Kabanata 12
Break
"Hindi ba puwede'ng tumae na lang ng pera? Kapagod na magsikap."
"Milen. . . I'll give you money. Just help me, please. Tulungan mo akong makaalis dito nang hindi nalalaman ni Darkkon," nanghihina kong pakiusap.
It's been two weeks since it all happened. Nakatulog ako sa loob ng tatlong araw dahil maraming dugo ang nawala sa'kin. I was still recovering.
There are professional doctors and nurses part of the Private Armed Forces' Paramedics. They are called Army medics or Combat Medics Specialist and Corporal too. Sila ang gumamot sa akin. Milen explained it to me. Kaya alam ko.
Sa kaso naman ni Luciana ay hindi naman gano'n kalala ang kaniyang natamo. 'Yong patalim kasi ay hindi naman inalis sa kaniyang tagiliran kaya wala'ng masyadong dugo ang nawala sa kaniya.
While me? Sinaksak at binunot ang patalim. Hindi pa kaagad natakpan o nilagyan ng pressure upang pigilan ang dugo sa paglabas.
Ngayon ay maayos naman na ako. Nakakatayo na at nakakaalakad pero pinagbabawal pa rin ang kumilos masyado. Dahil kakagaling lang ng tahi ko sa tagiliran.
Today, all I have is Milen to comfort me and take care of me. Ni hindi ko nakita o nakausap si Darkkon simula noong nagising ako.
Kasalukuyan akong nakaupo sa kama habang nililigpit ni Milen ang isang tray ng pinagkainan kong almusal.
"Eithne, puwede kitang maitakas dito pero hindi rin magtatagal at mahahanap ka rin n'ya," malungkot na saad ni Milen.
"May kilala ka ba? Na makakatakas sa akin dito?" Desperada na talaga akong makawala rito.
"Oo, kaso namumuhay na ang isa sa kanila sa Pilipinas. Iyong magkakapatid na babaeng Montalvo. Si Aoife, ayaw n'ya nang masangkot sa ganito. Si Aine naman ay nagtatago. Kung 'di sinabi ng tatlo ang tungkol sa kanila ay hindi ko malalaman," mahabang salaysay n'ya.
"Kaibigan mo sila?" I asked.
"Yeah, they're the Private Armed Forces' assets. Mas magaling pa sila sa pakikipaglaban at imbestiga kaysa kay Ate Luciana. Nakasabay ko na rin sila sa mga training," pagmamalaki n'ya sa kanila.
I would love to meet them. Pero hindi ko pa naman sila nakikilala, marinig lang ang kanilang pangalan ay ang gaan na sa pakiramdam. Maybe they're good people like Milen.
Huminga ako ng malalim nang naalala ang dahilan kung bakit naghahanap ako ng paraan upang makaalis dito.
"Binisita man lang ba ako ni Darkkon dito?" banayad kong tanong.
Milen stiffened after placing the tray at a nearby table. Nakabawi rin s'ya at hinarap ako.
"Hindi. . . abala s'ya sa pag-aalaga kay Ate Luciana," napatungo ito at tumitig sa sahig.
Sumikip ang aking dibdib. "I'm his girlfriend? Nasaksak din naman ako. . . Bakit gano'n? Hindi n'ya ba alam?"
"Sinabihan na nila. Mukhang naniwala s'ya sa sinabi ni Ate Luciana. Sinaksak mo raw s'ya," aniya.
My nose wrinkled in displeasure.
"Nag-iisip ba s'ya? Saan naman ako nakakuha ng patalim kung ako nga ang sumaksak kay Luciana? Bakit nasaksak ako? Hindi ba s'ya nagpa-imbestiga?" Nahaluan ng galit ang hinanakit sa aking puso.
"Sabi ni Ate Luciana ay sinaksak mo raw ang sarili mo para hindi ka mapagbintangan. Tapos tinulungan ka n'ya pero sinunod mo raw s'yang sinaksak kaya naiwan ang kutsilyo sa kaniya dahil lumayo s'ya kaagad sa'yo." Nagkibit balikat s'ya na tila ba ay hindi n'ya pinapaniwalaan iyon.
BINABASA MO ANG
Aroused Darkkon (Sartori #4)
RomanceWARNING: If your humor doesn't match with the characters' humor in this story, please quit reading immediately! Darkkon is not the typical cold male lead! Thank you! ... Sartori #4 "Darkkon. . . got aroused for me." Darkkon, the eldest of them four...