Kabanata 8

287K 7.8K 10.5K
                                    

Kabanata 8

Confession

"Kasama ko naman si Milen. She's a spymaster. Gusto n'ya akong ipasyal sa buong headquarters. Masyado na kasi talagang boring dito," I tried to convince Cecelion, Gael, and Hiroshi.

If only I could have my phone and laptop, I wouldn't get bored. Kakayanin ko pa ang magbabad no'n sa kuwarto ng isang linggo.

But I have nothing. Just a large and wide television. Lahat ng pelikula, teleserye, o series ay napanood ko na. May iba na hindi ko naman gusto.

"Naiintindihan ka namin Ma'am Eithne. Pero kami naman ang mapapahamak kapag pinagbigyan ka namin," ani Hiroshi sa malungkot na singkit nitong mga mata.

"Please? Pampalipas oras lang oh."

"Ako po, puwedeng ako na lang? Kahit pampalipas oras mo lang," banat ni Gael.

"Huwag n'yo na lang kasing ibalita kay Darkkon. Mabilis lang naman kami," Milen supported me.

"Ma'am Eithne, kapag kami namatay," babala ni Cecelion.

"Saglit lang naman," I pouted.

I hope this will work. Nagpapaawa na ako sa kanila pero hindi sa nakikipaglandi na paraan. Malayo naman sila sa akin habang nag-uusap kami. Sana makuha ko sila sa aking malumanay na ekspresyon. They have sympathy.

"Go ahead, bǎobèi."

All of us got stunned and silent when we turned our heads to Zixuan who spoke and gave me permission to go out. He was currently standing near the closed door.

Sinulyapan ko si Milen na nakatayo sa gilid ng aking kama. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata.

What did Zixuan call me? I can't quite tell. Perhaps it's another Chinese word for 'woman' or 'milady'? Because of the accent. Kagaya noong una n'yang tinawag sa akin.

"Zixuan? What the fuck, bro? What did you just call her?"

"Mas mauuna ka pa'ng mamatay kaysa sa amin, pre! Tang ina!"

"Confidante ka n'ya. Hindi magandang biro 'to, pre."

Hindi ko maintindihan ang naging reaksiyon nila Cecelion, Gael, at Hiroshi. Galit na naiinis. Their handsome faces were twisted into a grimace and frowned.

Umaangal sila sa kung ano man ang tinawag sa akin ni Zixuan. Ayaw din nila ang ideya na pinapayagan ako nito na umalis.

"He can't hurt me. He needs me," kampanteng sagot ni Zixuan sa kanila.

The three calmed themselves and turned to look in my direction. As usual, I was sitting on the bed.

"Ma'am Eithne, sige na po," Cecelion gently said.

"Milen, tatlong oras lang ha. Ibalik mo kaagad s'ya rito," Gael was strict.

"Close the door after. May pag-uusapan lang kaming importante," pahabol ni Hiroshi.

Lumabas kami ni Milen at pansin ko ang mariing tingin ni Zixuan na sinusundan ako. It was just a look of nonchalance.

Nang nakalabas kami ni Milen ay s'ya na mismo ang nagsara ng pinto. We were side to side when we started walking in the corridor.

Inayos ko ang suot na brown loose sweatpants. Medyo nagusot kasi ito sa pagkakaupo ko kanina sa kama. Bahagya ko ring ibinaba ang laylayan ng suot kong kulay puting slim-fit tank top.

An area on my lower abdomen was exposed. Mas nadepina pa ang liit ng baywang ko dahil sa suot.

I started a word. "Ano'ng nangyari? Bakit gano'n ang reaksiyon nila sa sinabi ni Zixuan?"

Aroused Darkkon (Sartori #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon