Chapter Dose

27 8 0
                                    

ANNABELLA'S

NANDITO ako ngayon sa hospital room ni Narcy. Wala dito ang guardian niya, iniwan lang muna ako to give me some privacy.

Nilapitan ko ang kinaruruunan niya, sa kaniyang hospital bed. She looks peaceful. May nakasabit sa kaniya na oxygen. Kawawa naman siya.

I touched her face smoothly, hanggang sa napunta 'yon sa may ilong kung saan naka plugged ang hose ng oxygen. Nilayo ko ang kamay ko dahil baka hindi pa maka hinga.

"How are you? Are you enjoying your sleep? Are you going to wait your true love to kiss you and wake you up from your sleep? Sad to say, you don't have prince charming to save you from your demise. When are you going to wake up? The two missed you so much, me too. You know what, Hanz made a move kanina kay Michaela. Hanz carried the books para hindi mabigatan si Michaela. He's pa fall, Narcy. What am I going to do? Baka masaktan si Michaela. Umasa ng tuluyan. I don't want that. No, walang dapat manakit sa inyo," I said like I'm talking to her and a lone tear escaped in my right eye.

I wipe it off. Why am I crying? This is not so me.

Biglang bumukas ang pinto, nakita kong pumasok ang guardian niya. Ngumiti siya sa kin.

"May dala akong pagkain. Kain ka muna bago umalis." she offered. Oh, ang bait naman niya.

"Naku, huwag na po. Nag-abala pa po kayo. Sa bahay na lang po ako kakain, Ma'am. Sa inyo na lang po 'yan total mag damag po kayong nagbabantay sa kaibigan ko po," magalang kong sabi sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin sabay baling ng tingin kay Narcy.

"Kahit may pagka iritado ang batang 'yan, kahit medyo tamad, mabait naman siya. Masunurin din naman siyang bata kahit medyo tutok sa cellphone niya. Nagkukulong minsan sa kuwarto na para bang ayaw magpa-isturbo," She said habang may namumuo ng luha sa mga mata niya.

Tumingin siyang muli sa akin, "Siya, uuwi ka na ba? Gabi na, Hija. Delikado sa daan."

"Huwag po kayong mag-alala, kaya ko ang sarili ko. Sige ho, bibisita na lang po ako sa susunod. Mag-iingat po kayo dito."

She nodded at hinatid niya ako sa may pintuan.

"Ingat ka. Balik ka na lang sa susunod, ha?" Sabi niya pa.

"Sige po. Paalam!"

Lumabas na ako ng hospital. Malamig kaya napayakap ako. Tinignan ko ang phone ko, it's almost 10:00 in the evening.

Ito ang gusto ko, tahimik. Walang katao-tao sa paligid. Perhaps, tulog na ang lahat yata or baka nandiyaan lang din namamasyal.

Nakinig na lang ako ng music while wearing my earphones.

So I'm leaving on a jet plane~
Don't know when I'll be back again~
Oh, babe I have to say goodbye~

PAGKA-UWI ko, agad akong nagpunta sa kuwarto. I put my bag down at humilata sa kama ko. Pinikit ko ang aking mga mata, habang nakikinig pa rin sa kanta.

Maya-maya, a notification popped up sa phone ko. Bakit nalaman ko? Nag ding siya. Without wasting my time, tinignan ko agad 'yon. Sa Facebook galing. Sa friend request to be exact.

Hanz Briton sent you a friend request.

Napataas ang kilay ko sa nakita. Ano nanaman bang trip nito? Is he playing games with me? Subukan niya at makikita niyang talaga ang kahihinatnan niya.

Ni-rolyo ko na lang ang mga mata ko and accepted him. Right after I accepted his friend request, a message popped up coming from him. I opened it.

Hanz : good evening ;)

Ew, seriously? Wink emoticon? Tapos naka lower case? Not cool.

I replied him.

Annabella : What? There's no good in evening.

Hanz : bad mood?

Annabella : You don't care -,-

Hanz : I do really care.

Annabella : Tss. Don't me. What did you eat that you pulled some string kay Michaela kanina? Now, you have the audacity to message me? -_-

Hanz : hahaha chill, okay? may masama ba sa ginawa ko kanina? you jealous?

Annabella : No, thanks. You're not my type. Mind your own business.
Annabella : 🙄😒

After that, I blocked him. Bahala siya sa buhay niya.

NAGISING ako dahil parang may sumasakal sa aking leeg at nakadagan sa akin. Napamulat ako nang nakita ko na si Narcy pala ang sumasakal sa akin.

"Paano mo nagawa 'yon, Anna? Bakit mo ako sinaksak? Wala kang kuwentang kaibigan! Bago mo ako maunahan, uunahin kitang lagutan ng hininga!"

Sinaksak? When? I don't know what she's saying. No, I didn't. I didn't.

Umiling-iling ako sa kaniya ngunit hinigpitan niya pa ang pagkakasakal sa akin. Lumuluha na ang aking mga mata dahil talagang nahihirapan na ako.

Hindi ako makapag salita, hindi ako makahinga. Pilit kong tinatanggal ang mga kamay niyang nakasakal sa akin but it was too tight. Kitang-kita ko sa mga mata niyang nanlilisik na nakatingin sa akin. Nakikita ko ang galit sa kaniya. Why?

Is this my end? Will I die tonight? For some reason, I am scared. Napatawa na lang ako sa isipan ko.

Malapit na akong malagutan ng hininga. Nagsisimula ng manlabo ang paningin ko. Bumagal ang lahat pati ang paghinga ko.

Napabalikwas ako at nagising na lamang na naghahabol ng hininga. Nauubo din ako. Beads of sweat was all over me. Kinapa ko ang aking leeg. I thought it was real because I can feel the tight grip of Narcy's hands even it was just a dream.

I calmed myself. Kinuha ko ang cellphone ko, I saw the time, 3:30 a.m na pala. How can I go back to sleep? I think, it's impossible.

Why, Narcy? Why did you visit me in that way?

TO BE CONTINUED.

QUADROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon