Nate's POV
Nasa mukha ko pa rin ang ngiti sa labi. Umuwi man kami agad ayos na rin. Wanna know why?
Flashback
Hinatid ko si Toni sa bahay nila. Pinapasok niya ako para daw makilala ako ng parents niya.
Nadatnan namin ang Daddy niya nakaupo sa couch nanonood ng news sa TV.
"Toni, may kasama ka na namang lalaki?" Lagi ba talaga siyang nag-dadala ng lalaki sa bahay nila?
"Anong na naman? Ngayon pa lang naman ako nag-pahatid? Saka, babae si Maa. Hindi lalaki yun. Magpagawa na kasi kayo ng salamin!"
"Sino naman tong kasama mo?"
"Si Nate. Boyfriend ko yan! Wag niyong pagalitan! Isusumbong kita kay mommy!" Napangiti ako sa sinabi ni Toni.
"Good evening po Tito!"
"Good evening din! Naku hijo, umatras ka na habang maaga pa! Dahil yang si Antonia maraming lalaki na ang dumaan sa kanya pero hindi man lang sineryoso! Collect lang ng collect yan! Manang-mana sa Mommy niya." Kung napangiti ako kanina, ngayon ay nalungkot ako bigla.
"Daddy! Wag kang maniwala diyan! Tara na nga sa labas. Ihahatid na kita."
Nasa labas na kami ng gate. Walang kiboan. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko.
"Ang tahimik mo? Don't tell me naniwala ka kay daddy? Tss."
"Ha? Wala naman. Inaantok lang siguro ako."
"Tss. Antok daw! Hindi ako naniniwala sa 'yo. Totoo ang sinabi ni daddy." So, I am one of the guys.**sigh**"Marami na akong naging boyfriends pero walang at hindi lahat nag-tagal. Sabi ni Maa sa akin hindi kasi ako marunong pumili ng i-bo-boyfriend. Sa tuwing naiisip ko ang mga yun mas naiinis ako. Alam mo bang ako pa ang nanligaw sa kanila? Tss. Kaya, ayoko ko ng manligaw. Sayang nga e gusto pa naman kita. Gusto sana kitang ligawan pero baka hindi rin naman tayo mag-tatagal kaya wag na lang. Pero sana ligawan mo ako.. Hehe. Kasi sasagutin kita agad!" Masaya na ako!
"Toni, bat pala Antonia ang tawag sayo ng dad mo?"
"Ah, kasi kamukha ko daw ang lola Antonia ko.. At totoong ngayon lang ako nag-pahatid. Si Maa laging napagkamalan na lalaki ni Daddy dahil sa ayos niya tuwing pumupunta siya dito."
Mahaba din ang kuwentuhan namin hanggang sa pinauwi na niya ako.
"Umuwi ka na dahil gabing-gabi na! Bukas na ang competition. Mag-pahinga ka agad ha! "
"OK. Good luck sa atin."
"Bye Nate!" Tumalikod na siya papasok sa gate nila.
"Bye!" Tatalikod na sana ako pero mas nauna siyang tumalikod pabalik sa akin at biglang
0.0
She suddenly kissed me on my cheek. Then ran towards the gate.
"Goodnight Nate! Bye!"
End of Flashback
Sino kaya ang hindi matutuwa sa ginawa niya?
Malapit na ako sa bahay namin nang may biglang humarang sa daan. Kilala ko ang isa sa kanila. Pero hindi ko alam ang kung anong pakay nila sa akin. Magsasalita na sana ako pero inunahan nila ako ng suntok. And the next thing they did was something I didn't expect. They stomped on my both hands enough to cause an injury. Hindi siya serious injury pero masakit kung igagalaw ko ito.. I don't know if I am still able to play tomorrow.
Sorry Toni.
Maa's POV
Pinababa ko sina Toni dahil papunta ako sa bar. Nagyaya na naman silang uminom pero again, I don't drink alcoholic drinks. They just want my presence at gusto ko lang din mag-hang-out. Ayoko imbitahin si Toni dahil may competition pa sila bukas..
Nag-drive na ako papuntang bar dahil kanina pa sila text ng text sa akin. Speaking of text ng text, bakit parang may nag-ti-text yata. Tiningnan ko ang front mirror baka kasi minumulto ako ng kaluluwang ligaw..
0.o ha?
"Oy, diba sabi ko kanina bumaba kayo lahat. Bat nandito ka pa rin?"
"Ha?"Palingon-lingon. "Nasaan na sila?"
"Malamang bumaba na! Tss." Pero text pa rin siya ng text. Bahala ka nga!
Hininto ko na ang mini cooper ko at nag-park sa harap ng bar.
"Hindi ka pa ba lalabas?"
"Sorry. Thanks for the ride."
Lumabas na din ako ng sasakyan para pumasok na sa bar. Kanina pa sila nag-hihintay sa akin.
"M.A, wait lang!" Ha? Sinusundan niya ba ako?
"Bat nandito ka pa? Umuwi ka na!"
"May problema ka na naman ba kaya iinom ka na naman?" Ano kaya pinagsasabi nito?
"Anong sinasabi mo? Umuwi ka na!"
"Ayoko nga! Sasamahan kita."
"E, di sumama ka. Tingnan lang natin."
Hinayaan ko lang siyang sumunod sa akin.
Joshua's POV
Kahit masamang babae si M.A hindi ko pa rin siya kayang iwan na basta-basta na lang. May problema na naman siguro siya kaya iinom na naman. Pero ano kaya ang problema niya?
Hinayaan niya lang akong sumunod sa kanya. Pagdating namin sa bar, tila may hinahanap siya. Lumapit siya sa isang table at umupo. Mga lalaki lahat ang naupo. Friends niya ba to?
"Maa, akala namin hindi ka na darating. Si Toni?"
"Wala. Kita mo namang ako lang dumating di ba? Ay, May kasama pala ako si Joshua, classmate ko."
"Umupo ka pare! Sa wakas, may nagustuhan na rin si Maa." Ano daw?
"Nagustuhan? Bat ko naman yan magugustuhan? Ni hindi nga marunong manligaw yan!"
"Pare, hinahamon ka yata o! Ito pampalakas ng loob." sabay abot ng baso. hindi ko alam kung bakit ko tinanggap ang baso pero parang gusto ko lang mag-enjoy ngayon. Naiinis kasi ako kay Nika.
"Oy, wag niyong painumin ng marami yan."
"Ayiee...concern si Maa.."
"Ga*o! Paanong hindi ako mako-concern? Ako rin ang magbubuhat niyan.."
"Hindi yan! Ang galing ngang uminom o!"
Kahit tipsy na ako, inom pa rin ako ng inom.
Maa's POV
"Oy, tama na yan! Lasing na o! Baka susuka yan sa Mini Cooper ko!"
"Hindi pa ako lasing no! Haha.. Concern na concern ka talaga sa akin e.." Lasing na nga tong isang to!
"Tara na! Umuwi na tayo! Tumayo ka na jan!"
"KJ mo na naman Maa! Nag-eenjoy pa nga kami."
"Oo nga! Kaw talaga M.A! Hahalikan kita jan e!"
"Woooo.. Halikan na!"
"Sige subukan mo! Makakatiki--!"
0.0 --- Sheet! First time ko to!
At sa lips pa talaga!
Bwesit tong lalaking to! Ninakaw niya ang first kiss ko!
BINABASA MO ANG
The Gangster's Wish List
Fiksi RemajaThey say, Life is so short. True enough. But who would've thought that a gangster who only knows how to fight decided to fall in love? From a lady who once was in love became a gangster. Then love eventually comes around. Let's find out how she'll...