Maa's POV
**phone Vibrates**
"O, problema mo?!" Himala kasing tumawag si Toni.
"Maa!!"
"Bat ka ba sumisigaw ha!?!"
"Tss.. Maa, may itatanong lang ako sayo. Anong gagawin mo pag nalaman mo na pinagpustahan ka ng taong gusto mo?"
"Malay ko!! Ano bang ang alam ko sa mga ganyan!! Diba kaw expert diyan?!!"
"Kasi ano.."
"Pero pag nalaman ko na pinagpustahan lang ang kaibigan ko malamang mapapatay ko.."
"Maa!!!! Kasi ano.. huhuhuhu.." Bakit umiiyak to? "Nalaman ko kasi na pinagpustahan lang ako ng tropa ni Peter tapos .. huhuhu.. Maa. Nakikinig ka ba?"
"Oo naman.. Ako bahala dun."
"Ano gagawin mo?"
"Basta!"
Kahit MANIZER si Toni todo todo pa rin yan mag-mahal lahat ng naging boyfriend niya sineryoso niya kaya lang wala naman taste sa lalaki yan kaya lagi siyang na-bbrokent hearted. Paano naman kasi ang hilig niya sa mga lalaking manloloko..
Maaga akong pumunta ng school dahil may gagawin pa ako. Tamang-tama ako pa lang mag-isa sa room kumuha agad ako ng chalk at inumpisahan ko ang pag-llettering.
Peter Ramirez! Don't let us see you walking alone. You don't know what might happen.. PS. Don't erase this or you're DEAD!! - anonymous
Wala pa namang akong plano talaga kaya tinatakot ko muna siya. I checked my wrist watch, I still have 30 minutes before the time kaya nag-lakad lakad muna ako..
Toni's POV
Hanggang ngayon hindi ako makaget-over sa ginawa ng lalaking yun sa akin. Ano kaya gagawin ni Maa sa kanya? Kala ko pa naman last love ko na siya. Di bale na nga marami pa namang iba.. Pero nakakainis pa rin kasing isipin na pinagpupustahan ka lang ng taong akala mo gusto ka din.
Pagdating ko sa room namin agad nakita ko ang mga classmates namin na nakatayo at nakaharap sa board. Ano kayang meron?
Peter Ramirez! Don't let us see you walking alone. You don't know what might happen.. PS. Don't erase this or you're DEAD!! - anonymous
Alam ko kung sino ang may gawa nito. Tiningnan ko kung ano ang reaction ni Peter.
"Nakakatawa naman ang prank na yan! Burahin niyo na nga yan.." tingnan ko lang hanggang saan ang tawa mo..
"Kaw na magbura baka ma-dedo kami pag binura namin yan.. Malay mo nanonood lang pala ang gumawa niyan.." Hindi siya nakatiis kaya tumayo siya at binura niya naman agad..
Nakita ko si Maa papasok ng room namin.. Suot niya ang favorite shirt niya na Black na may design na peace sign. Wash day kasi namin ngayon.
"Maa!!"
"Problema mo!?"
"Wala lang." Ang bait talaga ng bestfriend ko..
"Hoy Nerd! Bat ganyan ang suot mo?!" ha? Tinawag niyang nerd si Nate? Magkakilala ba sila?
"Ah, kasi ano.."
"Akala mo siguro na nakalimutan ko na may utang ka pa sa akin ha?!?"
"Teka lang Maa.. Bakit may utang sa 'yo si Nate?"
"Nate, natapos mo na ba ang pinap---" si Joshua ang nagsalita tapos tiningnan kami lahat. Awkward. Naalala pa kasi namin lahat kung paano nag-yakapan silang dalawa ni Maa. Speaking of that hindi ko pa natanong si Maa about that time. Buti na lang naalala ko pa..
"Hi Joshua!"
"Hi Toni!" Iniwas niya ang tingin kay Maa.. Something fishy. Si Maa naman ang sama ng tingin.
"Ahm, Nate ihatid mo na lang mamaya sa SC(Student Council) room"
"Sure." Paalis na sana si Joshua nang bigla namang sumigaw si Maa.
"Yah! Di ba sinabi ko sa yo wag kang magpapakita sa kin?!" Ang classmates naman namin sa amin lang nakatingin. Ano na naman kaya ang problema ni Maa?
"Ha? Wala namang nangyari sa atin kahapon di ba? Virgin ka pa rin naman!"
0.0 <---- lahat kami with ngangang kasama.
Ano kaya ibig sabihin ni Joshua?
Maa's POV
Bigla akong namula sa sinabi niya. Ngayon ko lang naramdaman ang salitang HIYA.. Tiningnan ko siya ng masama alam ko nahihiya rin siya sa sinabi niya.
"I mean, natulog lang naman tayo kahapon. Wala naman tayong ibang ginawa." mas lalong nagulat ang mga classmates namin.. mas tumindi ang nganga abot sahig na..
"Aish! Bahala ka nga! " Sa sinabi niya mas lalo siyang napahiya kaya hindi siya nakatiis at nag-walk out siya.
Ang mga classmates naman namin nakatingin pa rin sa akin.
"Anong problema niyo?!" Agad naman silang bumalik sa kani-kanilang upuan.
"Hoy Nerd! Hindi pa tayo tapos may utang ka pa sa akin.."
Si Toni naman question mark pa rin ang mukha.
"Ano?!"
"Hehe. Wala lang.."
Minamasdan ko si Peter pauwi. Ginawa niya talaga ang sinulat ko.. Tss. Takot naman pala kung manloko ng babae sobra. Dahil wala pa naman akong plano sa kanya tinawagan ko na lang si Toni.
"Punta kang parking lot hatakin mo si Nerd." Tapos binaba ko na agad. Ang mahal kaya ng call buti sana kung unli ako.
Hinihintay ko silang dalawa ngayon sa sasakyan ko. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.. Tss. Tapos naalala ko rin ang nangyari sa hospital. I am 100% sure that he was the guy I hugged in the Hospital that time. Gusto ko sanang kausapin siya kung bakit buhay siya o baka hindi sa kanya ang phone? Tss. Ang assuming ko naman kasi. Pero parang hindi niya naman yata ako naalala. Buti na lang kung ganun.
"Hi M.A! Missed me?"
The F. Bakit siya nandito?!
BINABASA MO ANG
The Gangster's Wish List
Teen FictionThey say, Life is so short. True enough. But who would've thought that a gangster who only knows how to fight decided to fall in love? From a lady who once was in love became a gangster. Then love eventually comes around. Let's find out how she'll...