Joshua's POV
Kung wala lang talaga akong kasalanan sa babeng to malamang hindi ako sunod-sunuran ngayon.. Kaya pala siya nag-passed out dahil sa sobrang lasing? Tss. Buti nga concern ako sa kanya.. Hindi niya din alam kung paano ka-alala ang mama niya kanina pati uncle niya.. Patay talaga ako kay Head Master.
Nakarating din kami sa may bar. Most of the customers are teenager. Halata sa mukha na minor pa sila. It's not my first time to enter this kind of establishment pero first time ko sa bar nato. And nasubukan ko na ring uminom dati pa pero hindi ko pa nasubukan mag-lasing.
Sumunod lang ako sa kanya papuntang counter.. Nakangiti sa kanya ang isang lalaki.
"Maa! Nandito ka na naman? Sabihin mo na kasi ang problema mo! Sino-solo mo lang kasi. HIndi naman lahat alcohol ang katapat.." Ano naman po-problemahin niya kung nasa kanya na naman ang lahat?
"Tss.. Naghahanap ka ba ng gulo?!"
"Joke lang! Hindi ka naman mabiro! Sino siya? Bagong recruit?" Ano daw? Bagong recruit?
"May karapatan ka bang mag-tanong?! Gusto mo bang may mangyari sa'yo?" kumapa-kapa naman siya sa bulsa niya. Nakalimutan niya sigurong iba ang suot niya. Muntik ko ng nakalimutan na nasa akin pala ang cellphone niya. Binigay ko sa kanya na saka siya nag-bat-na-sayo-to? face tapos bumaling na naman siya dun sa bartender. "Pasalamat ka wala ako sa mood ngayon. Bigyan mo nga kami ng kahit ano basta matapang!! Ihatid mo sa table namin!"
"Oy, sabihin mo nga sa akin kung bat mo ako dinala sa ospital?"
"Sinabi ko na sayo diba?! Hinimatay ka nga. Tumabi ka sa akin sa pagtulog tapos ginising kita pero hindi ka gumising hinawakan ko ang kamay mo pero sobra nitong lamig pati braso mo nataranta ako kaya kinuha ko ang phone mo tapos nakita ko n---"
"Don't tell me you followed what's on my cellphone?!"
"Sad to say but yes.. Hindi ko alam tuloy anong sasabihin ko kay headmaster.."
"Headmaster?"
"Yung uncle mo. Malamang hinahanap ka na nun. Binilin ka niya sa akin ang sabi niy--"
BOOGSH!!
Buti na lang talaga nasalo ko ang kamao niya.. At sakto ding dumating ang order namin. Tiningnan niya naman ng masama ang bartender.
"Oy, diba sabi ko sayo yung pinakatapang ang ibigay mo. Sabihin mo nga sa akin which part of The Bar ang matapang? parang tubig nga lang yan. "
"Yan na lang kasi ang available. Diba favorite mo yan?"
"Sinabi ko bang ako ang iinom? Umalis ka na nga!" Balak niya bang ipaubos sa akin ang isang bottle ng the bar?? Hanggang beer lang ang kaya ko..
"Oy, kailangan ko ng umuwi may gagawin pa ako."
"Ubusin mo muna yan kung gusto mong umuwi ng buhay." Dahil wala naman talaga akong magawa sinunod ko na lang siya.
Siya naman taga-lagay ng inumin sa baso ko habang nakatingin sa cellphone niya. Pero alam ko minamasdan niya lang ako.
Maa's POV
Hindi naman talaga ako umiinom. Pumupunta ako dito pero juice lang iniinom ko.. Ang bata ko pa para mag-lasing. At napagkamalan ko lang din na juice ang kamikazee kaya yun lagi inoorder ko at kanina ko lang din nalaman..
"Nahihilo na yata ako. M.A, ano pala sasabihin ko sa uncle mo at sa mama mo? Alalang-alala sila sayo kanina yung mama mo nga muntik ng ma-late sa flight niya. Ano ba kasing nangyari sayo kanina?" Lasing na ang isang to. Pero bat kaya kasama si Uncle? Kay Mama naman ang number sa speed dial ko.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Wish List
Teen FictionThey say, Life is so short. True enough. But who would've thought that a gangster who only knows how to fight decided to fall in love? From a lady who once was in love became a gangster. Then love eventually comes around. Let's find out how she'll...