Kabanata 33

252K 10.8K 10.8K
                                    

Kabanata 33

I took a deep breath as I entered the room where Darkkon was resting. Ayon sa sinabi nila sa akin ay hindi pa rin s'ya nagigising simula no'ng natapos ang operasyon sa kaniya.

Natatakot akong lumapit sa kaniya at pinagmasdan na muna ito. Ang daming nakakabit sa kaniya. He was half naked and some parts of his body were wrapped in bandages. May takip na oxygen mask sa kaniyang bibig at ilong.

Dalawang araw din akong nagpagaling simula no'ng nagising ako at nalaman ko ang buong nangyari. Nagpursige talaga ako dahil gusto ko nang makita si Darkkon. They won't let me see him if I'm not in a good condition.

I was currently holding our baby. Mahimbing na natutulog si Lilith sa mga braso ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama ni Darkkon.

Malapit nang mag-isang buwan at hindi pa rin nagigising si Darkkon. I was slowly shaping my body back to its shape. Nag-eensayo ako upang mapabalik din ang dati kong lakas. Araw-araw akong naghihintay at nag-aabang na magising ito.

We're in the headquarters of the Private Armed Forces that was based in Israel. Wala'ng nakakaalam sa lokasiyon na ito maliban na lang sa mga nagtatrabaho para sa Private Armed Forces. They have headquarters in every country. Malayo ang headquarters sa lugar na ginawang battleground ng Israeli authorities sa pang-aatake nila. Kaya nahihirapan ang Private Armed Forces na tumulong sa mga biktimang sibilyan na hanggang ngayon ay naiipit pa rin sa giyera.

The headquarters have a training area, shooting range, gym where I use my free time to workout, offices, underground prison, sleeping quarters, private rooms and more. I thought we were in someone's house that day when I woke up. Sa bahagi na ito ng headquarters ay para sa mga VIP person lang.

"Eithne. . ."

Kasalukuyan akong nag-aalaga kay Baby Lilith nang pumasok si Dr. Yvanita sa kuwarto. I was staying in a separate room from Darkkon.

"Yes?" I said while carrying my little queen in my arms. I just finished breastfeeding her.

"Gising na si Darkkon."

Naestatwa ako sa ibinalita nito. Nang nakabawi ay lumapit ako sa kaniya.

"Pwedeng pakidala na lang kay Baby Lilith sa kaniya?" pakiusap ko.

"'Di mo ba s'ya pupuntahan? Ayaw mo ba'ng makipag-usap sa kaniya?" nagtataka n'yang usisa.

"M-May kasalanan ako sa kaniya. . . ang kapal naman ng mukha ko kung magpapakita ako sa kaniya. Napahamak pa s'ya dahil sa'kin-"

"He wants to see you," she said.

"I don't know, Yvanita," I bit my lip in fear. "I just can't show my face. I'm embarrassed."

"Ikaw at ang anak n'yo ang una n'yang hinanap nang nagising s'ya," pangungumbinsi nito.

"Baka kasi galit pa rin s'ya. Baka kailangan n'ya rin ng space-"

"Galit talaga s'ya nang una n'yang nakita paggising n'ya ay ang pagmumukha ni Zixuan at 'yong tatlong consigliere," tawa ng doktora.

Siguro ay nahahalata n'ya ang takot at nerbiyos na nararamdaman ko kaya dinadaan n'ya sa biro.

"Pinapatawag ka n'ya. Puntahan mo na. Kawawa naman," bakas ang awa sa kaniyang boses.

Kinakabahan talaga ako. Habang naglalakad patungo sa silid ni Darkkon, sa isip ko ay nag-pa-practice na ako ng linyang sasabihin ko sa kaniya. Magpapaliwanag ako. Hihingi ako ng tawad.

Malalim ang bawat paghinga ko at may bigat sa bawat paghakbang ko. Napapadalas din ang pagbuntong hininga ko.

Baby Lilith stares at my face with her big greenish grey eyes while she's nibbling her tiny hand. She's just one month old, and I know that her vision is still blurry under development as she grows.

Aroused Darkkon (Sartori #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon