Simula

699K 10.1K 31.6K
                                    

Simula

Predator

"Sir, we found the daughter of the deadliest and biggest terrorist group leader. The Israelic-State."

My jaw twitched after hearing the information from one of the computers.

I shifted my weight on the high wingback chair where I was sitting.

"Forward every detail to me, Gael. Hiroshi, send some men to watch her. Tell Cecelion to send a team to Israel," I ordered in my gruff voice.

Kakatuyo lang ng aking buhok. I dyed my hair into a dark grey ombre colour. Its natural colour was dark brown.

Prente kong hinilig ang aking likod sa malaking backrest ng kulay itim na upuang ito.

"Hindi naman s'ya mahirap hanapin, sir. Kilala s'ya halos buong Pilipinas," dagdag ng boses ni Gael mula sa computer na nakapaligid sa silid.

"An actress? A model? Social media influencer? Or a politician?" tanong ko.

"She's one of the girls in a famous P-Pop group called 'DALA'. She was just sixteen when she started her career in the P-Pop industry and now she's already twenty-eight," mahabang sagot nito.

"People love her because of her talent in dancing, singing, rapping, and even the way she smiles. She's their bias in that girl group," dugtong naman ng boses ni Cecelion.

Nasa iba't ibang lugar sila, pero naririnig namin ang isa't isa nang hindi nalulusob ng kahit sino'ng hacker. Thanks to these advanced technologies I obtained and purchased from the technology hardware companies who create computers and more to this modern generation.

Halos magkasalubong ang aking mga kilay nang biglang nagtalo ang tatlo sa kanilang mga linya.

"S'ya ang bias ko talaga! Ang ganda! Ang bait! May autograph ako sa kaniya! Mainggit kayo mga de puta!"

"Bias ko s'ya, Cecelion! Tang ina mo! Mang-aagaw! Ni-shout out n'ya pangalan ko sa live n'ya last year! Sabi n'ya, 'i love you, Gael'!"

"Sa audition n'ya pa lang, bias ko na s'ya! Mas nauna ako sa inyo! Ugok! May crush s'ya sa mga Japanese sabi sa interview! I'm half Japanese!"

Tumahimik sila nang tumikhim ako.

Nakuha kaagad ng babaeng kanilang pinag-aagawan ang interes ko. Hindi lang dahil sa anak s'ya ng lider ng isang grupo ng nakakatakot na terorista sa buong mundo. Kung hindi ay dahil kanilang binanggit.

Hindi pa nagkakaganito ang mga consigliere na ito. Ngayon ko pa lang nasasaksihan ang ganitong parte nila. Kadalasan ay seryoso sila.

Mukhang seryoso nga naman sila sa kanilang pagtatalo. Hindi ito isang biro.

"Investigate her. Her father still has connections with her," maawtoridad kong utos.

Kinuyom ko ang aking kamay nang sunod-sunod silang nagsalita.

"Pasensya na, sir. Hindi ako makakapag-imbestiga sa kaniya. Ginagawa ko pa kasi ang mga utos ni Boss Drugo."

"Si Boss Diablos din, sir. May pinapaasikaso sa akin. Hindi po ako masyadong makatulong sa'yo sa ngayon."

"Bumibisita ako saglit Kay Boss Damien, sir. Dito sa isla. Sabi ay maraming chupapi kaya dumagdag na ako."

Utos ko, gawa ko.

Wala naman sigurong masama kung ako na lang muna ang mag-iimbestiga mismo sa anak ng lider.

Kailangan kong tapusin ang giyera sa lalong madaling panahon. Masyado'ng marami na ang napinsalang sibilyan. Kapag nagtagal pa ito ay patuloy na magdusa ang mga inosente.

Aroused Darkkon (Sartori #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon