Kabanata 36

206K 6.1K 7.2K
                                    

Kabanata 36

"Drugo, Diablos, Damien. . . Kapag nai-rescue na 'yong presidente at kung may mangyari mang masama sa misyon na 'to. . ." I couldn't finish my words.

Tila may bumabara sa lalamunan ko na nagpipigil sa akin sa pagsasalita. Umaatras ang dila ko pero pinilit ko ang sariling ipagpatuloy ang sinasabi.

"Pwede bang pagtulungan n'yo si Darkkon na makaalis sa lugar?"

Kaming apat lang ang narito sa Conference Room. Iyong mga asawa nila ay nasa kanilang mga kuwarto pa, nag-aalaga ng mga bata. Darkkon is not here, he's busy with taking care of Baby Lilith as he worked in his laptop. He's always answering calls and responding messages from his emails.

Walang nakakaalam na inaya ko sila rito. Nagkataon lang na nakasalubong ko sila sa koridor kaya naisip kong makipag-usap sa kanila. May dala pa silang pagkain para sa mga anak at asawa nila. Suot nila ay simpleng plain black tee shirt at black pants.

Bakas sa kanilang mukha at mariin na tingin na hindi sila sang-ayon sa sinabi ko.

"Tang ina, magwawala 'yon. Baka bugbugin kami," nakasimangot na saad ni Diablos.

"What do you mean, Eithne?" Drugo asked politely.

"I know the place. I heard my father told me about it. Kuta iyon ng mga terorista. . . sobrang delikado. Marami sila," marahan kong paliwanag.

"Magpapaiwan ka?" Damien asked me with concern on his face.

Hindi ko inaasahan na ganito sila kabait sa akin. Akala ko ay suplado at masungit sila. Kung mag-alala sila ay parang tinuturing na rin nila akong kapatid. I still couldn't believe that I have these Italian Filipino men as my brothers in law.

Lahat naman silang magkakapatid ay mababait sa asawa ng kapatid nila, at kaswal lang din sila makitungo. May boundaries din naman sila. Makikita talaga ang deperensya sa pakikitungo nila sa iba. Pagdating kasi sa mga asawa nila ay napaka-clingy nila, at sunod-sunuran din sila. They're so whipped.

"Kung hindi kakayanin na makaalis ako. . . wala tayong magagawa. Kailangan kong magsakripisyo," malungkot kong pahayag.

Umiling si Damien. "Hindi papayag si Kuya Darkkon, Eithne. Hindi ka iiwan no'n."

"He will get mad at us," Drugo said with strictness.

I let out a heavy sigh. "Gagawin n'yo naman 'to para sa kaniya. Hindi puwedeng magpapaiwan din s'ya. Dapat may isa sa amin na makaligtas."

Sana ay maintindihan nila ako. Medyo mahirap kasi ang misyon na ito. Kapag nanlaban ako para sumama sa kanila, marami ang pipigil at baka ay hindi pa sila makaalis sa lugar.

"Ipapalit n'ya ako sa presidente. Makukuha n'yo na ang presidente. Kung susubukan kong tumakas at sumama sa inyo ay pipigilan nila tayo. Hindi kayo makakaalis kung pipilitin natin na sumama ako," giit ko sa seryusong mukha.

Napahawak si Damien sa kaniyang baba at tila nag-iisip. Malalim din ang iniisip ni Diablos. Si Drugo naman ay mukhang buo na ang desisyon at hindi ito sang-ayon sa akin.

"Kailangan kong magpaiwan para makaalis kayo nang ligtas," I could feel my throat tightened with the words that took all my courage just to say it.

They're not convinced yet. Kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Mahigit tatlong daang terorista ang nagtatago at nagkalat sa gubat na 'yon," I added.

Akala ko ay hindi ko sila makukumbinsi pero nagkaroon ako ng pag-asa nang nagsalita ang bunsong Sartori.

"Okay-"

"What the fuck, Damien? Bakit ka pumapayag? Bahala ka sumalo sa galit ni Kuya Darkkon," Diablos said angrily.

Aroused Darkkon (Sartori #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon