Chapter 7 Bungee jumping

22 21 0
                                    

QUINN

Dalawang buwan na ang makalipas matapos ang insidente sa birthday ko. Everything is back to normal at nagsorry naman si Kuya Jaedon sakin. About dun sa girl? Pinsan nya pala yun. Sa loob ng dalawang buwan ay mas lalo kong nakilala ang aking sarili at mas lalo kong naintindihan ang nararamdaman ko sa kanya. Weird diba? Dapat kuya kuyahan lang pero yung puso ko tutol na hanggang doon lang. Yes I like him a lot at di ko inexpect na magugustuhan ko sya. I'm trying to be beautiful and more matured pero hindi talaga mawawala ang pagiging abnormal ko.

"Are you done?" Tanong ng nag iisang kaibigan ko. Nasa Cr ako sa campus kakaihi lang syempre.

"Yesss..." Sagot ko at nagflush ng toilet. Lumabas naman ako para maghugas ng kamay at pinatuyo ito. Naglakad na kami papabalik sa classroom pero may grupo ng mga babae ang lumapit sakin.

"Hi Quinn! I heard you love Sky divings and Bungee jumping? Wanna come with us?" Tanong nila sakin and I didn't hesitate to say yes. It's not bad to hang out sometimes.

"You can go too ate Amber." Sabi ng isa pa at tinango tanguan naman ng iba.

"Ah wag na babies may date kami ni Hubby eh." Sagot naman sya at napangiwi ako.

"Wow sanaol may hubby." Sabi naman ng isa.

"Grabe pinamukha mo talaga sakin ang pagiging single." Reklamo ko at nagsi tawanan kami.

"Hanap kana daw kasi Quinn." Sabi ng isa at napangiwi ako.

"Sige alis na kami. See you Tomorrow!"

Pagka alis nila ay bumalik kami sa room at umupo sa kani-kaniyang upuan. Mahaba ang oras at inaantok na ako, excited ako para bukas eh.

________
"CLASS DISMISSED." pag kasabi ng teacher namin ay agad ko nang inayos ang mga gamit ko at lumabas.

"Mauna na ako Amber!" Sabi ko pa sabay wave, rinig ko din pag sagot nya ng 'okay'. Dali dali akong bumaba ng third floor at dumiretso sa parking lot. I saw my driver Beinch. After 2 months ang bilis nyang makarecover at ngayon isa na syang driver ko.

"Good day Young miss." Bati nya sakin sa pagbukas nya ng pintuan ng car. It's not an ordinary car—it's McLaren. My daddy give it to me as pambawi sa birthday ko.

"Good day." Papasok na sana ako ng may nakita akong bata na nakatulala sakin. I looked at him and he waved.

"Hi pretty sister!!" Sigaw nya at nag hi din ako pabalik sabay wave. It's a daily life of a pretty girl like me. Manang mana sa fam eh.

"San po didiretso?" Tanong ni Beinch sakin.

"Anywhere." Sagot ko, means wala pa akong ganang umuwi ng bahay. And you know what kung gaano kagaling ang driver ko? Hinatid ako sa kapitbahay naming si Kuya Jaedon. Syempre tuwang tuwa naman ako at narito na naman ako para magpabebe.

"Here po." Sabi niya kaya ngumiti ako.

"Aba aba! Thank you." Sabi ko sabay iwan ng bag ko. Dala ko lang ang cp ko at pumasok na ako. Kapal ko right? Kala mo kung may binayad dito sa bahay e wala naman.

"Kuya!!!" Tawag ko at agad naman syang lumabas sa room. Ang random naman kasi ng class hours nilang college.

"Come here." Sabi nya at kinilig naman ako. Teka lang Quinn ang bata mo pa para lumandi! Pero pag si Kuya Jaedon why not? Eme.

Agad akong pumasok sa room nya at umupo sa munting sofa. Kala mo talaga bahay ko eh ano.

"So anong kurso na kukunin mo?" Tanong nya at napapout ako, ano nga ba? Si kuya Stain nga kumuha ng Fine arts kahit magmamana naman sya ng company. What if mag joke time din ako sa college? Try ko lang naman.

"Educ or... Educ nalang." Sagot ko pa, kung maghahanap ako ng ibang course nako mase separate ako dito.

"Good choice." Sambit nya habang nag ta type.

"Ano ba yan kuya bat ang busy mo?" Tanong ko at ngumiti syang nakaharao sakin.

"5D planner. Gumagawa ako ng bahay as project." Sabi nya sakin at napasigh ako. Ano ba yan walang panahon para lumandi.

"Sasama pala ako sa Bungee jumping bukas. With some girls." Sabi ko pa baka sakaling mahinto sya and he did.

Tumayo sya at umupo sa tabi ko.
"Are you sure about that? Delikado yan Quinn." Mapag-alalang sabi nya and I smiled.

"Minsan lang naman eh. Saka kuya babae rin naman mga kasama ko." Sabi ko pa sa kanya. Ano ba yan nagmumukha syang kapatid ko tuloy!

"What if ma fail?" Tanong nya sakin at napakunot ang noo ko.

"Di pa naman ako mamamatay. Di kaya ako pwedeng mamamatay hanggat virgin pa!" Pabirong sabi ko and he smirked.

"Silly. Nakuha mo pang magbiro." Sabi pa nya at ngumisi ako sabay higa sa sofa. Pinatong ko naman ang mga paa ko sa paa nya, kapal ng mukha ko diba?

"What are you reading?" Tanong nya sakin. I smiled and sighed.

"Possessive stories." Sagot ko at nagulat sya. It's normal though.

"Why are you reading that stuff?"

"Wanna learn something." Sagot ko pa at nang mapansin ko ang oras ay agad akong umupo.

"It's 5 na! Bye kuya!" Sabi ko pa sabay takbo papalabas. Magagalit na naman ang supladong dragon nito. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko syang nag bebetime kay ate Hermione.

"Wow grabe! Kahit saan talaga may mga kopol na malandi." Reklamo ko pa at napadila naman si Kuya na parang bata. Aba! Hintayin nyo sakin magugulat kayo!

__________

"Wow it's so high!" I exclaimed as I saw kung gaano kataas ang height ng tatalunan namin.

"High right?!" Sabi ng babaeng nag imbita sakin. I was happy and nervous kasi first time ko sa ganitong height.

"By the way Quinn do you wanna fly?" Tanong pa nya sakin and I nod. Then a few moments later... I found my self falling. Tumingin ako sa kung sino ang tutulong sakin but I saw them laughing. I was surprised as I realized Plano pala nilang patayin ako. I then saw Chloe's sister waving at me...

I closed my eyes and wait to my death.... I lose conscious.

Undead Femme Fatale Series Where stories live. Discover now