MICHAELA
MATAPOS ang klase, agad kaming pumunta ni Elizabeth sa hospital upang bisitahin si Narcy. Kasama pala namin si Hanz dahil gusto niya rin daw kumustahin ang kalagayan ni Narcy. Hehe, ang sweet.
Hindi nga ako mapakali kanina dahil kasama namin siya. I mean, kinikilig kasi ako dahil napaka caring niya. Sumama din siya kasi gabi na raw at baka mapaano kami. No wonder kung bakit ko siya nagustuhan.
Ehehe. . . Sana malaman niya kung gaano ko siya ka gusto. Hindi naman siguro obvious? Na may gusto ako sa kaniya? Siguro, alam niya na. . .
Pagkarating namin sa hospital, nagtanong kami kung saan ang room ni Narcy sa may station. Pagkatapos ay agad namin ’yon pinuntahan.
Elizabeth knocked first kaya may nagbukas, ang guardian ni Narcy.
“Kayo ba ang kaibigan ni Narcy? Halika, tuloy kayo. Mabuti at gising siya,” sabi niya at pinatuloy kami.
Nakita namin si Narcy, gising nga. Agad siyang tumingin sa amin kaya kumaway kami sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang gulat ngunit nandoon naman ang smile niya.
“NARCYYYYY!” Sabi ko at pumunta sa kaniya upang yakapin.
“A-aray naman. . . Hindi naman sa'yo halata na miss mo ako,” cool niyang sabi.
Siguro nasobrahan ang yakap ko sa kaniya dahil nasagi ko yata ang mga sugat niya.
“Sorry. Miss lang kita ng sobra! Miss ka na namin eh. Kulang kapag wala ka!”
“Hey, Narcy. How are you?”
Bumaling ang attention ni Narcy kay Hanz. “Yo, Hanz! Medyo okay na ako. Malakas yata ako. May siyam akong buhay, don't worry!”
Humalakhak si Hanz sa sinabi ni Narcy, “That’s good!”
Lumapit naman si Elizabeth sa kinaruruunan namin ni Narcy. Umupo siya sa mono block chair.
“Narcy, we miss you na! Magpalakas ka, huh? Para makalabas ka na dito. I'm sure you're bored here.” Sabi ni Elizabeth habang hawak ang kamay ni Narcy.
“Bored na nga me here. Gusto ko na nga lumabas eh kaso parang hindi pa puwede. Kagigising ko lang eh. Sinabi naman siguro sa inyo ni Anna, ’di ba?” Tugon ni Narcy habang nakatingin sa amin.
“Oo! Ang daya nga niiya eh, hindi man lang nag chat na gising ka na pala.” Ako habang kumukuha ng aple sa lamesita niya kung saan nakalagay ang mga gamit at pagkain tulad ng prutas.
Tumahimik si Narcy saglit. Parang may iniisip at may gustong sabihin.
“Speaking of Annabella, why didn't she come along with us to visit Narcy?” Hanz
“Oo nga, bakit hindi niyo sinama si Anna?” Narcy
“She is tired daw eh kaya hindi lang muna sumama. Chat na lang kami sa GC to tell her about our visit.” Elizabeth
“Nagka usap ba kayo agad noong gumising ka? She's worried pero hindi lang halata. Siya kasi nag sabi sa amin, ’di ba? Na gising ka na. Na busy rin kaya hindi kami agad naka bisita.” sabi ko habang ngumunguya ng apple.
Umiling si Narcy. “H-hindi eh, medyo hindi ko pa kaya mag salita noong nagising ako. Inalalayan lang siguro ako noong gusto ko uminom ng tubig sa sobrang dry ng lalamunan ko.”
Pero itong si Hanz, ang weird lang. Guwapo pero may pagka weird. Kanina niya pa tinititigan si Narcy eh. Mamaya matunaw pa ’yan.
“May problem ba, Hanz?” Pukaw ko sa kaniya kaya tumingin siya sa akin.
Eh, wala munang kilig-kilig, ha? Seryoso.
Ngumiti siya at umiling, “Nothing. . . I was just in deep thought.”
“By the way, Narcy, alam mo na ba kung sino ang gumawa nito sa’yo?” Tanong ni Elizabeth sa maingat na tono.
Hindi muna nakapag salita si Narcy sa tanong ni Elizabeth. Parang nagdadalawang isip siya. Or siguro, inaalala niya kung sino.
“H-hindi ko makita ang mukha niya. Medyo malabo kasi ang mga mata ko dahil nawawalan na ako noon ng malay. Nakatalikod ako noong sinaksak ako eh pagkatapos ay sinubukan kong lumingon at sinaksak ako ulit ng tatlong beses bale apat lahat. Inaaninag ko siya pero hindi ko makita ng klaro.”
Nalungkot ako at medyo naluha sa narinig ko mula kay Narcy. Si Elizabeth naman ay tahimik na umiiyak. Habang si Hanz. . . ang lalim nanaman ng iniisip na siguro hindi ko na kayang sisirin sa sobrang lalim nito.
Sino kaya ang may kagagawan ng lahat? Posible sigurong iisa lang ang taong gumawa nito sa kaniya, sa tatlong guro, at tatlong estudyante at kay Christina. . .
TO BE CONTINUED.
BINABASA MO ANG
QUADRO
Mystery / ThrillerQUADRO. Iyon ang tawag sa squad nilang apat. They may have similarities and differences, tadhana na mismo ang nagbigay ng paraan upang sila'y magtagpo, makilala ang isa't-isa, maging mag kaibigan, and learn from each other. Hanggang saan? Hanggang k...
