Kabanata 4

52.4K 2.7K 2K
                                    

Kabanata 4

Cried

"I-I miss Cecelion, Gael, and Hiroshi! Why did you send them away for a week? Sinabi ko ba'ng paalisin mo sila, ha? Darkkon?" galit kong pakikipag-usap sa Close Protection Officer ko.

"Magiging doble ang bayad mo. Sila lang ang magbabantay sa'yo kapag wala ako." He sounded so unfriendly.

Hinarap ko ang aking manager sa aking tabi. "Sila ang gusto kong magbantay sa akin. Ms. Via, do something."

"Pasensya na, hija. Wala tayong magagawa. Inirekomenda s'ya, at nasisiguro ang kaligtasan mo sa kaniya," pag-iling ni Ms. Via.

Ang inis at irita sa aking dibdib ay lalong nakapagpabigat sa aking nararamdaman.

Binalik ko ang tingin kay Darkkon. Napapatingala pa ako halos dahil sa sobrang tangkad nito.

I angrily pointed my index finger at him as I talked to my manager. "Huh? Kaka-trabaho n'ya pa nga lang! Um-absent na! Kakagaling n'ya pa lang sa day-off!"

"Hindi na ako a-absent, ma'am," kalmadong sabi ni Darkkon.

"Akala ko ba dadagdagan ang bodyguard ko? No'ng una ay wala ka namang sinabi na sila ang magbabantay kapag wala ka. Sabi mo pa nga ay mas mabuting dagdagan ng tatlo," pangangatuwiran ko.

Sino'ng hindi mauurat at mayamot sa kaniya. I was already enjoying the three bodyguard's company yesterday. Nagulat na lang ako na paggising ko ngayong umaga ay wala na sila. Pinaalis n'ya raw muna.

Kahit papaano ay nawala sa isip ko ang kahihiyan sa nadiskubre kagabi. My stalker saw me rubbing myself and I couldn't move on the part when he offered me his hands.

Mabuti na lang talaga at umalis s'ya. Kung hindi s'ya umalis no'n ay baka tinanggap ko na ang kaniyang alok na tulong. Nawawala na ako sa katinuan.

Inirapan ko si Darkkon at nagmaldita sa kaniyang harap. Ano naman kung mas matangkad at dominante s'ya tignan kaysa sa akin?

He's hot, but I won't show him that I like him. Mas madali ang kainisan na lang s'ya.

"Ms. Via, kakausapin ko lang ang alaga n'yo nang kaming dalawa lang," he strictly demanded.

I got suddenly nervous. "A-Ayaw kong makipag-usap sa'yo."

"Eithne, para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan ay kailangan ng kumunikasiyon sa isa't isa. Huwag nang maghanap ng gulo, hija," Ms. Via was convincing me.

"Fine," I gave up.

Pinanood ko ang pag-alis ni Ms. Via. Lumabas s'ya ng silid ko.

Suot ko pa rin ang isang pares ng kulay abo na pyjama. Kakagising ko pa nga lang kanina. Matapos kong magbanyo para umihi, maghilamos, at magsipilyo ay bumungad sa akin si Darkkon para ibalita sa akin na pinaalis n'ya ang tatlo. Hinanap ko kasi sila at iyon ang sinagot n'ya. Pinaalis n'ya.

I feel safe with Cecelion, Gael, and Hiroshi. But I can't deny this strong feeling whenever Darkkon is around. Mas ramdam ko ang kaligtasan kapag nasa paligid ko lang si Darkkon.

Kaya nakakainis lang isipin na kinailangan n'yang ipagpaliban ang pagbabantay sa akin para lang mambabae sa meeting na iyon?

"Ma'am, pasensya na talaga. Kailangan kasi talaga ako sa meeting na iyon," mariin n'yang pagdadahilan.

"Narinig ko ang sinabi nila. May kasama kang babae at lumalandi ka lang naman. Mas importante pa ba 'yan kaysa sa trabaho mo? Binabayaran kita ng tama. Inaaksaya mo ang pera ko," mataray kong sagot.

His eyes hardened on me. "Hindi po ako nakipaglandian, ma'am. May sulat po iyong Private Military Company para ma-excuse ako sa trabaho."

"Buo na ang desisyon ko. You're fired. I want Cecelion, Gael, and Hiroshi here," tinalikuran ko s'ya at inayos ang nagusot na duvet ng kama ko.

Aroused Darkkon (Sartori #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon