Toni's POV
"Punta kang parking lot hatakin mo si Nerd." Si Maa talaga.
Pinuntahan ko agad si Nate sa SC room tapos hinatak. Yan ang sabi ni Maa eh.. Hindi ko naman namalayan na nakasunod pala sa amin si Joshua. Pero hinayaan ko lang baka uuwi na din siya.
**phone vibrates**
1 message received
From: Maa
MAY KAILANGAN AKONG PUNTAHAN. UMUWI NA LANG KAYO.
Tss.. Anong gagawin ko kay Nate?
"Ahmm.. Toni, bat mo ba ako dinala dito?" Nasa parking lot na kasi kami..
"Sabi kasi ni Maa hatakin kita. Pero may kailangan daw siya puntahan kaya umalis na siya." Nakita ko si Joshua nakatayo sa likod ni Nate. Ano kaya ginagawa niya dito?
"Joshua, bat ka pala sumunod sa amin?"
"Ha? Hindi ko kayo sinusundan. Hinihintay ko ang sundo ko.." Kaya naman pala..
Nakakainis naman si Maa wala pa naman akong sundo ngayon dahil color coding ang sasakyan namin. Tiningnan ko naman si Nate. May sasakyan kaya siya?
"Nate, may susundo din ba sa'yo?"
"Ha? Wala eh, color coding kasi ang sasakyan namin. Pero sasabay ako kay Joshua dahil may pinapagawa kasi sa amin. Sa bahay na lang daw nila namin gagawin.."
"Ah.. "
Sakto namang dumating ang sundo ni Joshua tapos sumakay agad siya sa back seat. Si Nate naman sa kabilang side umupo.. Hehehe.. Parang may naisip na ako. Nasa tapat kasi ako ng front seat ng sasakyan nila Joshua kaya ang ginawa ko binuksan ko naman ito saka umupo.. hahaha. "Hello po manong driver!" Nakangiti lang ang driver sa akin.
Ang mukha nila question mark. Pasensiya na talaga wala kasi sa vocabulary ko ang word na commute. Kaya magpapahatid muna ako sa inyo..
"Sir, diretso na po ba tayong bahay?"
"Hindi po manong driver sabi ni Joshua kanina punta daw muna tayong mall.." Nagulat naman ang mukha ni Joshua. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na siya..
"Di ba may bibilhin pa kayo?" Feel ko kasing mag-mall ngayon pero wala akong kasama kaya dinadamay ko sila. Ang talino ko talaga.
"Oo nga Joshua.. Wala pa tayong materials para decoration natin sa foundation day.." Ay, nag-agree si Nate. Gusto ko na tuloy siya.. Sa totoo lang hindi naman masyadong nerd si Nate. Dahil lang talaga sa buhok niya yun at ang paggiging tahimik niya sa klase. Napakapormal nga lang magdala ng damit..
Napansin ko naman si Joshua nag-signal ng go.. Yehey.. Napaisip tuloy ako kung paano nagkakilala sina Maa at Nate. Speaking of that, matanong nga si Nate kung bakit may utang siya kay Maa.
"Nate, bat pala may utang ka kay Maa?" Hindi naman nag-papautang yun. Namimigay pa nga yun.. Ang bait kaya nun..
"Mahabang kwento.."
"Mas mahaba ang traffic. Dali na! Kwento na.." Kinuwento niya lahat lahat kung paano at saan sila nag-kita at bakit nag-kautang siya kay Maa.
"hahahahahaha.." tawang-tawa ako sa kwento niya.. Actually natatawa ako sa part nung nakisawsaw si Maa sa gulong pinasukan ni Nate.. Si Maa talaga. Kaya naman pala!
"Pasensya ka na Nate. Hindi naman talaga ikaw ang pinagtatawanan ko.. Kundi yung girl na sinabi mo.." Si Joshua naman pigil ang tawa.. Ma-hot seat nga..
"Oy, Joshua ilabas mo na baka saan pa lumabas yan.."
"Ha?" Nag-maang maangan ka pa ha.. Tingnan ko lang..
BINABASA MO ANG
The Gangster's Wish List
Fiksi RemajaThey say, Life is so short. True enough. But who would've thought that a gangster who only knows how to fight decided to fall in love? From a lady who once was in love became a gangster. Then love eventually comes around. Let's find out how she'll...