NARCY'S POINT OF VIEW
Tinatamad ako pumasok. Sana hindi ako kulitin ni Elizabeth ngayon. Sandali nga, let me check my phone baka may nag message sa akin or sa group chat naming apat.
QAUDRO
Michaela : Guys, good morning!
Annabella: Morning
Wow ang tipid naman.
Elizabeth : Breakfast na kayo. Pasok kayo today, lalo ka na Narcy.
I replied her.
Narcy : Tinatamad ako. Hindi me makatulog ng maayos kagabi, ang ingay nila dito eh. 😑
✓ message delivered
Haysss, ayaw ko pa bumangon. Mag coffee na lang me, every day routine ko. Hindi complete day ko kapag walang kape. Coffee is life, you know.
Nag simula na me mag ready para sa school. Sana hindi na ako antukin today. Baka mapagalitan na naman ako ng teacher.
Bumaba na ako galing kwarto, pagkababa ko, hala, inutusan agad ako ng Ate.
"Narcy, bili ka doon nga tinapay."
"Ate, ma late na ako. May kape na ba?" Balewala kong sabi.
"Sabihin mo, tinatamad ka lang. Oo, andiyan na. Baka maubusan ka pa niyan."
Ayon, oh. Akala ko pipilitin niya ako utusan. Ang bait niya today, mga madlang people.
Pagka inom ko ng kape, napapikit ako. Woah, energized na ako. Kumpleto na araw ko ngayon basta may kape. Nyehehehehe~
Baka nagtataka kayo kung bakit ganito ako, wala lang, trip ko lang. Walang i-epal, ha? Ayaw ko masira ang mood ko.
After a few minutes, lumabas na ako sa bahay para magbantay ng masasakyan papunta sa school. Buti na lang may dumaan na tricycle.
"Manong, sa Academy po," magalang kong sabi sa driver. Alang naman hindi, di ba?
Dumating na ako sa school. Alam niyo ba kung ano ang tumambad sa akin? Taong nagkukumpulan sa may field. Na curious tuloy ako. Papasok na sana ako, saktong dumating ang tatlo. Sina Annabella, Michaela, at Elizabeth.
"Narcy, bakit maraming students sa labas?" tanong ni Michaela sa akin.
"Ewan ko. Pupuntahan ko sana eh kaso nakita ko kayo,"
"Tara, puntahan natin," sabi ni Elizabeth.
Narinig namin ang bulong-bulungan habang papalapit kami.
"Hala, anong nangyari sa kanila?" Chismosa 1 este student.
"Sino kaya may gawa nito sa kanila? Ang brutal naman." Chismosa 2
Nang tuluyan na kami nakalapit, malapit na akong masuka sa aking nakita. Nanlamig ako sa aking nasaksihan. Hindi maaari. Kahit sabihin ko mang favorite ko ang ganito ngunit iba pa rin kapag sa actual mo na nakikita. Nangangamoy na sila. Ano kaya ang nangyari at umabot sa ganito?
Tinignan ko ang aking mga kaibigan ko, Nakayakap si Michaela kay Elizabeth habang umiiyak at nanginginig. Si Elizabeth naman ay pilit na iniiwas ang tingin. Sunod na tinignan ko ay si Anna, mariin lang siyang nakatingin, parang wala lang sa kanya, hindi nandidiri. Parang may kakaiba sa kanya or imagination baka lang imagination ko ito. Parang pinag aaralan niya. Maya-maya ay ngumisi siya.
Nalito ako kung bakit siya nangiti.
"Tsk. I never thought that this will happen? Sino naman kaya ang pangahas na gumawa nito? What do you think, Narcy?" Bigla niyang sabi at tumingin sa akin. Napalunok ako dahil parang kinakabahan ako sa sinabi ni Anna.
"H-hindi ko alam, Anna. Malinis siguro pagkagawa ang kung sino man gumawa nito," sagot ko sa kaniya.
May mga dumating na mga pulis at ambulansya. Pinatabi muna kami upang suriin ang mgakatawan na nakahandusay sa field. Grabe, ano kayang kasalanan nila at umabot pa talaga sa ganito? Is this a murder? Intentional ba ang pagkagawa nito? Halata naman, parang may malaking galit ang gumawa nito ngunit sino? Student ba? Teacher din ba?
"Narcy, stop overthinking. Let the authorities do their job," sabi ni Anna na. "Wala tayong maitutulong sa kanila."
"STUDENTS, GO TO YOUR ROOMS NOW! I REPEAT, GO TO YOUR ROOMS NOW!" sabi ng isang teacher.
"Let's go. I don't want you to witness this bloody scene." sabi ni Anna sa amin kaya lumayo na kami doon at napag desisyonang magpunta na sa classroom.
Sinusundan lang namin si Anna. Ang tahimik niya ngayon, hindi niya kami masiyadong napupuna. Bago, ah. Ngunit napahinto ang aming paglalakad ng may kung sinong nilalang ang humarang sa daraanan namin. Tiningnan ko, si Hanz. Crush ni Michaela. Tiningnan ko naman si Michaela, ayon nangningning ang mga eyes, hinahampas niya si Elizabeth sa kilig.
"Morning," bati niya sa amin or let's say kay Anna dahil sa kaniya lang naman ito nakatingin. Hmm, I smell something fishy sa lalaking 'to.
"Likewise. Do your job since you're an SBO." Anna. Nilingon niya kami, "Morning daw sa inyo. Michaela, binabati ka ni Hanz."
Pffft Hahahaha Ito talagang si Anna, pinapaasa si Michaela. Ang isa, aton kilig to the bones kasi nauto.
"H-hi, Hanz. Magandang umaga!" bati ni Michaela na namumula na ang pisngi. Nginitian siya ni Hanz, aton nasobrahan pa ang pagkapula sa pisngi.
"Morning, Hanz," Elizabeth.
"Yo, Hanz," Ako.Tinanguhan niya kami. Nakita namin si Anna na nagsimula ng maglakad muli, bale nasa third floor kami. Nakita kong sinundan ng tingin si Anna ni Hanz. Ang tingin niya ay parang may gusto siyang malaman or parang weird ang paningin niya kay Anna. Na observe ko lang.
Tumanaw siya pababa kung nasaan ang katawan ng mga teacher. Mala detective pala itong kaibigan namin. Ngunit, nakita kung unti-unting umangat ang gilid ng labi ni Anna. Pinilig ko ang ulo ko baka nagkakamali langbako sa nakita ko, i-binalik ko sa kanya ang tingin na ngayon ay nakasimangot sa akin at nagtatanong ang knyang mukha. That's weird.
"Hey, tara na! Iiwan ko kayo dito, ha? Bagal niyo," sabi ni Anna at nauna na sa amin kaya kumaripas kami ng takbo para sundan siya at naiwan si Hanz na nakatayo at nakatanaw sa amin.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari ngayong umaga? Ang labis na katanungan sa aking isip ay, kung sino ba ang gumawa ng ganoog ka brutal? Posible bang nandito lang ang may gawa noon?
Ewan, marami na nga akong problema, dinadagdagan ko pa. Hayysss.
Akala ko sa TV ko lang makikita ang mga ganiyang karumal-dumal na pangyayari. Hindi pala, pati sa tunay na buhay, makakakita ako. Nakaka kilabot.
-----------
Vote. Comment.

BINABASA MO ANG
QUADRO
Mystery / ThrillerQUADRO. Iyon ang tawag sa squad nilang apat. They may have similarities and differences, tadhana na mismo ang nagbigay ng paraan upang sila'y magtagpo, makilala ang isa't-isa, maging mag kaibigan, and learn from each other. Hanggang saan? Hanggang k...