Chapter Bente Dos

26 4 2
                                        

ELIZABETH

Huh? Hindi naman lang naubos ang pagkain ni Annabella. Hays, ano bang problema ng babaeng ‘yon? She's odd today. Hindi, siguro wala lang siyang gana. Then, saan naman kaya pupunta 'yon? Hindi ko siya kayang ma predict kung ano talaga ang mga gagawin niya.

“Your friend acts strange, isn't she?” Hanz suddenly said when Annabella was out from our sight.

Napalingon kaming dalawa ni Michaela sa kaniyang sinabi. Nag-tataka kung bakit ganoon ang kaniyang iniisip sa kaibigan namin. Para kasing nag-du-duda siya sa tono pa lang ng pananalita niya.

“Ano naman ang ibig mong sabihin doon, Hanz? What are you trying to point here?” Michaela said. Protective mode activated.

“Sometimes, I have this feeling that she's hiding something from you, from us. Sometimes, she speaks vaguely even when she responds too. Something's wrong, you know. If you're just going to observe her aura, her face, it's... I can't explain. She have this different look. I don't know if you understand what I am saying.” Hanz explained to us.

“Hanz, we're Annabella's friends. I think wala naman siyang tinatago sa amin. She may not that friendly to others but she's nice and kind to us. She cares for us. We don't want to doubt her by just your opinion towards her. Hindi kami papayag na ganoon ang tingin niyo kay Annabella.” I said with disappointed tone to Hanz.

Hanz' eyes widened and sighs. “Okay, I didn't mean it. I hope I'm wrong that she's not... like that. I hope she's really a good friend of yours.”

Before Michaela could answer, we heard the students outside screaming. Tumingin kami sa isa't isa at tumango. Nag-madali kaming tumakbo palabas ng cafeteria.

Nang nasa labas na kami, nakita namin ang mga estudyante na nag-ku-kumpulan sa ground. It seems that may tinitingnan sila. Just by their facial expressions, it's not good. Some looks horrified, some are looking unbelievably, some are shaking, even trembling.

“Tara, lapit tayo!” sabi ni Michaela kaya ginawa namin ang sinabi niya.

Tumakbo kami papunta sa may pinag-ku-kumpulan na mga estudyante. Habang malapit na kami doon, ramdam ko ang lagabog ng puso ko dahil sa kaba.

Si Annabella, nasaan siya? Sana nasa maayos lang siya na kalagayan. Sabi ko sa aking isip.

“Excuse! Excuse me!” pagpapatabi ni Hanz sa ibang students upang makalapit ng tuluyan.

Nang nakita na namin kung ano nga ba ang nangyari, nagulat kaming tatlo. I gasped and almost couldn't breathe. Michaela reacted the same way, although she's trembling. Hanz was bewildered too, he held Michaela's hand to calm her even his eyes focused to the student, a girl who's lying on the ground lifeless and bathing in blood.

Naawa ako sa sinapit ng estudyante. How could someone did this to her?! Sino nanaman ba ang may gawa nito? Pareho bang tao ang gumawa nito sa kaniya? Bakit? Ano nanaman ba ang rason ng taong ’yon? O baka naman nag-paka-matay siya? Students aren't safe anymore.

Pero galing siya sa rooftop? Ibig sabihin may nag-tulak sa kaniya? Mukha namang matino kasi siya, and she looked familiar to me. Isn't she one of those girls gossiping about Christina's death? Oh heavens! Ang gulo-gulo na sa utak.

Michaela still shaking that's why I side-hugged her to calm her down a bit. And I glanced at Hanz na tumingin sa rooftop, looking for answer or analyzing the situation happened. Sinundan ko ng tingin at parang may nakita akong bulto.

Huh? Sabi ko sa aking isip.

May tao pa doon? Shit! Ang mga kasama ng babaeng ito!

Bumitaw ako kay Michaela at kumaripas ng takbo para maka punta sa rooftop. Tinawag pa ako noong dalawa kong kasama pero hindi ko sila nilingon at pinansin. Ang kailangan ko ay makarating doon sa rooftop. Bahala na kung hingalin ako sa layo ng rooftop, ang importante ay may maabutan ako.

Pagkarating ko, hinihingal kong binuksan ang pinto para makapasok sa rooftop. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng tuluyan. Nakita ko namang walang tao dito pero may nakita ako kanina. Imposible na mawala ’yon agad.

Humakbang ako ng ilang beses para humanap ng maaaring may connection sa nangyari. Nilibot ko ang aking tingin. Tahimik dito, kaya siguro masarap tambayan. Mabigat pa ang aking paghinga na ako lamang ang tanging nakakarinig.

Sa muli kong pag-hakbang ay malapit na akong mapa-upo sa aking nakita. Nanlalaki ang aking mga mata at napatakip sa aking bibig habang umiiling sa nakita.

“A--Anong nangyari dito..?” sabi ko sa takot na nararamdaman.

Ang dalawang kasama ng babae ay naka bulagta sa sementong sahig, walang buhay. Ito ay may mga saksak ng kutsilyo sa kanilang katawan.

Bakit ba sinapit nila ito? Kung ganoon, sinadya ang mga pangyayari. Pero sino ang gagawa nito sa kanila? Sino ang tumulak sa kasama nila?

Biglang dumating ang dalawang hinihingal na si Hanz at Michaela kung saan ako naroroon. Bago pa man sila makapag salita ay nagulat din sila sa kanilang nakita.

“AHHHHHHHHH!!!” Michaela shouted at ito’y napa upo. Humagulhol siya ng iyak kaya nilapitan siya ni Hanz at pinatahan.

Tumingin muli si Hanz sa gawi ng dalawang estudyante na walang buhay.

“What the fvck is happening? Who did this to them?!” naguguluhang wika ni Hanz habang pinapatahan pa si Michaela.

“I-I-I don't know, Hanz... Pagdating ko dito, akala ko wala akong makikita na masama pero... nagkamali ako. Nakita ko sila dito na wala na talagang buhay, nasa ganoon na silang kalagayan, Hanz. To be honest, kaya ako pumunta dito because I saw someone up here kanina noong tumingin ka rin dito. Hindi mo siguro nakita pero ako, nakita ko. It's not an illusion or imagination. Alam kong may tao dito kanina.” mahaba kung pagpapaliwanag kay Hanz.

“Si-si Annabella, nasaan na s-s-siya?” sumisinok na sabi ni Michaela.

Yes, speaking of Annabella. Where is she? Alam niya bang may nangyari ngayon? I hope she's far from harm.

Biglang may narinig kami na ambulance na dumating sa aming paaralan kaya bumababa kami para sabihin ang nakita namin sa taas ng rooftop. Para ma-i-report namin since may dumating din na mga police.

What the hell is happening? I hope malaman na kung sino ang may kagagawan nito at ng makulong o maparusahan.

TO BE CONTINUED.

Shout out to everyone! My bad if I just updated this story only now. I was busy and couldn't find the motivation to write. However, I've come to realized that whatever the circumstances is, I should continue writing and continue this story even though it's not that good in everyone's taste. Thank you so much!

QUADROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon