Chapter Cinco

23 8 0
                                    

ELIZABETH POINT OF VIEW

We entered the classroom at pumunta sa kanya-kanyang upuan. I sighed at the scene we saw outside, on the ground.

Come to think of it, ang pag patay sa tatlong guro na 'yon ay intentional, parang there's someone na holding some grudges towards them? Parang may ayaw sa kanilang tatlo? Who could be that person? What he/she did is very brutal and inhumane.

This is not just a murder. Para bang tinuruan ng leksiyon. It's like a warning.

Tinignan ko ang mga kasama ko. Imposible namang isa sa amin ang may gawa noon. Una kong tinignan si Michaela. Ang bubbly niyang tao, innocent, sweet, malambing, mabait, may takot sa Diyos. So, no, hindi naman sa pinag sususpetsahan ko siya, hindi ko makita na gagawin niya 'yon. Walang rason because she have respect sa mga tao kahit pag salitaan pa siya ng hindi maganda.

Sunod naman ay si Narcy. Anong aasahan ko diyan bukod sa tamad naman ang babaeng 'yan? Wala akong makitang motibo sa kanya upang gawin 'yon. Ang tanging ginagawa niya lang naman ay ang matulog sa klase kapag inaantok pero mabait naman siya, malakas ang loob, nambabara minsan, nakakatawa siya, wala minsan sa isip pero matalino naman. Pero alam ko namang hindi niya naman magagawa ang ganoong bagay na against sa kanya. Mas pipiliin pa niyan mag kape o 'di kaya ay manood ng anime. Isa pa kasama ko naman ang dalawang umuwi kagabi except kay....

Tumingin ako kay Annabella, tahimik lang siya na nakatingin sa may bintana. Parang palaging malalim ang iniisip. Minsan nga nahihirapan kaming pasayahin siya o pangitiin. Once in a blue moon lang, may panahon lang, ganon. Hindi mo mababasa o malalaman ang laman ng kanyang isipan dahil minsan parang ang layo niya kahit kasama niya kami. Mapili siya sa mga taong kakausapin o kakahalubilo-in. Ayaw niya sa mga taong may hindi magandang ugali o sabihin natin na mababa para sa kanya ang mga taong baliko ang pag-iisip. Last night, siya lang ang hindi sumama sa amin. I gulped, hindi naman siya yata ang may gawa noon. We know that she's kind kahit ganon ang aura niya, na kahit wala siyang vibes tulad ng amin.

Bakit ko ba iniisip ang ganitong bagay? Bakit ko ba kailangan na malaman kung may kinalaman ba sila sa nangyari? Parang... ang kinalabasan noon, wala akong tiwala sa kanila. Ako? Hindi ko naman yata magagawa ang bagay na 'yon. Mamamatay muna ako bago ko gawin 'yon. May dangal ako, may prinsipyo.

Bahala na. Alam kong mahahanap ang taong may gawa niyan.

Dahil sa tagal ng tingin ko kay Annabella, naabutan niya akong nakatingin sa kanya na siyang ikinataas ng kanyang kilay. Siguro nagtataka siya kung bakit.

'What?' she mouthed.

Inilingan ko lang siya at alanganing ngumiti sa kanya. She shrugged her shoulders off ang laid her eyes again outside.

I'm being paranoid.

Ni hindi ko namalayan na natapos ang klase sa buong kalahati ng araw sa pag-iisip. Recess na pala. Nagsisimula na ring magsi-alisan ang iba kong mga ka-klase. Tumayo na din ang tatlo kaya nag ready na lang din ako baka mag mukha na ako ditong statue sa upuan ko.

Inangkla ni Michaela ang kanyang kamay sa aking braso, at naglakad palabas kaya nagpatinaod na lang ako habang ang dalawa ay nasa likod namin.

"I can tell that something is bugging you during classes today." Saad bigla ni Annabella.

Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.

"Ah, uhmm... wala naman. Problem lang sa bahay, you know," tumawa pa ako ng hilaw at tumikhim dahil alam kong mababakas niyang hindi ako nagsasabi ng totoo sa kanya. Ni hindi nga ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Ayos ka lang ba, Eli? Sabihin mo lang sa amin kung may maitutulong kami sa'yo." Michaela in her worried tone.

"Elizabeth, kung ano man 'yan, lilipad este lilipas din 'yan. Huwag ka masiyadong mg overthink," sabi naman ni Narcy.

Shit. Nakaka guilty naman. Puwede ko naman kasi sabihin ang totoo sa kanila. Bakit kailangan ko pa mag sinungaling. But there's a part of me na hindi sabihin kasi ayaw kung isipin na wala akong tiwala sa kanila. I'm so disappointed of thinking that way.

I have trust issues pero grabe naman kung pati mga kaibigan ko, pagdududahan ko? Hindi na yata tama 'yon.

"Don't lie to me, Elizabeth. I know what you're thinking, I can read your facade even your actions. You don't have to lie or make lame excuses. It won't work on me. You're lacking on that part while I mastered that field. Clearly, vividly, you're thinking about the commotion we saw today, outside. Then you're thinking too who's behind the killing. After, you observed us, Narcy, Michaela, and me. If it would be possible na isa ba kami sa krimeng nangyari. You're doubtful. That's why, now, you can't say the reason when I asked you that question. Am I right, Elizabeth?" said Annabella.

Napatungo na lang ang ulo ko dahil sa narinig ko. Alam ko namang wala akong takas. Nahinto kami sa paglalakad. Naluluha ao dahil tama naman siya, malapit ko na silang paghinalaan.

"Totoo ba 'yon Eli? Bakit mo naman naisipan 'yon? Puputi muna ang uwak bago ko pa magawa 'yon." Nagtatampong saad ni Michaela.

"Elizabeth, hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa iniisip mo. Hindi ko lang ma expect din na bakit humantong ka sa pag-iisip ng ganiyan. Hindi lahat ng oras ay pagdududahan mo ang taong nakapaligid sa'yo. Sinasaktan mo lang ang damdamin nila nang hindi mo muna inaalam," Narcy.

I didn't expect na maraming nasabi si Narcy pero, oo na, umandar lang ang pag overthink ko.

I inhaled deeply.

"S-sorry for acting that way. Alam kong mali ang nagawa ko. Nadala lang ako sa situation. Hindi ko lang mapigilan ang mag-isip kung sino ang may gawa noon. I guess I went overboard na pati kayo nadamay. Sorry talaga," naluluha kong sambit sa kanila na Punong-puno ng pagsisisi.

"Save your sorry. I don't need that," Annabella answered looking nonchalant and walked away.

Bumuntong hininga si Narcy at Michaela sabay tingin sa akin.

"Sa susunod, huwag mo na uulitin 'yon. Nakakatampo, nakakasakit." Michaela laced with disappoinment on her voice

"I won't. I swear." Sabi ko habang nakataas ang palad na parang nangangako.

"Tara na nga," Narcy.

I sighed in relief. But then, I don't know if Annabella will still talk to me after what I did.

------------

Note : Busy, that's why ngayon lang ulit nag update.

QUADROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon