Chapter Nineteen - Out of Town

62 2 0
                                    

Maa's POV      

Tss. Feel ko na sasabog ako anytime. Naiinis ako sa lalaking yun. Nang-iiwan sa ere. Ang sakit tuloy ng ulo ko. Makatulog na nga lang.   

Naramdaman kong huminto ang sasakyan at nagsilabasan yung iba.. Baka nandito na kami. Tumayo ako sa kinahihigaan ko. Ito na ba yong resort? Hindi naman siguro.

 "Kuya Romy, nasaan po sila?"  

"May bibilhin lang daw sila, yong iba nag-CR."  

"Ah, saan na po pala tayo? Ilang oras na lang po ba ang biyahe?"  

"Mga 1 hour and a half po. Ma'am, baka pwede namang humingi ng favor?"  

"Ha? Ano yon?"  

"Kasi yung anak ko nasa hospital ngayon. Malapit lang naman ang ospital dito kaya baka naman po pwedeng puntahan ko muna hindi ko pa napuntahan simula nong na-admit siya. Promise po Ma'am mga 30 minutes lang po talaga. Babalik din ako. Nahihiya kasi akong magpa-alam kay ma'am Toni."  

"Bat hindi kayo umabsent? Mas importante po ba ang trabaho niyo kesa anak niyo?"  

"Hindi po Ma'am. Hindi niyo  rin naman po maiintindihan."  

"Ipaliwanag niyo po kaya para maintindihan ko. Matalino naman po ako tiyak maiintindihan ko po. Hindi naman siguro chinese ang salita niyo diba?"  

"Si Ma'am naman. Kailangan ko pong kumayod dahil may anak pa po akong maliit. Kaya kailangan kong mag-trabaho ng maigi. Saka, malaki po ang mababayaran namin sa ospital dahil 1 week na dun ang anak ko."  

"Ano ba ang sakit niya?"

  "Dengue po."  

"Ah ganun po ba? So, iiwan niyo ako dito magbantay ng van?"  

"Kung pwede po."

  "Ayoko nga. Ano kayo sinisuwerte?"  

"Naiintindihan ko naman po."  

"Joke lang! Ayokong kayo lang ang pupunta. Sasama ako kahit takot ako sa mga ospital. Ayoko kayang maiwan mag-isa dito. Tss."  

"Pero, maam sasakay po tayo ng kuliglig. Okay lang po ba sa inyo?"  

"Baka ayaw niyo lang akong kasama?"   "Tara na po. Hindi na po siguro Maam."   "Bakit na naman?"  

"Andito na kasi sila."  

"Tss. Hayaan mo sila! Dali! Lumabas ka na."  

Lumabas naman ang driver. Actually, kilala ko ang driver na to dahil ito ang laging sumusundo kay Toni sa school. Kaya din siguro ako ang pinakiusapan niya.    Nagulat naman sila kung bakit ako lumabas at ang driver. kinuha ko ang shades dahil mainit at at nilugay ko lang ang buhok para cover ng shoulder ko dahil naka-sleeveless lang ako.  

"Maa, saan kayo pupunta?" Toni.  

"May pupuntahan lang ako sandali."    "Samahan ka na namin."   " Wag na! Sasamahan naman ako ni Kuya Romy."  

"Samahan na lang kita M.A." Rich.  

"Hindi na. Alis na kami."  

"Ako na lang sumama." Tss. Nag-volunteer pa talaga ang nang-iwan sa ere.  

"Hindi na nga sabi! Kuya Romy, saan tayo sasakay?"  

"Dito po Ma'am. Salamat po talaga ng marami."   "Wait lang M.A. Samahan na lang kita."

Kulit talaga ni Gabby o.  

"OK lang talaga Gabs. Mag-iingat ako. Promise."  

"Maa!"  

The Gangster's Wish ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon