NARCY'S
Natapos na lang ang lunch, ang klase, ang araw, hindi bumalik si Anna. Saan kaya siya nagpunta?
Ewan ko ba kung bakit napag trip-an kong asarin si Anna. Si Michaela lang sana 'yon eh. Pero, tapos na 'yon.
Madilim na sa labas pagkalabas namin dahil uwian na din naman eh. 7:30 na yata ng gabi. Humikab ako. Gusto ko na matulog at humilata sa kama. Grabe, nakakapagod.
"Guys, paano? Uuwi na ako. Mag chat na lang ako kay Bella mamaya. Mauna na ako. Bye!" sabi ni Michaela.
"Ingat ka," sabi ko sa kanya. Nag smile siya at tumango at tumakbo.
"Eh, ikaw, Narcy? Sasabay ka ba sa akin pag uwi? Uuwi na ri ako eh," Elizabeth.
"Sige, mauna ka na. Punta muna ako sa convenience store, may titignan ako or baka may bilhin,"
"Paano, mauuna na rin ako. Mag-ingat ka sa daan. Bye-bye!" Pagpapa-alam ni Elizabeth. Tumango ako sa kaniya at kumaway.
Alone na ako. Di bale, magpa music na lang ako. Kaya, kinuha ko ang phone at earphones ko sa pocket ko. I tried to listen. Kahit papaano hindi boring at ma feel ko ang vibes. Ang lamig din kaya hindi ko maiwasan mapayakap sa sarili. Ang creepy nga eh.
After siguro mga 30 minutes, may nakita akong convenience store. Hindi siya matao, I mean kunti lang ang nakikita ko, nasa mga 3 or 4 lang.
Pumasok ako at agad hinanap ang pinunta ko dito. Wala naman sigurong nakakakilala sa akin dito, ano? Nag ningning ang mga mata ko nang nakita ko ang coffee na favourite ko. Nescaffe, 'yong kulay blue. Teka, may kape ba sa convenience store? Ah, basta. Ang importante makakabili na ako.
Mawala ng lahat na maiinom, huwag lang ang kape. Di ba, sabi ko nga, coffee is life, life is coffe. Motto ko 'yan. I can't start my day without my coffee. English 'yan, ha?
But then, my stomach grumbled. Hala, nagugutom na ako. May instant noodles naman yata dito, kaya 'yon na lang ang kakainin ko dito.
Afterwards, ayon nga, kumain ako sa convenience store, sobra na kasi akong nagugutom. Nabili ko na ang coffee kanina.
"Grabe. Hindi ko napansin na napatagal ako dito. Mag 8:30 na? Okay lang. Gising pa naman ang mga tao sa bahay." wika ko sa aking sarili.
Pagka ubos ng instant noodles ko, tumayo na ako at itinapon sa basurahan nila. Lumabas ako sa convenience store ng walang lingon-lingon dahil nagmamadali na rin ako.
Hayss, maglalakad nanaman ako nito. Sinalpak ko muli sa aking tainga ang earphones ko at nakinig sa music. I was vibing the atmosphere at the same time.
"Saan kaya nagpunta kanina si Anna? I didn't expect na nag cut siya ng class today. Grabe siya mag tampo," sabi ko habang nakatingin sa daan.
Habang naglalakad ako, ramdam ko na parang may nakasunod sa akin. Pero baka guni-guni ko lang 'yon. Kaya hindi ko na lang pinansin.
Hindi eh, may nakasunod talaga sa akin. As if natatakot ako. Kaya huminga ako ng malalim at nag kunwari na wala akong napapansin.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nag humm pa ako ng music. Medyo nakakaramdam na ako ng hindi maganda. Feeling ko tuloy-- huwag naman sana. Iinom pa ako ng kape, hindi puwede 'yon.
Lumunok ako dahil sa wakas malapit na ako sa aming bahay. Hindi naman yata 'yon makaksunod pang muli sa akin.
Mas binilisan ko pa ang paglakad ko, bumilis din ang mga yapak sa likod ko. Gusto ko mang lumingon ngunit sabi ng isip ko, huwag na, sabi ng puso ko, lumingon ako. Nagtatalo na ang puso at isipan ko sa gagawin.
Bago pa ako makalapit sa mismong bahay namin, naramdaman ko na lang na sumusuka na ako ng dugo, umuubo ng dugo. May nakatarak na palang kutsilyo sa aking likod. Sinaksak akong muli ng dalawang beses.
Humandusay ako sa kinatatayuan ko. Ginawa ko ang lahat upang makita ang kung sino man ang gumawa nito. Sa nanlalabo kong mga mata, nakita ko ang pigura niya. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ito, sa akin mismo.
She was smiling, a creepy one. Her eyes shouts satisfaction for what she did to me. Humalakhak pa siya at dahan-dahan ding lumapit sa akin and squatted in front of me. Nilandas niya ang kutsilyong hawak niya sa aking katawan.
"B----baki---t m--o *coughs* gi---n--awa *coughs* s--a a---k-kk-in i--t-to? *Coughs*" Ako habang naghihingalo na. Ngunit hindi niya man lang ako sinagot. Imbis ay tumawa siya ng tumawa. Madilim ang parte kung nasaan kami ngayon. Sira kasi ang streetlight sa banda na 'to. Guess, I am not lucky tonight.
Bago pa muli akong makapag salita, tinarak niyang muli sa akin ang matalim niyang kutsilyo sa aking dibdib. Before I was thrown into the pit of darkness, narinig ko ang sinabi niya.
"Rest in peace, Narcy Cruz."
TO BE CONTINUED.
![](https://img.wattpad.com/cover/364405094-288-k656424.jpg)
BINABASA MO ANG
QUADRO
Mystery / ThrillerQUADRO. Iyon ang tawag sa squad nilang apat. They may have similarities and differences, tadhana na mismo ang nagbigay ng paraan upang sila'y magtagpo, makilala ang isa't-isa, maging mag kaibigan, and learn from each other. Hanggang saan? Hanggang k...