Kabanata 2
Three
"Shay! Nahuhuli ka sa pag-ikot!"
"I said head up when you do that action, Mona!"
"Oh my God! Jen, how many times do I have to tell you that you have to watch your hand in motion!"
"Micha! You're forgetting your position!"
"Travel! Travel! Aliyah! Chin up!"
"Just what the effing, Janelle! Nagpapahalata ka masyado na lumilipad na naman ang utak mo!"
Hindi na natigil sa pagsigaw sa amin ang baklang choreographer. Lahat sila ay lutang na sumasayaw at mali-mali pa 'yong timing. Para silang nabibingi at hindi naririnig ang tugtog ng panibago naming gawa na kanta.
They're distracted and I know why. Kaming dalawa lang ni Raeka ang nakakakuha sa tinuturo ng choreographer. Kahit nga itong baklang choreographer ay nakakalimutan pa ang mga tinuturo sa amin.
"Water break, girls!" stress na sabi ng baklang choreographer.
Lalapit na sana sa akin ang buong miyembro ng DALA dahil halatang may gusto silang itanong pero nag-unahan sila sa paglayo at naupo sa ibang puwesto sa gilid ng studio nang lumapit sa akin ang Close Protection Officer ko.
"T-Thanks," sambit ko nang tinanggap ko ang water bottle na inilahad nito sa akin.
Habang umiinom ako kay sinuyod n'ya ang kaniyang nakakatakot na tingin sa buong studio. May salamin na sakop ang buong pader sa sobrang laki. Kitang-kita ang repleksiyon naming dalawa. Maikukumpara ko talaga na hanggang ibabang bahagi ng balikat n'ya lang ako. I never felt this small my whole life.
I handed him my water bottle and went back to continue our dance practice.
"Uhm, where's my personal assistant?" I asked with hesitation.
"You don't need her, ma'am. It's a risk. She might be working for your stalker," sabi ni Darkkon sa kaniyang seryuso at nakakatakot na boses habang nagmamaneho ng kotse ko.
"Sino ang mag-a-assist sa akin?"
"Ako, ma'am."
Wala akong ibang masabi. Nakakatakot kasi talaga ang madilim n'yang presensya. Mas nakakatakot at delikado pa s'ya kaysa sa stalker ko.
Sa pagkakaalam ko ay pagbabantay at maging proteksiyon lang ang kaniyang trabaho. Bakit ngayon ay naging alalay ko na rin ito?
Nakatulog ako buong biyahe patungo sa estate na pag-aari ng ama ko. Nakakapagod na at madalas kasi noon ay mag-isa lang akong umuuwi. Ako lang din ang nagmamaneho.
This is the first time someone drove for me, except for some events or concerts to attend. Dahil nasa iisang sasakyan lang ang buong DALA n'yan at may personal driver ang P-Pop girl group na ito.
Sakto namang paggising ko ay malapit na kami. Pareho kaming tahimik at nakatutok naman ako sa cellphone ko.
Kinakabahan talaga ako kapag kaming dalawa na lang. Nakakatakot naman kasi ang kaniyang presensya. Iyong tipo na tumitigas na ang katawan ko sa puwesto ko.
Nang nakarating kami sa estate ay hinatid n'ya pa ako sa silid ko.
Hinarap ko s'ya at kabado nang pinakiusapan ko.
"P-Puwede'ng dumito ka muna sa kuwarto ko mamayang alas diyes hanggang alas dose? Gano'ng oras kasi susulpot 'yong stalker ko," nangangatal kong sabi.
Tumango lang s'ya at lumabas na.
Minsan pumapasok sa isip ko na baka s'ya iyong stalker ko? They have the same height. Kahit ang kanilang boses ay may pagkakahawig iyong paraan ng pananalita at ugali lang ang may pagkakaiba. But their personalities are different. Malabong s'ya iyong stalker ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/367261332-288-k759023.jpg)
BINABASA MO ANG
Aroused Darkkon (Sartori #4)
RomanceWARNING: If your humor doesn't match with the characters' humor in this story, please quit reading immediately! Darkkon is not the typical cold male lead! Thank you! ... Sartori #4 "Darkkon. . . got aroused for me." Darkkon, the eldest of them four...