tinitingnan mo diyan?"
"Maa, sali tayo.." tiningnan ko kung ano ang tinutukoy niya.
"Battle of the band? Gusto mo na namang ipagmalaki ang boses mo? Tss. Sumali ka mag-isa mo!" Magaling kumanta si Toni at marunong din siyang mag-guitar. Pero hindi ko alam kung bakit gusto niyang sumasali sa mga ganyan kung alam na naman ng mga tao kung gaano siya kagaling.
"Sige na Maa. Please.. Pang-birthday present mo na sa akin?" Oo nga pala malapit na birthday niya.
"Hindi naman kita pipigilan sa gusto mo. Sumali ka.."
"Band nga diba? Kailangan ko ng kasama."
"Ano ngayon? Wala naman akong alam sa mga ganyan.. Bat di ka maghanap ng makakasama mo?"
"Tss.. Bahala ka nga.. Sige na! Ba-Bye!" Ay! Nag-tatampo..
Pumasok na agad ako sa faculty room at hinanap si Maam Bakulaw.. Maam Reyes na nga ang haba ng bakulaw e. Pumunta agad ako sa table niya..
"What do you want from me?" tanong ko sa kanya
"Is this how we start our conversation? Can you not say it in more polite way?"
"Okay.. Maam, what do you want from me?"
"Bahala ka nga bata ka! Kung wala lang akong kailangan sayo. hindi ako mag-tiya-tiyagang kausapin ka.." blahblah.. daming pang satsat e no.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Wish List
Novela JuvenilThey say, Life is so short. True enough. But who would've thought that a gangster who only knows how to fight decided to fall in love? From a lady who once was in love became a gangster. Then love eventually comes around. Let's find out how she'll...