Kabanata 20

281K 6K 9.8K
                                    

Kabanata 20

Depressed

"Bakit ang tagal n'yong nakumbinsi si Eithne na umalis? Muntik na akong mamatay! Ang daming dugo ang nawala sa'kin!" asik ko sa tatlong consigliere matapos akong ginamot ni Zixuan.

Zixuan and I have medical experience. We need it in our every mission before, and so we learned. Upang hindi kami mataranta kung sakaling may masugatan o nag-aagaw buhay sa amin ay alam namin kung ano ang gagawin.

Totoong nawalan ako ng malay no'ng araw na 'yon. Hindi na rin pag-aarte ang ginawa kong pamamaalam kay Eithne. Dahil pakiramdam ko ay malalagutan na talaga ako ng hininga sa mga oras na iyon. Kinabahan ako, tang ina.

Kung sinusuwerte nga naman. The bullet did not go deep in my chest. Thanks to the bulletproof vest, it was ultra thin undershirt covert body armor. Para lang itong sando sa ilalim ng long sleeves ko, at hindi halata. Lagi akong nagsusuot nito. Maliban na lang kapag dinadalaw ko si Eithne bilang stalker.

"Bahala na mamatay, mapasakanya lang 'yong babae. Bano pa, bugok pa."

"Ang lala. Tawag diyan ay 'katangahan'. Synonym ay 'kabobohan'."

"Bakit parang kasalanan namin? Kasalanan mo 'yan. Nanisi pa."

Pinanliitan ko sila ng mga mata, at madilim na tinignan. Kung makapagsalita at sermon ang mga ito ay para ba'ng magulang ko sila? Sila ba sumasahod sa akin? Ako nagsasahod sa kanila. Hintayin lang nila na gumaling ako. Pagbubuhulin ko mga braso nila.

Ang tapang kasi alam nila na hindi pa ako makakagalaw. Ganiyan sila sa tuwing may malubhang sugat ako kaya madalas akong bumabawi kapag magaling na ako.

Malamang at nakakapagsalita sila ng ganiyan sa akin. They're the consigliere. I hired them to give advice, and tell me what's good or better choices to choose. Especially when they know how to weigh things. Pero nasa akin pa rin naman ang desisyon.

"'Yan ang napapala sa mga mang-aagaw ng crush. Muntik ka na maging kuwento. Nadamay pa tayo," Hiroshi began.

"Akala ko ba mga Sartori ay hindi nagbe-beg? Ano 'to, Boss?" May pagdududa sa boses ni Gael.

"Sabi ni Boss Damien may nasabi ka raw. 'A true man is patient and knows how to wait.'" Cecelion said.

Lagi na lang talaga silang may masabi. Mabuti na lang talaga at nakahiga sila habang nakabenda ang kanilang mga hita, binti, at paa. Siobhan shot them.

"Galing mag-advice. Hindi naman ma-apply sa sarili n'ya," pangungutya ni Zixuan.

"Are you all fucking scolding me? Did you forget who I am?" I glowered.

I scowled. Magkasalubong ang makakapal kong kilay. Nanahimik sila nang naramdaman ang bakas ng galit sa aking boses. Except for Zixuan.

"Tang ina n'yong apat. Ako na lang lagi naglilinis sa mga gulo n'yo. Huwag naman kayong padalos-dalos," reklamo ni Zixuan na s'yang sumagip sa amin.

"Kasalanan ni Boss Darkkon. Nagpahuli ba naman sa mga tauhan ni Luciana," Hiroshi blamed me.

"Bakit 'di n'yo pinigilan? Kayo 'yong may tamang pag-iisip," Zixuan bluntly said.

Nandilim ang aking mga mata. "Sinasabi mo ba, Zixuan? Na kulang ako sa pag-iisip?"

He looked at me blankly. "Oo, naulol ka na simula noong pumunta ka sa concert n'ya."

Umalis na lang ako roon sa kuwarto ng kastilyo kung saan nagpapahinga at nagpapagaling ang tatlo.

Bumalik ako sa aking silid at doon nagsimulang magtrabaho. Tinutunton ko ang lokasyon ng pinakamamahal ko. Nakakainis lang dahil hindi ko ito mahanap.

Aroused Darkkon (Sartori #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon