Chapter Siete

36 8 0
                                    


ANNABELLA'S

Recess was over. Hanz bid his good bye to us at iniwan na kaming apat.

Naiiling kong pinagmasdan ang tatlo lalo na si Michaela who's still blushing. Damn, ang lakas yata ng tama sa kanya ni Hanz. Is he that attractive? Chismoso naman 'yon.

"Oh, ano na? Tara na, baka ma late tayo sa susunod na klase. Pigilan mo muna ang kilig mo, Michaela. Sana lahat ba," saad ni Narcy.

"Tama na 'yan. Baka hindi pa maka recover si Micha niyan. Mamaya lagnatin ang batang 'to," tumatawang sabi ni Elizabeth.

"Let's go," I said at nauna ng maglakad sa kanila at naramdaman ko na lang na sumunod na sila sa akin.

"So... tell me, Michaela," panimula ko. "What's the feeling when Hanz told you that he don't have a girlfriend? Walang susugod na babae sa'yo. What's your answer to his proposal a while ago?" I said without looking at her. I chuckled softly.

"Hehehehe Siyempre, ano, Yes, I do." The three of us gasped unbelievably at her answer. Doon na ako lumingon sa kanya but I continue to walk backwards. Nakita kong binatukan siya ni Elizabeth. Napa daing siya.

"Anong "Yes, I do?" Eh hindi naman kayo ikakasal. Feeling ka din eh, no?" wika ni Elizabeth.

"Hanep ka, Michaela. Wala pa ngang kayo, maka "Yes, I do" ka naman," sabi ni Narcy.

"Kasi naman eh, feeling ko nag propose sa akin si Hanz. Kulang na lang ng singsing at pagluhod. Feeling ko nga perfect match kami," Michaela said dreamily.

Our face contorted because of what she said. Hulog na nga. I sighed.

Nakarating na kami sa classroom. Bumungad sa amin ang maingay naming mga ka-klase. Tsk, it's damn irritating. Their voices, it's so loud. Parang naka lunok ng microphone.

"WILL YOU LOWER DOWN YOUR VOICE?!" I snapped at them. Tumahimik ang lahat katapos kong sumigaw. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso sa aking upuan.

"Ang scary mo palang magalit, Belle. I will take note of that na hindi kita iinisin. Hehehehe Ayaw kong masigawan," saad ni Michaela habang naka peace sign.

I glared at her kaya napakamot siya sa kanyang batok.

"Sabi ko nga tatahimik na," habol niyang sabi.

NARCY'S POINT OF VIEW

Yo, welcome back to me. Life is coffee, coffee is life. Charot lang. Baka sabihin niyo matutulog nanaman ako? May chismis lang ako, okay? Update ko lang kayo para naman hindi kayo huli sa balita.

So, ito na nga. Hindi ako natatakot kay Anna. Ops, walang kokontra. Hindi naman kasi siya multo para katakutan. Hello, duh, tao siya. Pero, ito na talaga.

Si Anna kasi, napapansin ko na ang tahimik niya kapag nakakasama namin si Hanz sa pagkain. Ito namang si Michaela, sobrang halata naman na may crush kay Hanz the Hanzel. Si Elizabeth naman, normal lang. Ako? Heto, sumasagap ng chismis, nakaabang sa gilid-gilid.

On the serious note, bakit kaya namatay ang tatlong teacher? Sa pagkakaalam ko wala naman yatang may galit sa kanila. Kahit naman siguro magsalita sila ng masasakit na salita, hindi pa rin 'yon makatarungan.

"Ano nanaman ang iniisip mo diyan, ha?"

Nabigla ako nang nagsalita si Elizabeth. Nilingon ko siya habang nakahawak ako sa aking dibdib.

"Ginulat mo naman ako, Eli. Tiyaka, iniisip ko lang kung anong kape ang maiinom ko mamaya pagka uwi ko sa bahay," palusot ko kay Elizabeth.

Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata. Parang ayaw maniwala sa mga sinabi ko sa kanya.

"Hoy, totoo ang sinasabi ko, ano? Ano naman iisipin ko pang iba eh minsan nga nawawala ang isip ko," depensa ko pa sa aking sarili.

"Okay. Malalaman ko din naman 'yan," ngumisi siya sa akin.

"Parang ewan naman si Eli, eh. Bahala ka kung ayaw mong maniwala," nagtatampo kong sabi.

"Shhh, marinig ka pa diyan ni Annabella, eh." Pagpapatahimik sa akin ni Elizabeth.

Sinunod ko siya at tumahimik na lang sa gilid. Ako kaya si Narcy, mabait na bata, matulungin sa kapwa, masunurin, at higit sa lahat, men, maangas ako. *Winks* Kunwari may tumitili na mga ano, babae o lalaki? Hmm... Kahit sino na lang basta ako lang 'to.

Pero bakit muna ang tagal pumasok ng teacher? Baka siguro na traffic sa corridor. Or puwede namang nagpapa beauty. Siguro may ka chika pa. Ayos, ayos.

Sige, ibabalik ko na kay Anna ang POV niya. See you again!

ANNABELLA'S

Thank you, Narcy. Make sure na maayos ang sinabi kung hindi, alam mo na. Kidding.

At last, the teacher arrived.

Oh, Philosophy time for those who have Philosophical thinking that acts and think like a Philosopher. Wow. This is interesting after all, I will never get bored. This is Elizabeth's favorite subject too like me. Ewan ko sa dalawa.

"Okay class, today we're gonna be talking about freedom. Now, what is freedom for you? What freedom really is? Anyone from the class, yes?" Ma'am Philo said.

May kanya kanya namang sikuhan sa mga katabi, ang iba nahihiya, ang iba ibababa ang ulo para kunwari may ginagawa. If I know, iniiwasan lang nila ang eye contact ni Ma'am.

"No one?" Nilibot pa niya ang kaniyang tingin at saktong tumapat ang kaniyang mga mata kay...







Narcy. HAHAHAHA

"Ms. Cruz! Stand up and answer my question. What is freedom? What is freedom to you?"

Dahan-dahan na tumayo si Narcy sa kanyang kinatatayuan at humawak sa nape niya. Tumingin pa siya sa amin na wari'y pinapanood ang aming reaction.

Umubo-ubo muna siya bago sumagot kay Ma'am Philo.

"Well, freedom is someone's responsibility for having a freedom. You have the power to do what you want to do. However, hindi lahat sa pagkakataon ay palagi mong gagamitin ang karapatan mong maging malaya dahil lang sa may karapatan kang gawin ang lahat ayon sa gusto mo. Because of freedom, they could bend their thoughts, principles, and views para lang makamit ito. Sometimes we need to be responsible of our actions, we should know our limitations no matter how free we are. Hindi dapat ito inaabuso, this is your free will too to do things right, what is moral. We practice freedom not because of our own goal to aim, but to do our will," mahabang sagot ni Narcy.

Hindi naman makapaniwala ang mga ka-klase namin, pati na rin ng mga kaibigan namin. Humanga sila sa sagot ni Narcy. Akala nila siguro, puro tulog lang ang alam.

The teacher too can't believe it. Napa bilib siya sa sagot ni Cruz.

"Very well said, Ms. Cruz! You may now take your sit," Maam.

"Ang galing pala ng Narcy natin, Michaela, ano? Matalino," proud na sabi ni Elizabeth.

"Si Narcy na yata 'yan. Tulog pero makamandag kung sumagot," sabi naman ni Michaela.

"Keep it up," I shortly complimented her.

Kumibit balikat lang si Narcy na parang sisiw lang 'yon sa kaniya. Ang hangin, tangina.

Nagpatuloy na lamang ang klase at lahat naman nakikinig dahil talaga namang napaka interesting ang Philosophy. Marami kang malalaman at matututonan.

May 2 subject pa before lunch.

Nakinig na lamang ako at hinintay na matapos ang klase.

--------

Happy reading!

QUADROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon