Kabanata 14

295K 5.3K 8.2K
                                    

Kabanata 14

Out

"S-Si Smoke at Blackburn? Huwag n'yo silang iwan, please! Kunin n'yo sila!" pakiusap ko sa kanila paglabas ko ng silid.

Kakaligo at bihis ko lang nang nakarating kami sa bahay na ito. Gawa sa matibay na kahoy.

It's a one storey forest cottage with two bedrooms. One for me, and one for Milen. 'Yong tatlo ay hindi ko alam kung saan matutulog.

Gamit namin ang isang lumang sasakyan na pick-up sa pagtakas. May maliit na kalsada rin naman kasi sa kalagitnaan ng kakahuyan. Maraming nilikuan at nadaanan namin bago nakarating dito.

Zixuan volunteered himself to stay in the Rozovein Castle to keep Luciana under restraint. Kaya kaming lima lang ang nakatakas bago pa man dumating ang paramilitary ng Private Armed Forces.

"Kapag nakaalis na po ang mga militar. Babalik po kami roon at kukunin sila. May nag-iimbistiga pa po kasi sa kastilyo at hindi kami puwede'ng mahuli." Magalang na paliwanag ni Gael.

Nakaupo silang tatlo sa sofa ng sala. They just fixed the furnace of the forest cottage. We need heat, it's getting cold and the day just got replaced by the eerie night.

I discovered that the forest cottage has its own solar that generates electricity installed at the back area of the roof.

There's a chimney, but they refused to use it. Tamad silang maghanap ng kahoy panggatong, at baka raw may makahanap sa'min dahil makakagawa ito ng usok.

"Bakit hindi sumama sa atin si Zixuan?" I asked.

"Wala'ng nakakaalam na kasama s'ya sa pagtakas sa'yo mula sa headquarters, Ma'am Eithne," sagot ni Cecelion.

"Nakisali s'ya sa pag-iimbestiga. At pinapaikot n'ya ang isip ni Luciana," dugtong ni Hiroshi.

"B-Bakit hindi n'yo na lang din sinama ang bangkay ni Darkkon sa'tin? Nang sa gano'n ay tayo na lang ang maglibing sa kaniya." A soft sob escaped from my throat.

Kanina pa ako hindi matigil sa paghikbi at iyak. Mabuti ay nasa tabi ko lagi si Milen at pinapagaan ang pakiramdam ko.

"Ma'am Eithne, matatagalagan tayo. Babagal ang kilos natin at baka maabutan pa tayo ng mga militar," dahilan ni Gael sa malungkot na boses.

Bakit tila hindi sila naaapektuhan sa pagkawala ni Darkkon? Hindi siguro sila close? Kaya parang wala lang sa kanila ang nangyari? Baka normal na sa kanila dahil sa trabaho nila? Baka nasasaktan talaga sila pero patago lang dahil takot silang mahusgahan na lalaking tao umiiyak?

"I-I just want to see him. . . touch him one last time." My lips trembled.

Marahan akong niyakap ni Milen at bumulong sa akin.

"Huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat. Hindi pa sa ngayon pero kalaunan ay gagaan din 'yan."

"A-Ang sakit kasi kung kailan may nararamdaman na ako para sa kaniya ay saka pa s'ya mawawala."

Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang leeg habang kayakap ito. Hinahagod n'ya ang aking likuran. Marahan sa paraang mas nakakapagpaiyak sa akin.

"Wala tayong magagawa kung 'di tanggapin ang nangyari," Milen let out a sigh of exhaustion.

"Kapag hindi natin tatanggapin ay patuloy ka lang na masasaktan," I heard Hiroshi added his comfort words.

"Huwag kang mag-alala, Ma'am Eithne. Malalampasan mo rin 'to. Pagsubo lang ang lahat." Gael was sincere.

"Pagsubok 'yon, bobo!"

Narinig ko pa ang tunog ng pagsapak ni Cecelion kay Gael. Napadaing pa si Gael.

Aroused Darkkon (Sartori #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon