Maa's POV
Nag-umpisa ng tumugtog sina Peter. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang revenge ko.. Sh*t! Ang sakit ng ulo ko. Napagod yata ako kanina. At hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil nag-practice ako.. Kailangan ko ang tulong ng barkada. Tinawagan ko si Alex isa sa mga kabarkada ko.
"Yo! Send ko sa yo ang picture. Kayo na bahala. Pag-tripan niyo lang. Tapos video-han. Wag niyo masyadong bugbogin o saktan. Tapos takutin niyo.."
Pagkatapos kung makausap si Alex, sinend ko sa kanya ang picture. Buti na lang nakunan ko sila ng picture kanina.
Nag-drive na ako pauwi dahil sa sobrang pagod. Sh*t! Ito na naman ang feeling na ayaw na ayaw ko. Dizzy. Dahil lang siguro to sa sobrang pagod at walang tulog.
Nakarating ako ng bahay safe and sound. Tapos, natulog na din.
Nagising ako dahil sa tawag ni Toni.
"Hello?"
"Maa, good morning! Congratulations pala! kaw ang nanalong best drummer at dahil sa'yo 2nd placer tayo. By the way, my birthday party is tonight. Please come, okay? Invited din yung iba."
"Fine."
"By the way, formal ang party kasi invited ang mga business partners nila daddy. Pero dito lang naman sa bahay i-hi-held.."
"Okay."
"Maa, may sakit ka ba? Himala yatang 'okay' at 'fine' lang ang sagot mo ha."
"Pasalamat ka dahil birthday mo ngayon dahil kung hindi kanina pa kita sinigawan.. Alam mo bang tulog ako nang tumawag ka?"
"Sorry na Maa.. By the way, gift mo sa akin ha.. hehehe"
"Kapal mo ha! Alam mo bang mahal ang talent fee ko? Tuloy, maraming nakakita sa akin nag-drums.. Bye na! Matutulog na ako!"
"Sige.. Ba-bye! Thank you Maa!"
Tss. Ano ba pwedeng ibigay ko dun? Pero, ano din ba ang isusuot ko mamaya? Magagamit ko na yata ang dress na binigay sa kin ng tita ko.. Okay naman siguro yun..
At 6 pm, nag-ayos na ako agad. For sure, nag-umpisa na ang party ngayon. Wala na rin akong oras mag-ayos ng mukha.. Di naman kailangan dahil maputi na naman ang mukha ko.. Mag-lagay na lang kaya ako ng lipstick? Eh, wala rin naman akong lipstick. Bahala na nga..
Nag-da-drive na ako papunta sa bahay nila Toni. Nakalugay lang ang buhok ko and no make up at all.
Pumasok na ako sa loob ng bahay nila. Nakita ko sa isang table sina Gabby, Rich, Uaua at Nate kasama ang iba naming classmates na invited din. Pinuntahan ko sila agad. Para silang nakakita ng multo pagdating ko sa table nila..
"Bakit?" tanong ko sa kanila.
"Wala." sabay pa silang nag-salita..
Bakit kaya? Wala naman akong nilagay na make up sa mukha ko pero nilagyan ko ng moisturizer kahit hindi ko alam paano i-aapply to.. At nanalamin naman ako kanina wala namang dumi ang mukha ko.
"Oy, sabihin niyo sa akin ang totoo! Bakit ganyan ang tingin niyo sa akin?"
"Ang ganda mo kasi ngayon M.A." Si Rich lang ang nag-salita.. Maganda? Wala naman akong nilagay sa mukha ko.. Ano kaya yun?
"Ha? Wala naman akong nilagay sa mukha ko. Ganito naman ang ayos ko araw-araw. Bat parang ang laki ng gulat niyo sa ayos ko?"
"Alam mo M.A, hindi na uso ang pa-humble effect." Si Uaua ang nag-salita.
"Batukan kaya kita diyan! Kapal ng mukha mong sabihin yan ha!"
"Hayaan mo nga sila M.A.. Ako na lang ang mag-sasalita. Ngayon ka lang kasi namin nakitang nakalugay ang buhok mo and wearing a dress so elegant kahit above the knee lang ang haba. Simple pero bumagay sa ayos ng buhok mo."
"Tss. Whatever! Mapuntahan na nga lang sina Tito at Tita."
Gabby's POV
Ang ganda talaga ni Maa ngayong gabi. Pinuntahan niya si Toni kasama naman nito ang parents niya. Ngayon ko lang napansin si Maa nakangiti sa ibang guests ni Toni.. Kilala niya yata ang mga ito. Napaka-educated talaga ni Maa. Respectful sa mga nakakatanda sa kanya kahit astig siyang umasta.
"Oi, na-to-tomboy ka na sa beauty ni M.A no? hahaha" Si Rich.
"Anong pinagsasabi mo jan?"
"Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa kanya.."
"Tss. Alam ko na ngayon kung bakit habol ka ng habol sa kanya. Pero hindi ko pa rin i-to-tolerate ang mga pinaggagawa mo. Dahil ayaw ni M.A sayo!"
"Tss. Alam mo bang matagal na akong nag-give up?"
"Weh? Di nga? Since when?"
"Secret!"
"Tss. Hey Rich, is it Calvin that M.A's talking?"
"What? Where?"
"Kailan pa siya bumalik?"
"Malay ko. Sigurado ka ba? Nasaan na sila?"
Will M.A be okay?
BINABASA MO ANG
The Gangster's Wish List
Roman pour AdolescentsThey say, Life is so short. True enough. But who would've thought that a gangster who only knows how to fight decided to fall in love? From a lady who once was in love became a gangster. Then love eventually comes around. Let's find out how she'll...