Chapter Kinse

31 6 2
                                    

ELIZABETH'S POV

I'm very worried right now. Hindi ko alam kung ano ba talaga dapat ang maramdaman ko sa mga sandaling ito. I am confused and remain puzzled sa mga nangyayari.

Iniisip ko palagi, walang oras na hindi, kung sino talaga ang may kagagawan sa nangyari kay Narcy. Kilala ko ba? Kilala ba din ng mga kaibigan ko? Ano ba ang motibo niya at nagawa niya 'yon. Nakakasawang isipin at pa ulit-ulit na lang pero hindi ko maiwasan.

Magkasama kami ngayon ni Michaela. Hinihintay namin si Annabella. Hindi ko rin maintindihan kung bakit palagi may tension sa pagitan ng dalawa, si Hanz at si Annabella. Hindi ko alam kung may hinanakit ba ang kaibigan ko sa lalaking 'yon o sadiyang may rason kung bakit.

Mabait naman si Christina. Bakit kailangan agad tumaas ang dugo ni Annabella sa kaniya? Nakakapagtaka.

Pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang dumaan na selos sa mga mata ni Michaela. Alam ko, alam namin na may gusto, hindi, in love na yata kay Hanz.

Sino ba naman ang hindi magseselos sa eksena ni Hanz at Christina? Well, I'm not one of them because I'm in a relationship, low-key but not private.

Tumingin ako kay Elizabeth na malayo ang tingin, malalim siguro ang iniisip o hindi kaya ay iniisip niya ang nangyari sa cafeteria.

"Kumusta naman ang puso natin diyan? Ayos pa ba?" tanong ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin at nagbuntong hininga.

"Hindi ko alam. I'm having mixed emotions. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Naguguluhan ako. Sobra. Parang sasabog na ako." madamdaming sagot niya sa akin.

"Tapatin mo nga ako, Michaela. Nagseselos ka, ano? Kasi ramdam ko, nakikita ko. Nagseselos ka sa ginawa ni Hanz kay Christina. Tama?"

Dahan-dahan siyang tumango sa akin. She didn't deny.

"Wala naman akong karapatan na mag-selos, hindi dapat ako masaktan. Wala namang kami, eh. Wala namang sinasabi sa akin si Hanz na gusto niya rin ako. Ayaw ko rin umasa na magkakagusto siya sa akin. He's giving me sometimes mixed signals. Ayaw ko 'yon bigyan ng meaning," malumanay niyang sagot sa akin.

I put my arm around her shoulders and she leaned on me.

"I don't want to say it's okay but I do know how it feels. Nakaka-inggit, nakakapag selos, minsan nakaka-irita, nakakagalit, 'yong feeling na ayaw mong may magkakagustong iba sa kaniya, ayaw mo ng may kahati dahil akala mo mahahati ang attention na ibibigay sa'yo. Gusto mo na ikaw lang ang pansinin niya. Partida, wala pa kayo niyan, ha? Like, wala pa kayong relationship pero grabe na kung maka bakod. I don't know if ganito ang nararamdaman din ng iba. This is just based sa nararamdaman ko noon." mahaba kong sabi kay Michaela.

"Ayaw ko umabot sa ganiyang sitwasyon. Sasaktan ko lang siguro ang sarili ko kapag naging ganiyan ako. Bahala na si Batman o Levi Ackerman." Michaela said and deeply sighed.

Tumawa ako ng mahina sa huli niyang sinabi. Sandali kaming natahimik at siguro pareho na rin kaming nag-iisip.

"Nasaan na kaya si Annabella? Saan kaya nagpunta ang babaeng 'yon? Ang hilig niyang mang-iwan," pagkaraan ng minutong sabi niya.

"Nandiyaan lang 'yan. Mamaya babalik din 'yon. Nagpapalamig lang 'yon ng ulo." sabi ko sa kaniya.

"Kumusta na kaya si Narcy? Kailan kaya siya gigising? Ang haba na siguro ng panaginip ng babaeng 'yon. Hindi ba siya tinatamad sa hospital bed kakatulog?" Tanong ni Michaela.

Natawa ako sa sinabi niya. Speaking of Narcy, we missed her. Hindi pa namin ulit siya nabibisita. Gusto ko siyang gisingin sa mahaba niyang tulog. As if madali lang 'yon. It's just that I want to know and I want to ask her kung sino may gawa noon sa kaniya. I am very curious and intrigued.

"Elizabeth, what if hanapin natin o hindi kaya alamin natin kung sino may gawa noon kay Narcy? Kung iisa lang ba ang taong may gumawa noon sa tatlong teacher." Michaela said eagerly like she really wanted to know who's behind it.

"Michaela, as much as I want to but let's not put ourselves in danger, okay? May tamang oras para diyan. Huwag tayong padalos-dalos, Ibañez. Dapat handa talaga tayo kapag ginawa natin 'yon. And mind you, let's not decide without Annabella's opinion or her say about that. Alright? "

"Hmm, naiintindihan ko. Kailan ba ulit natin bibisitahin si Narcy babes?"

"Maganda siguro kung mamayang gabi kaso wala pa si Annabella para sana makasama siya sa atin mamaya. Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa classroom. Let's wait for her there." Tugon ko kay Michaela.

She nodded right away and we immediately leave.

"Utang na loob, Annabella, balik ka na."

ANNABELLA'S POV

I know they're looking for me, I just sense that. They don't have to find me, look for me kung nasaan man ako. I'm just inside the school's premises, wandering, hiding.

Rooftop

Nakahiga ako sa semento, nakatingin sa asul na langit. Tinaas ko ang kanan kong kamay na para bang inaabot ko ang kalangitan ngunit napaka imposible mangyari. I have to die first. Napatawa na lang ako sa iniisip ko.

Why can't I for once live peacefully? Why can't I for once be truly happy? Why can't I for once be normal, live normally?

Here we go again, overthinking.

I closed my eyes and feel the solitude for a moment. A lone tear escaped in my right eye.

Napag desisyonan kong tumayo upang sana bumalik sa classroom. Paalis pa lamang ako ay may narinig akong nag-uusap. Babae at Lalaki.

Due to my curiosity, dahan-dahan kong tinahak kung saan nanggagaling ang mga boses. Napahinto ako nang nakita ko si Hanz at Christina.

My eyebrows furrowed, later on, I smirked. Interesting, isn't it?

"I hope hindi ka magtanim.ng sama ng loob sa kanila lalo na kay Annabella," Hanz said while looking expectantly at Christina.

Oh? Why now I'm involved? Tsk.

"Bakit mo ba ipinagtatanggol 'yon? May gusto ka ba sa kaniya, Hanz? Nakita mo naman siguro kung ano ang ginawa niya at ang mga sinabi niya sa akin. Acting cool when in fact she's not. Acting cold, nonchalant, hindi naman bagay." Christina said, clearly with anger and hatred.

Oh, so you hate me? Well, thank you for that.

"Hey, don't say that. She's just like that. And I don't like her, okay? Don't make it a big deal, please? I will talk to her para mag sorry sa'yo. Is that okay with you?" Hanz said in a little bit sweet tone.

I rolled my eyes. Pathetic

"Bakit? Sino ba gusto mo? Wala ka namang nagugustuhan, right? Because... Because I like you so much, Hanz."

I pretended to be shocked, I even covered my mouth. Hmm, my guess was right.

Bago makapag salita si Hanz, hinalikan na siya ni Christina. You know what's worse? She kissed his f*cking lips.

Of course, nagulat si Hanz.

Ano kaya ang magiging reaction ni Michaela kapag ipinakita ko 'to sa kaniya? Or kung siya mismo ang narito sa kinatatayuan ko, na siya mismo ang naka subaybay sa pangyayari.

That must be hurt, so bad.

Before I left the scene, kinuhanan ko muna sila ng litrato.

A remembrance...

TO BE CONTINUED.


Finally! After 3 or 4 months, nakapag update na ako. I hope may nagbabasa pa nito. You know, it's hard when you are experiencing writer's block. Still, I'm thankful na may naghihintay pa rin sa update ko.

I hope you like it! Let me know your thoughts too about the story. I am willing to read some feedback (if meron man)

Hello, Chizmosa de Familia & QUADRO!

QUADROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon