QUINN
It's been three days and birthday ko na ngayon! Maaga akong umayos ng sarili, I was tooooo excited! Syempre Kahit sino ba naman ma e-excite sa 18th birthday. Of course umuwi ang dear parents ko and to remind you― nasa beach kami na pinagmamay-ari ni Kuya Samuel our cousin.
"My baby! Happy birthday!" bati ni mom sakin at agad ko syang niyakap at hinalikan sa pisngi. I'm so happy kasi nandito sila sa one of the most important event sa life ko.
"Thanks mom." I didn't bother to ask about dad alam kong busy sya sa pag entertain ng mga tao.
"Here, my special gift to you." it was a small box kaya binuksan ko ito. My heart beats quickly as I take out the gift my mother gave me. It was a black credit card, and I had been assured that I could have a limitless amount of money. Ah yeah! I remember mafia fam pala ako.
"Thanks mom!" masayang sabi ko sabay hug sa kanya.
"You can buy everything you want Anak, sorry for not being with you for all these years." sabi pa nya and I hugged her again.
"It's okay ma, I understand." Living a life with a mafia parents is not easy at naiintindihan ko sila mom.
"Madame aayusan kana daw po namin." sabi ng isang maid.
"Make her the most beautiful." mom said...
IT TOOK 6 hours para umayos. By the way I would like to show you my gown.
Yup that is my luminescent gown. Pretty right? It's my day and important day so dapat talaga maganda lahat. I braided bun my hairstyle and positioned my bangs. I only use light make up para ma match ang damit ko. It's my time to shine!
THIRD PERSONS POV
Nagsimula na ang event at ang mga tao ay nakaupo sa kani kaniyang mesa. Magkatabing nakaupo si Hermione at Stain pati na ang mga kaibigan nito. Si Jaedon naman ay hindi pa nakakarating sa destinasyon.
Dumilim ng mga ilaw sa pag labas ng dalaga at ang tanging nagsisilbing liwanag ay ang ilaw na nakatutok sa kanya at ang luminescent gown nya. Agad namangha ang mga tao sa taglay nitong ganda na mas lalong nagpatingkad sa kagandahan nya ang kanyang kasuotan. She's walking on the isle na para bang reyna na uupo sa kanyang trono. Nakangiti syang tumitingin aa bisita pero agad iyon nawala nang di mahagip ng paningin nya ang binata. Agad nya namang pinatawag ang isang maid nya. Hindi ito normal na maid, ito ay isang assassin na nagtatrabaho sa pamilya nya.
"Stacey nakita mo ba si Kuya Jaedon? Bat wala sya?" Tanong ng dalaga sa kanyang maid.
"Papunta na sya dito Young Miss. Na late lang siguro. " Pang-assure ng maid sa kanya. Muli syang ngumiti at umupo sa upuan nya.
Samantala ang maid ay nagreport sa Masters nya dahil wala pa ang binata. Si Jaedon ay anak ng isa sa pinakamalapit na kaibigan ng pamilya ni Quinn—isa rin itong mafia. Sa pagkawala nito ay agad na alarma ang lahat ng di pinapahalata sa dalaga. Dumiretso ang maid sa kusina upang icontact si Allen—isa sa magagaling na hacker.
"Allen hanapin mo ang lokasyon ni Sir Jaedon, kanina pa syang nawawala." Sabi ng dalaga sa kasamahan nya, agad naman itong rumesponde sa sinabi at hinanap ang nawawalang binata.
"Takte! Stacey nahanap ko yung lokasyon nya. Pero nasa isang basement sya." Sabi nito na syang ikinagulat ng dalaga.
"Anong ibig mong sabihin?!" Gulat nyang tanong nang marinig ito ni Stain at nakinig ito sa harapan ng maid.
"Sandali, pinapakinggan ko ang background sound!"
Nakakunot noong nagsend ng mensahe si Stain sa mga kaibigan nya at mga higher ups na nasa event. Lahat sila ay nanatiling kalmado upang di masira ang kaarawan ng dalaga.
YOU ARE READING
Undead Femme Fatale Series
General FictionSynopsis: Quinn Aurora D'oeuvre, known as Quinn Brooklyn, is a senior high school student with a drop-dead beauty that makes every head turn. Just like her cousin, Stain Crux D'oeuvre, she is also a mafia's daughter. A lot of females dislike not jus...