Kabanata 7
Run
Hindi natuloy. Pumikit kasi ako at naramdaman n'ya ang pangangatog ko.
Two weeks, but the time feels so slow. Pakiramdam ko tuloy ay isang taon na akong namamalagi rito nang hindi lumalabas sa silid na ito. Maayos na ulit ang pakikitungo ko sa kanila. The mood swings were gone after my period. Hindi na rin ako nag-iinarte.
Wala namang nangyari sa loob ng nakalipas na mga araw. Hindi pa rin naaayos ni Darkkon ang koneksiyon ko sa aking mga kamag-anak.
Sinubukan n'ya rin na gamitin ang kaniyang sariling account pero kahit s'ya ay hindi makontak ang ama ko.
Ang hirap, at 'di ko na talaga natiis. Kaya nabuhayan ako nang dinalaw ako ulit ni Milen ngayong gabi.
"Gusto ko lang sanang lumabas kahit saglit lang. Dalawang linggo na rin ako rito sa loob ng silid na 'to. Kahit mamasyal lang sa headquarters ay hindi puwede," I ranted in front of my friend.
"Okay! I'll help you! Basta babalik din tayo kaagad dito sa headquarters ah? Kalahating oras sa labas, sapat na ba 'yon?" she said.
"Yes, thank you!" Nagliwanag ang kaninang malungkot na ekspresyon ko.
"Make sure that you'll wear thick clothes or hoodie jacket. Baka nakakalimutan mo'ng nasa Baguio tayo. Papasyal lang tayo saglit sa kakahuyan," paalala n'ya nang dumiretso ako sa closet dito para magbihis.
I did not regret having her as a friend. Cecelion, Gael, and Hiroshi are my friends too, but their job is to keep me inside the room by entertaining me.
Darkkon would just visit me at least once or twice a day to check on me and have a little conversation. Naiintindihan ko dahil ang sabi nila ay abala raw si Darkkon sa paghahanap ng solusyon upang mahuli ang stalker ko.
Kasalukuyang kumakain ng hapunan sila Cecelion, Gael, at Hiroshi. Aabot ng isang oras pa bago sila babalik sa silid ko. Kaya hindi nila kami mahuhuling tumakas dahil bago pa man sila babalik ay nakabalik na kami.
"This way," Milen instructed and I followed.
Alam n'ya ang mga pasikot-sikot dito sa headquarters, at ginamit namin ang backdoor sa paglabas ng gusali.
Humahagikhik kami habang tumatakbo palayo nang may isang taga-bantay na naglalakad sa paligid. Muntik na kaming matamaan ng ilaw sa hawak nitong flashlight.
It was like in the action movies, the headquarters' base was constructed in the middle of the woods here within Baguio. Pinapalibutan ito ng mga matatayog na puno na karamihan ay pine tree.
Dark shadows from the trees, and the faint moonlight that infiltrate the tenebrosity of the woods. The atmosphere was bone-chilling. I could feel goosebumps when the night's cold wind blew past me.
Creepy, but exciting at the same time. Hindi naman kasi ako matatakutin sa dilim.
Ingay ng tuyong dahon sa bawat yabag namin ang gumambala sa katahimikan ng kakahuyan.
"Muntik na tayo do'n ah!" Napahawak ako sa kaniyang balikat dahil sa pagod ng pagtakbo.
"Akala ko kasi wala'ng magbabantay sa bahaging 'yon!" tawa ni Milen.
Nabigla ang katawan ko na walang masyado'ng ginagawa. Ang bilis kong napagod kahit na nasa dalawang minutong pagtakbo lang naman iyon.
"Paano kung mahanap ka ng stalker mo rito ano'ng gagawin mo?" she asked.
Gumala kami sa paraan ng mabagal na paglalakad habang tinatanaw ang taglay na ganda ng gabi.
"Hindi ko alam. Baka tatakbo ako," sagot ko at pilit inaalis sa isip ko ang huling nangyari sa estates.
BINABASA MO ANG
Aroused Darkkon (Sartori #4)
RomanceWARNING: If your humor doesn't match with the characters' humor in this story, please quit reading immediately! Darkkon is not the typical cold male lead! Thank you! ... Sartori #4 "Darkkon. . . got aroused for me." Darkkon, the eldest of them four...