Chapter Katorse

58 8 0
                                        

MICHAELA'S

Break na namin ngayon at narito na kami sa aming puwesto. Nakaka stress at nakakagutom dahil sa ginawa namin ngayon. Nagpa quiz kasi agad 'yong bagong History teacher namin. Surprise kumbaga sa term.

Wala pa si Hanz dito, hindi namin siya kasama. Ewan ko kung nasaan na 'yon. But there's a fact na hindi pa rin natatanggal ang kilig na nadarama ko. Akalain niyo 'yon, nagkausap kami ng matagal kahit sa chat lang. Kuntento na ako doon kung tutuusin. Labi-labis na 'yon sa akin.

Sandaling uminit ang pisngi ko nang maalala kong sinabi niya sa akin.

"For sure, because of your beauty, maraming pipila sa'yo those who admire you. We never know, I will be one of them ;)"

Talaga nga namang nagpagulong-gulong ako sa kama ko kagabi, sinipa-sipa ko pa ang mga paa ko sa ere. Sumigaw ako habang nakatakip sa bibig ko ang unan para hindi ako marinig nila Mama. Malapit na nga akong mahulog sa sahig eh.

Napakurap ako nang biglang pinitik ni Belle ang kaniyang daliri sa harapan ko.
Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko.

"You're spacing out again, young lady. Hanz is here already with that Fernando," sabi niya sa medyo mababang boses.

Pagkasabi na pagkasabi noon ni Belle sa akin ay tumingin ako sa may harapan na kanina ay bakante pa ito.

Agad tumama ang tingin ko kay Hanz na nakatingin pala sa akin, more like nakatitig at may matamis na ngiti sa kaniyang labi. Napangiti na din lang ako at medyo nag-init ang mukha ko kaya tumungo ako, kunwari kakain.

Narinig ko siyang tumawa kaya mas lalo tuloy uminit ang mukha ko, for sure I'm blushing na. HUHUHU Tama na 'yan, Hanz. Stappittt~

Biglang nagsalita itong si Elizabeth.

"Ah, Christina. Meet our friend, Annabella."

"Ah, Hahahaha Oo, nakabanggaan ko siya kanina. Medyo nagkausap na din kami ni Anna." Sabi ni Christina kay Elizabeth at tumingin kay Annabella na may ngiti.

Ito namang si Annabella, kung makatingin kay Christina, parang babalatan ng buhay. Huminga ng malalim si Annabella. May panghuhusga niyang tiningnan si Christina.

"Yeah. I'm surprised that she's our classmate. My bad for not recognizing you. But please, don't call me Anna. We're not close to call me that way. Only Narcy can call me that. Ayos ba?"

Napawi ang mga ngiti namin sa sinabi niya. Nakita ko namang medyo lumunok si Christina at tumango ng mahina. Ngunit parang may nababanaag ako sa kaniyang mga mata. Hindi ko malaman kung ano 'yon. Siguro guni-guni ko lang 'yon.

"I know Christina. She's part of our council. A representative. Your friends know that, actually." Hanz suddenly said it to Belle.

Tumawa si Annabella sa kaniya but you can't find any humor in her laugh. Bigla itong nagseryoso.

"Thank you for the information, Mr. Hanz. That's helpful." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain.

Biglang tumayo si Christina at tumingin sa amin at ngumiti ng maliit.

"Mauuna muna ako sa inyo, ha? Punta lang ako ng office namin sa council." Sabi ni Christina na nagmamadali sa pagligpit ng kaniyang gamit.

Bago makaalis si Christina, nahawakan pa siya ni Hanz sa kamay niya upang pigilan ito. Napatingin ako doon. Hindi ko alam pero parang hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. Feeling ko, nasasaktan ako, nagseselos. Kasi, kung titingnan, napaka gentle ang pagkahawak niya kay Christina. Saglit akong nainggit. Sana ako ang hinawakan niya, sana ako ang pinigilan niya.

Tumingin naman si Hanz kay Belle at tumayo, tumingin na may hindi makapaniwalang tingin. His jaw is clenching, gritting his teeth so tight. Halos muscles sa mukha ay naggagalawan.

"That's enough, Annabella! You're rude. Why do you have to be harsh on her? I thought your nice even though--- I am so disappointed." He said while shaking his head as if he was really disappointed to Belle.

Kami? Ito pinapanood si Belle. Hindi siya natinag sa sinabi ni Hanz. Honestly, ngayon lang at first time kong makita na ganito si Hanz. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Naiipit ako, kami ni Elizabeth.

Tumawa si Belle, walang tunog na tawa. Tinakpan niya ang kaniyang mukha. You'll assume na umiiyak siya pero tumatawa talaga 'yan. Biglang siyang tumayo habang seryoso na ang aura niya.

Tumingin siya kay Hanz. Masamang tingin.

"It's not my fault. I didn't do anything. I am just being honest. And me? Nice? Mali yatang impormasyon ang nakuha mo. Mali ka din ng akala mo. Sorry to disappoint you too but if you're the one who will disappoint me in the future or anytime, say your last words early to your love ones." May laman ang kaniyang sinabi kay Hanz but it's making me confuse. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? May kinalaman ba kami diyan?

Nilipat naman niya ang tingin kay Christina. Tumingin ng malalim na parang hinahalukay. Pagkatapos ay umalis ng walang paalam kaya sinundan namin siya ni Elizabeth.

Habang hinahabol namin si Belle, napahinto ako dahil parang may hindi ako gustong maramdaman. Kapag tuwing ganito, o kapag may pangyayari na may taong aalis, may nangyayari, may nababawiang buhay.

Paano kung 'yon talaga ang kaso? Baka si Bella na ang susunod? Si Elizabeth? A-ako? Hindi, hindi maaari.

"MICHAELA!" Sigaw ni Elizabeth sa akin kaya tumingin ako sa kaniyang gawi at tumakbo papunta sa kaniya.

"Nasaan na si Belle? Saan siya nagpunta? Elizabeth?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko siya naabutan dahil tumakbo siya. Hindi ko alam kung siya nagpunta. Baka---" Hindi niya na ituloy ang kaniyang sasabihin dahil agad ko siyang niyakap. Alam ko na kung ano ang iniisip niya. Siguro, baka matulad si Belle sa nangyari kay Narcy. Naiintindihan ko siya.

Saan ka ba nagpunta ulit, Belle? Sana'y hindi na maulit muli ang nangyari. Parang na realize ko kasi na simula noong namatay ang tatlong teacher, nangyari muli ito. Kay Narcy naman, nakaligtas nga pero comatose.

Sana maintindihan ni Hanz na iba si Belle sa amin. Sana hindi siya magalit sa akin. Ayaw kong magbago ang pakikitungo niya sa akin. Alam kong imposible pero sana lang talaga hindi.

Kahit hindi niya ako magustuhan bilang isang babae, kahit kaibigan na lang, ayos na 'yon.

SOMEONE'S POV

I chuckled. That girl is really bad in acting. Seriously, she needs some practice so she could be good at it. I grinned and an idea came into my mind. I nooded my head accordingly. That's really, really great. My hands are itching again to go hunting a prey.

Well, my prey is a weakling. HAHAHAHAHAHAHA! Oh, I would love to hear screams, cries, and blood. That's more fun.

TO BE CONTINUED


You can vote and comment. Let me know your thoughts!

QUADROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon