Chapter Six - Ang maling akala

73 3 1
                                    

Joshua's POV

Hindi ako makapaniwala na tumabi siya sa akin kaya hinayaan ko na muna dahil inaantok pa rin ako. Pinikit ko na lang ulit ang mga mata ko. Kaya lang baka sasabihin na naman niya may ginawa ako sa kanya ang arte pa naman ng babaeng to. Bumangon ako at yinugyog siya para gumising. Naalala ko tuloy ang kinuwento sa akin ni Toni nung nasa mall kami. 

Wag na wag niyo siyang tawagin sa real name niya kung ayaw niyong mag-world war 3.. 

Tss.. Magpabinyag na lang siya ulit kung ayaw niya sa pangalan niya.

Ginising ko siya para paalisin sa couch ko.

"Hoy. Maa. Gising.. Ano bang ginagawa mo dito?" parang ang putla niya yata.. Yinugyog ko siya ulit tapos hinawakan ang kamay niya. 

Ang lamig yata ng kamay niya. Kanina ko pa naramdaman na malamig pati katawan niya. Parang hindi basta-basta ang lamig niya. Buhay pa naman siguro to. Anong gagawin ko?

Tatawagan ko na sana si Toni kaya lang wala naman akong number. 

Si Nate kaya baka mag-kasama sila.. Aish. Bahala na nga.

Natataranta na ewan kaya hindi ako nakatiis kinapkapan ko siya tapos hinanap  ang phone niya.. Nakita ko rin. Sino naman ang kokontakin ko?

Inopen ko na lang ang phone niya. Mas nagulat naman ako sa screen saver niya parehas lang ng wallpaper niya.. Parang sinadya niya talagang gawin to.

Speed dial numbers

Press 1 - For Emergency

Press 2 - If you found my phone

Press 3 - If gusto mo ng gulo

Yan ang nasa screen saver niya tapos may background ng picture niya na poker face..

Agad ko namang pinindot ang 1 pero wala naman. 

Baka long press.. 

Tapos sinubukan ko ulit.. 1 ring pa lang sinagot na agad..

"Where are you?" Parang alam nila na may masamang nangyari sa kanya..

"Ahmm.. Nasa rooftop po kami ng school.."

In 5 minutes lang bumukas ang pinto ng rooftop.. Si Head master?

"Nasaan siya?" tapos pinuntahan niya agad ako. Dali dali naman niya itong kinuha sa couch at binuhat. "Sumama ka sa amin."

Ha? Bat naman nila ako isasama?

After a few minutes, may ambulance na ring dumating.. Pinapasok ako ng headmaster. Hanggang ngayon hawak-hawak ko pa rin ang phone niya..

Tiningnan ko ang headmaster hindi maipinta ang mukha niya sa alala.. Hinihimatay lang naman siya bat naman ganyan ang reaksiyon ni Head master?.

Related kaya sila sa isa't-isa?

"Ahm.. Sir, kontakin kaya natin ang parents niya. "

"Tapos na.. Andun na sila.."

"Ah.. "

Sa ospital namin siya na-confine.. Tama ang basa niyo kami ang may-ari ng ospital na Sevilla Medical Hospital..

"Hi Sir!" bati sa akin ng isa sa nurse. 

Agad namang pinasok si Maa sa emergency room.. Napaka-overprotective talaga ng mga parents ngayon konting sugat ipapaospital agad. Ito namang si Maa hinimatay lang emergency room agad.

Nasa labas kami ngayon ng Emergency room kasama pa rin si Headmaster at mama niya yata. hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa ko dito.. Bigla naman nag-salita ang Mama niya.

The Gangster's Wish ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon