The construction started, kaya naman mas lalong naging abala sila Zillex. May pagkakataon na dinadala ako sa site para makita ang progress ng pinapatayo ni Declan.
I walk into the building, carrying my things as I walk towards Zillex. He saw me but he didn't say a word and kept on working.
As I followed him around, I noticed how coldly and distantly he was acting towards me. It hurt to see the man who once loved me treating me this way, but I couldn't help but feel like I deserved it.
Hindi ko naman siya masisisi kung ga’non nalang ang pakikitungo niya. Ngunit tila hindi na ako nasanay sa ganitong akto niya, palagi nalang naninibago.
“Saan ko pwedeng ilagay ‘to?” turo ko sa mga box na dala.
Kababalik lang namin galing sa site, ni hindi ko pa alam ang gagawin ko dahil halos si Zillex ang nag salita ng nag salita d’on natatakot naman akong sumabat dahil baka magalit siya sa akin.
Zillex still ignores me, so I just place it on the table. Sinulyapan niya lang ako at tumingin sa nilapag ko bago nagpatuloy sa ginagawa.
Nabuntong hininga ako at pinanood siya. Mas gusto ko yung sinusungitan niya ako kesa yung wala siyang imik.
“May maitutulong ba ako?” pagsubok ko sa pag-uumpisa sa pag-kausap sa kanya.
Kahit singhalan niya ako ngayon ay okay lang, ayoko ng tahimik. Pakiramdam ko ay mas lalo siyang lumalayo kapag hindi niya ako kinakausap. Pero kung palagi niya akong napapansin ay alam kong may epekto pa’rin ako sa kanya.
“No need, baka pumalpak pa.” he said nonchalantly.
Imbis na masaktan ay natuwa pa ako dahil kinausap na niya ako, kahit na insulto para sa iba ang sinabi niya.
I cleared my throat and peek on what he's doing. Namangha pa ako ng makitang ang mga binubuklat niyang desenyo ng bahay. Bago sa paningin ko kaya alam kong hindi kay Hans ‘yon.
Sa sobrang lapit namin ay naaamoy ko ang panlalaki niyang amoy na humahalo sa natural niyang amoy.
Hindi pa’rin nagbago katulad ng dati. He’s scent still calm me.. kahit ilang taon na ang lumipas tila kabisado ko pa’rin ang amoy at init na dala ng katawan niya.
“U-Uhm.. k-kukuhanin mo ba ang mga disenyo ko?” muli kong tanong sa kanya.
But I never expected him to answer akala ko ay hindi niya talaga ako papansinin.
“No. You're just here as Hans substitute, ang disenyo niya ang gagamitin. So, don’t bother to sketch again.” malamig niyang sagot at umatras para lumayo sa akin na tila ba ay may nakakahawa akong sakit.
Hindi na ako kumibo kahit natigilan sa sinabi niya. So the sketch I made for almost two weeks ay wala ng silbi?
Bakit hindi nila sinabi sa akin? Hindi ‘rin naman ako nagtanong kaya kasalanan ko ‘din.
My chest feels heavy because of what he said. Ibinuhos ko ang lahat ng oras sa pag sketch ko, I want to make him proud of me. Excited pa akong ipakita sa kanya ‘yon, but mas maigi na itago ko nalang.
Sigurado namang mas maganda ang gawa ni Hans kumpara sa akin.
“B-But.. u-uhm, can I… s-share my ideas too?” mahina kong tanong, puno ng pag-asang sana ay pumayag siya.
Ngunit agad na nawala dahil sa naging sagot niya. “What for? Declan is already okay with Hans' ideas.”
Binasa ko ang ibabang labi at napatango na lang sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang malungkot dahil gusto ko ‘rin makita ang sariling gawa, pero mukhang imposibleng mangyari.

BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)
RomanceCOVER FROM PINTEREST A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious m...